Chapter Twelve: Confession

Magsimula sa umpisa
                                    

Ah, ewan! Pinilig ko ang ulo upang ialis iyon sa akin isipan.

"You're in a big trouble!" Napakislot ako nang marinig ang tinig ni Danica. Hindi ko napansin na nandoon pala siya sa aking kuwarto. "You're not listening to me. I told you to be yourself," lintanya pa niya habang hawak ang kanyang mga barbie dolls. Nakahilera ang mga iyon sa ibabaw ng kama at iba-iba ang suot na outfit.

"Sweetie, bakit dito ka naglalaro?" Lumapit ako sa kinaroroonan niya. "Baka hinahanap ka na ng yaya mo."

Marahan umiling si Danica. "She is sleeping and I don't want to disturb her," she said without leaving her eyes on her dolls.

"Okay." Ang tanging nasabi ko na lang habang pinipigilan matawa. Mukhang hindi ko rin siya maiistorbo sa kanyang paglalaro kaya lumipat ako sa couch bitbit ang libro na hindi ko matapus-tapos basahin.

"Ate Jella." Nagising ako sa marahan na pag-alog sa akin ni Ingrid. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala ang pagbabasa.

"Hmm... Bakit?"

"Ate, may gustong kumausap sa'yo."

Lumipad ang mga mata ko sa hawak niyang cellphone.

"Sino?"

"Gusto ka raw makausap ni Ate Karla."

Hindi ko malaman kung may itataas pa ang kilay ko sa narinig.

Pasakay na ako ng kotse ay siya naman dating ni Jace. Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan nang makita ako.

"Saan ka pupunta?" tanong niya with his trademark boyish smile.

"D'yan lang sa bayan."

"May bibilhin ka? Samahan na kita."

"Makikipagkita ako kay Karla." Binuksan ko ang pinto ng kotse subalit agad na isinara iyon ni Jace.

"What? Teka, bakit mo naman gagawin iyon?"

"She wants to talk to me in person." Iyon ang dahilan kung bakit tinawagan ako ni Karla sa cellphone. Gusto niyang makipagkita sa akin dahil mayroon daw kaming mahalagang pag-uusapan.

"You can't meet her." Muling isinara ni Jace ang pinto ng kotse nang tangkain kong buksan iyon. "Kung anuman ang problema nila ni Clyde, don't get involve. You have nothing to do with them."

"Alam ko pero--"

"Just don't!" giit ni Jace. Ngayon ko lamang siyang nakita na ganito kaseryoso na halos mag-isang linya na ang kanyang mga kilay. Hindi na rin ako nagpumilit dahil in the first place hindi ko rin naman gusto na makaharap si Karla.

Sa halip na makipagkita kay Karla ay niyaya na lamang ako ni Jace na kumain ng tanghalian sa bayan.

"Maaga pa para mag-date. Sa ibang araw na lang siguro natin ituloy." Balik na naman siya sa dati niyang gawi. Wala talagang pinipiling oras ang kanyang kalokohan.

"Baliw!"

"Hey! May utang ka sa akin na dinner date baka nakakalimutan mo."

"Wala akong maalala."

"Huwag kang madaya!" He said playfully nang biglang may sumagi sa isip ko.

"Jace, how did you know that they broke up?"

Napalis bigla ang ngiti sa mga labi niya.

"I mean, bakit mo alam na may problema sina Clyde at Karla?"

"May nagsabi lang sa akin."

"Si Amelia?"

"Ikaw? Paano mo nalaman?" sa halip ay tanong niya sa akin.

The Stranger In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon