1. Lime

233K 3.3K 1.1K
                                    


1.       Lime

Haaaaaaayyyyyy Stress with a Capital S!! Stress talaga pag andito si Grandma.  Katulad na lang ngayon, nagbbreakfast kami pero nagmamadali ako kasi dadaan pa ako sa Breadtalk kasi bibili ako ng favorite bread niya para dalhin sa office. Kakastressssss.

“Raz!” Napalingon ako bigla kay Kuya Jude. Nakanganga pa ako niyan.

“Anong ginagawa mo?” Nakakunot pa ang noo niya habang nakatingin sa akin.

“Why?” napatigil naman ako sa ginagawa ko.

“Bakit mo sinusubo ang itlog?” Parang nanggigilalas pa siya nung sabihin niya yun.

“Bakit? Masama  bang isubo ang itlog? Sa pagkakaalam ko, hindi masama sa isang babae na katulad ko ang sumubo ng itlog.” I smirked at my brother na nakita kong namula. Lahat ba talaga ng ulo madaling magreact? I mean mukha pala!

“I mean, bakit mo isusubo ang itlog kung may balat pa? Ni hindi mo man lang kinuha ang balat.” Napatingin ako bigla sa itlog na hawak hawak ko. Sus! Oo nga pala! Hindi ko pa pala nababalatan.

“Ayyyy oo nga ano! Dapat kasi bago ihain ang itlog binabalatan muna. Kadiri naman kasi pag may balat yun. Ewww ha! Dapat kasi hindi boiled egg ang hinanda nila Ate. Mas masarap kaya kainin ang binating itlog.”  Sabay kagat sa binalatan kong itlog. Hmmmm! Infairness ha! Ang kinis ng itlog na to. Ahehehe.

“Raziel!” Pulang pula na ang mukha ni Kuya. Shucks! Bakit siya namumula?

“Bakit na naman!?”  Hindi ko tiningnan si Kuya. Nakafocus ako sa itlog. Ito ang gusto ko na luto ng boiled egg. Yung medyo moist sa gitna. Malinamnam kasi pag ganun.

“Pwede bang umayos ka! Pag may ibang taong makakarinig sayo sasabihin nilang bastos ka!” Susme! Ano ba ang pinagsasabi ni Kuya?

“Anong masama sa sinabi ko? Ang greenminded mo talaga Kuya! Makaalis na nga!” Tumayo na ako at uminom ng tubig tapos iniwan na si Kuya.

Sumakay na ako sa aking Green na Range Rover. Gustong gusto ko ang kotse na to hindi lang dahil sa green ang kulay niya kundi dahil sa malaki siya at mahaba. I fell in love with it the first time. Mahilig talaga ako sa malalaki at mahahabang bagay.

Ang Kwento ng GreenmindedWhere stories live. Discover now