Chapter 2

9.7K 381 44
                                    

Nang matapos ang huling klase bago ang lunch break ay muling nagsalita si Gail.

"Ano? Okay na ba 'yung paa mo?" Akmang luluhod nanaman siya pero hinawakan ko agad siya sa magkabilang balikat para pigilan.

"O-oo. Okay na ko" Sabay tayo ng normal "Pwede na nga akong sumali sa Track and Field eh" Pagmamalaki ko habang pinagyayabang 'yung paa kong hindi na masakit

Parang ngumiti naman siya ng bahagya. Parang pinipigilan niyang ngumiti sa di ko malamang dahilan. Teka nakangiti nga ba talaga siya?

"Ba't mo ako tinititigan ng ganyan?" Tanong ni Gail

"Ngumingiti ka pala?" Maang na tanong ko

At dito na siya tumawa ng sobra

"Seriously Cystal?!" Habang natatawa "Ano'ng akala mo sakin robot?" Natatawa pa rin siya. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.

"Wag kang ngumuso Crystal" Seryosong bigkas niya. Nakanguso? Hindi naman ako nakanguso ehhh

"Sige patulisin mo pa 'yang nguso mo nang makita mo ang di mo dapat makita" Banta ni Gail

Ano daw? Nag-loading ata ako sa binitawan niyang salitang 'yon.

"Hoy Nerr-- ay Crystal pala" Nauutal na tawag nang classmate ko nang bigla siyang tignan nang masama ni Gail. "Pinapatawag ka ni Pia. Nasa may pinto siya"

Ay shit!! Napatingin ako bigla kay Gail

"Alam mo Crystal ang isa sa pinaka ayaw ko ay 'yung taong walang isang salita" Banta niya.

Hala kaaaa! Nagsungit na! Ano na Crystal?! Ano nang gagawin mo?

"Crystal!" Tawag ni Pia na papalapit sa amin. Kaming tatlo nalang 'yung naiwan sa Classroom.

"P-Pia.." Nauutal kong bigkas. Masyadong mabigat ang tensyon na nasa loob ng dibdib ko.

"Ano? Tara na?" Akmang aalalayan niya sana ako nang biglang magsalita si Gail

"Magaling na 'yung paa niya" Malamig na sambit ni Gail

"Pero mas maganda pa rin na mapa-check siya para sure. Ayokong mag-take ng risk" Seryosong sagot ni Pia.

Hala kaaaa. Kasalanan talaga ng bato 'to e! Babalikan ko 'yun mamaya at sisipain.

Tumitig si Gail kay Pia
"Doctor ang parents ko. Kaya may alam rin ako kahit paano" Sambit ni Gail

"Parents mo 'yun. Licensed ka ba?" Inis na sagot Ni Pia.

Shit pinagpapawisan na ako kahit fully air-conditioned itong classroom. Paano ko ba sila aawatin.

"What's happening here?" Sabat nang isang boses.

Napalingon kaming tatlo sa nagsalita. Si Mam Syrish! Saved by the bell na! Wooohh!

"Good Afternoon Ma'am" Bati ni Pia. Hindi naman nagsalita si Gail at pairap lang na tumingin sa kawalan.

"M-mam? Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko kay mam Syrish. Nag-glare naman siya sa akin. Napayuko ako bigla. Ayaw niya kasing tinatawag ko siyang Mam dahil 2years lang naman daw ang agwat namin. Sobrang talino niyan ni Ma'am. Siya ang kauna-unahang nag Suma Cum Laude dito sa University. Sabi nga niya malaki rin daw ang chance na ako 'yung maging pangalawa. Medyo close kami niyan ni Mam pero ayun nga. Syrish daw ang itawag ko sakanya. Ang akward lang kasi dahil ako lang 'yung binigyan niya ng permit na tawagin siya sa pangalan niya.

Nang makabawi ay muli siyang nagsalita.

"Crystal? Tara na ba?" sambit ni Syrish. Huh? 

Unti-unting nagflashback sa akin 'yung usapan namin kahapon.

"WOW Mam ay este Syrish pala. Ang ganda naman nitong mini library mo" Siguro nga humble ako kung sasabihin kong medyo close lang kami. Pareho kasi kaming bookworm. At Oo! Sobrang magkasundo kami. Sa totoo lang medyo crush ko nga siya. The way na magsalita siya at basta! Nagtataka lang ako ba't mas pinili niyang magturo kaysa mag-model or artista. Parang mas bagay kasi sakanya 'yun.

"Pili ka na nang books na gusto mo tapos sayo na" sambit ni Syrish

"Talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Kasi hindi talaga ako magdadalawang isip na bitbitin 'yung mini library niya.

"Parang alam ko 'yung naiisip mo"

Unti-unti akong ngumiti nang malawak. Kilalang kilala talaga niya ako.

"Hoy Crystal! Maximum of 5 books lang ang pwede!" Banta niya nang tumakbo ako papalit sa book shelves niya.

Mga Sampung minuto na siguro nang mapili ko na 'yung limang makakapal na libro na sa tingin ko ay libo rin ang halaga nang bawat isa.

"Alam mo talaga kung ano ang pipiliin no?" Naiiling pero nakangiting sambit ni Syrish

"Ako pa ba!" Pagyayabang ko.

Medyo hinihingal pa nga ako at saka hawak ko 'yung limang libro. Ang bigat. Hinipan ko 'yung mga hibla nang buhok ko na humarang sa aking mukha. Kaso bumabalik pa rin.

Nagulat naman ako nang hawakan ito ni Syrish at inipit sa likod ng tainga ko.  Inayos rin niya ang salamin na suot ko at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Ang warm nang mga palad niya. Parang hinihigop 'yung lakas ko. Parang mabibitawan ko na ata 'yung mga librong hawak ko.

Inilapit niya 'yung maganda niyang mukha sa akin

"May kapalit 'yan" Sambit niya. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Parang inaakit akong halikan siya

"A-anong ibig mong sabihin?" Pigil hiningang sambit ko. Kinabahan ako bigla sa magiging sunod niyang gagawin

"Hindi 'yan libre. May bayad 'yan. Alam mo kung ano?" Umiling ako.

Lalo siyang lumapit at saka bumulong

"Bukas. Sabay tayong magl-lunch. Deal?"

Wala sa sariling napatango ako. Bigla naman siyang lumayo at tumawa nang malakas

"SYRISH NAMAN EHHH!" Nakakainis! Pinagtatawanan niya 'yung pagiging off-guard ko. Kasi naman ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko.

*End of Flashback

Bigla kong narealize 'yung gulong pinasok ko. Akala ko safe na ako. Akala ko..  WAHHHHH! MAMAAAAA! HELPPPPP!!
















__
HAHAHA! ayan na mga boss. Sorry kakagising ko lang huhu.  LABYU! Pero si Crystal talaga Petmalu LODIIII Awieee

Ps. Don't forget vooote please. Thaaaaanks!!

That Nerd is the campus heartthrob (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon