Tagpuan ni Bathala[PART 1]

221 72 115
                                    

Author's dedication section/message: This story is for my friend and kasquad na si Jenifer Mercadejas. Ang tangkad liit ng Savouge Squad. Love love kita. Amwa. 😘😘

Eto na yung part one.

PS: This is not edited kaya kung maraming typo, sorry for that. I'll be editing it kapag nagka-oras ako.

-end-
~

Jenifer's POV

Hindi ko mapigilang mainggit sa mga batang kompleto ang pamilya, may nanay at may tatay. Iniisip ko kung ano kaya ang pakiramdam na buo at masayang pamilya.

Mula pagkabata ko kasi ay sila tita at lola na lamang ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Hindi ko naman sinasabing hindi mabuti ang pag-aalaga nila pero iba pa rin yung pagmamahal ng totoong magulang.

Bata pa lang kasi ako namatay na ang mama ko. Naging malungkot ang Papa ko. Labing tatlong taong gulang ako noon at nagsimulang maging lasenggo si Papa. Namulat ako sa mundong puno ng bangungot at kalungkutan. Walang araw na hindi ako umiiyak, dahil laging wala si Papa at pagkauwi lasing. Parang hindi na ako nag-eexist.

And one day, namalayan ko na lang na iniwan na rin ako ni Papa. Tinanong ko sila Lola at Tita, ang sinabi nila sa akin nagtrabaho pero ilang araw ang lumipas narinig ko sa mga kapitbahay namin ang totoo. Hindi pala nagtrabaho si Papa. Sumama na siya sa ibang babae, hindi man lang niya inisip na, kaming dalawa na lang ang magkasama.

Hinayaan niya akong mag-isa. Sobrang sakit ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko iyon. Iniwan niya ako na sarili niyang anak para sa ibang babae.

I was so devasted to the point na ayaw ko nang lumabas ng bahay o makipag-usap. And on that day on, I started to hate him.

I hate him...I hate him so much.

Pinagdadasal ko na sana hinding hindi ko na siya makikita pa dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko o masasabi ko. I don't want to be evil but I will never forget the pain he cause me.

Maya maya nagulat ako ng biglang may nag-abot sa akin ng panyo, kaya't napatingala ako sa nagmamay-ari nito.

"Karl?" takang tanong ko.

"Yes! Ako nga!" nakangiting sagot nito sa akin.

Si Karl, classmate ko siya sa College Algebra. At halimaw siya sa equation and I wish, ganun rin ako kagaling. But poor me, It can't be... IT CAN'T BE!

Hindi kami masyadong nagkakausap. Acquaintance lang kami kumbaga.

"Gamitin mo na 'tong panyo ko. Basang basa na pisngi mo oh." sabi naman niya at iniabot sa akin ang panyo.

"Naku, okay lang nakakahiya naman." pagtanggi ko. Nakakahiya naman talaga e. At isa pa may panyo naman ako, hindi ko lang talaga namamalayan na naluha na lang ako.

"Hindi! okay lang, kunin mo na." pilit nito sa akin kaya wala na rin akong nagawa kundi tanggapin iyon.

Pinunasan ko ang mga luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. Lagi na lang akong umiiyak sa tuwing naaalala ko ang mga panahon na iniwan ako ng taong akala ko hindi ako iiwan. It's been 6 years mula noong iniwan niya ako, ni anino niya hindi ko man lang mahagilap. Hindi man lang siya nagpakita sa akin kahit isang beses mula noong umalis siya.

"Oh, ayan nanaman ang luha mo. Gagawan mo pa ata ng swimming pool dito e." natauhan ako at bumalik sa reality nang biglang magsalita ulit si Karl.

Bigla ko namang hinawakan ang mga mata ko. Tumutulo nanaman pala ang luha ko, kaya agad ko itong pinunasan.

Tagpuan ni Bathala [Completed]Where stories live. Discover now