Shin's POV
kring! kring!
Ano ba 'yan! Ang aga aga eh!
"Hello?! Sino ba 'to? Kay aga tumatawag! Ano ba kailangan mo? Gusto mo bang pabombahan kita diyan sa inyo?" Yamot kong bungad habang nagkukusot ng mata.
Kasi 'tong nilalang 'to. Kung sino man 'to ang aga kung tumawag. Biruin niya kamo yung taong lasing wag lang ako na bagong gising!
Oo nga pala' di pa ako nagpapakilala.
Ako si Athena Shin Lee. O, diba sosyal ng pangalan ko. Ewan ko sa parents ko. Haha. 18 years alive na ako. At mahal na mahal ako ng parents ko. Thank you!
Teka nga muna. Parang may nakalimutan ako, hmm. Hala, may katawag pala ako muntik ko nang makalimutan. Ikaw talaga Shin, uminom kana kaya ng memo plus gold? Chos.
"H-hello? a-ah so-sorry kung naistorbo kita. Ako pala si Ji Chan Park. Magtatanong lang sana ako kung may nakita ka bang pusa? Kasi nawawala yung dalawang pusa ko tapos ayun nag dial ako ng kahit anong number. Pasensya na. Tingin ko wala rin diyan yung mga pusa ko. Sorry ulit."
Ano 'yon? Nag dial ng kahit anong number? Shunga lang.
'Tsaka sorry daw? Alam niya bang nagiinit dugo ko ngayon dahil sa kanya?
"Talaga naman oh. Mukha ba akong tanungan ng mga nawawalang hayop? Hoy Mister, kung nanggu-good time ka pwes hindi nakakatawa. At isa pa nakakabwiset ka kasi iniistorbo mo yung masarap kong tulog. Panghuli, kapag nakita kita sisiguraduhin ko magsisisi kang nabu-"
toot toot toot...
Aba bastos 'to ah, babaan ba naman ako? Iiyak 'to sa'kin pag nagkita kami. Ugh! 'Di man lang ako inantay matapos magsalita. Badtrip tuloy umaga ko.
At naalala ko...
Paano niya nakuha yung number ko?
-----------------------------
Please don't forget to vote, comment and follow ^_^
YOU ARE READING
Not or To Be Destined
Teen FictionAthena Shin Lee, a girl uninterested in love. Sobrang bitter. Sabi nga niya sa gawa-gawang quote, "Di lahat ng stories may happy ending, dahil walang forever! Although mayroong nagtatapos sa happy ending still, WALA PARING FOREVER!". But her usua...
