Chapter 51 Save

Comincia dall'inizio
                                    

Alam ko yun kaya ko nga kukunin eh..may kapangyarihan ang corona na tanging ito at ako lamang ang nagtataglay.

I heard a loud stump..probably Luna. Brat!

"Argh!! Minsan wala ka talagang kwentang kausap" galit na saad nito bago nag mamartsa paalis.

Napailing na lang ako sa inasta nito.Too childish.

One week left. I only have one week to do the plan.

Sigh.

Hindi ko siya kayang patayin.Dahil tulad ng karamihan nagmamahal lamang ito.

Kailangan ko nang gawin ang plano.

-------------Someone's POV-----------------

Nakakulong sa isang madilim na selda ang isang lalaking nanghihina. Puno ito ng mga pasa na nakuha mula sa mga malulupit na kawal ng palasyo.

Tanging ang sinag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng binata. Nakatingin ito doon na wari'y humihingi ng tulong. Nag-iisa lamang ang lalaki at wala itong kasama sa selda.

Hindi alam ng lalaki na may dalagitang kanina pa naka tingin sa kaniya. Nakamasid lamang ito. Nakaramdam ng awa ang babae sa lalaki. Dahil lamang sa kasakiman sa kapangyarihan kaya nangyayari ito. Dahil lamang sa kasakiman sa kapangayarihan nahahadlangan ang pagmamahalan ng dalawang nilalang.

Tsk tsk.

Lumapit ang dalaga sa seldang kinalalagyan ng lalaki ngunit hindi man lang ito ng napansin ng binata. Malayang nakakalakad ang babae dahil kanina pa nito pinatay ang nagbabantay.

Tahimik na binuksan ng dalaga ang selda. Naramdaman ng lalaki ang pag bukas ng pintuan kung kaya't napatingin siya rito.

Nakita ng binata ang isang dalagang nakasuot ng bestidang puti na hanggang tuhod ng dalaga at ginto ang kulay ng buhok nito.Hindi nito makita ang mukha dahil natatakpan iyon ng isang cloak.

"Sino ka??"tanong ng binata sa dalaga.

Ngunit hindi ito sinagot ng dalaga tahimik lamang itong gumagawa ng hindi niya alam kung ano.

"Tumayo ka diyan bilisan mo."ani ng dalaga sa kaniya ngunit hindi makagalaw ang lalaki.

Napairap nalang sa kawalan ang dalaga dahil sa inakto ng lalaki.

Bingi ba'to or ano?

Ani sa isip ng dalaga dahil hindi pa rin gumagalaw ang binata sa kinauupuan nito.

"Ano ba tatayo ka diyan o iiwan kita rito"

"H-huh!" Tanging sambit ng binata.

"Kung gusto kong makaalis dito tumayo ka diyan at gumalaw bago pa malaman ng ibang nagbabantay na tumatakas ka na" saad ng dalaga.

Tumayo naman ang binata. Nasisiguro niyang hindi ito kaanib ni king Drake dahil pinapatakas pa nga siya nito.

Teka sino ba ang babaeng ito?

Tanong sa isip ng lalaki. Nabasa naman nang dalaga ang nasa isip nito.

"Mamaya ko na sasabihin kong sino ako, dahil kailangan na nating umalis"

Sabay nun gumawa ang dalaga ng portal na hindi niya alam kung saan tutungo. Sumunod na lamang siya sa dalaga sa nais na maka alis sa seldang iyon.

Dinala sila ng portal sa isang hardin at may isang hindi kalakihang kubo ang may roon sa harden.

"Sumunod ka"ani ng dalaga.

"Dito ka na muna pansamantala, hindi ka mahahanap ng mga alagad ni Drake dahil may proteksiyon ko ito. Ligtas ka dito. At kung balak mong tumakas sinasabi ko na sayo 'wag mo nang gawin iyon dahil hinding-hindi ka makaka alis sa harden na ito"mahabang litanya sa kaniya ng babae. Lumapit ito sa kaniya at may binigkas na spell. Nararamdaman niyang bumabalik na ang kaniyang lakas .Is she healing him?

"Sino ka ba?? Bakit mo ako niligtas?"

"Sino ako? I'm Athena kung bakit kita niligtas? Dahil makakatulong ka sa akin pagdating ng araw"sagot ng dalaga sa kaniya.

"Makakatulong? Saan?"

"Huwag mo munang isipin iyon dumito ka munaat  nasisiguro kong hindi ka dito makukuha ni Drake"

"Pano ako nakakasigurong hindi mo ako papatayin o di kaya'y hindi ka alagad ni King Drake"

"Oh poor fool young man...unang-una hindi ko kailangan ng kasiguraduhan mula sayo.Pangalawa, hindi kita ilalabas sa seldang iyon kung alagad ako ng walang kwentang Hari na yun at pangatlo hindi ako pumapatay ng isang magerian na walang laban"sagot sa kaniya ng dalaga.

May sasabihin pa sana ito ng magsalita ulit ang dalaga.

"At kung gusto mo pang makita ang babaeng pinakamamahal mo makinig ka sa akin at 'wag kang aalis dito. Kung ako sayo habang nadirito ka mag sanay ka, sanayin mo ang iyong magi dahil ilang araw na lang dadating na ang digmaan, kung gusto mo siyang iligtas hasain mo ang iyong kapangyarihan"

Saad nito bago nawala na parang bula. Iniwan siya nitong naka tanga.

************************************************************************************************************************************************
Heres the update guys!!

200 votes for the next update haha.joke.

By the way I am planning to make a book 2 of MA:The Lost Princess Is back.

Plan pa lang naman kaya hindi pa sure.Kaya antabayanan niyo na lang po..Malalaman niyo kung may book 2 sa ending ng MA.

Salamat

Please dont forget to:

Vote and comment.

MAGICAL ACADEMY:The Lost Princess Is Back (COMPLETED) Under RevisionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora