4:I

2 0 0
                                    

Azen's POV

Naramdaman ko sa aking braso ang maligamgam na pamunas. Umakyat iyon ng umakyat papunta sa aking mukha,sa aking noo at leeg.

Tumagilid ako dahil hindi ko nagustuhan iyon.ngunit nagpatuloy parin iyon at pinunasan naman ang batok ko.

Mahina kong inalis ang kamay na iyon sa batok ko.

Akala ko tapos na pero naramdaman ko naman ang paa ko ang pinupunasan.

Idinilat ko ang mga mata ko dahil hindi na ko makatulog. Tumingin ako sa paanan ko kung sino iyong nagpupunas. Napaayos ako ng pagkaupo sa higaan nang makita kung sino iyon.

"Ate Aigie?"

Tumingin sya sakin at pinakita nya ang ngiting sa tuwing nakikita ko ay gumagaan ang pakiramdam ko.

Binitawan na nya ang paa ko at binalik ang pamunas na ginamit nya sa maliit na planggana.

"Masaya akong nagising ka na,kamusta na ang lagay mo?"

Hinawakan nya ang kamay ko at hinilot-hilot iyon ng ka onti.

Si Ate Aigie, sya yung kasambahay na simula ng bata ako ay nag alaga sakin. Bestfriend sya ni mama kaya malapit ako sa kanya.pero nang mawala si mama at dumating ang bagong asawa ni papa,wala akong nagawa nung kunin sya dahil paborito rin sya ng stepsister ko.ako nalang ang nagpaubaya dahil nung mga araw na yun,bumalik na ko sa totoong bahay ko.

Lagay? Bakit? May nangyare ba sakin?

Tinignan ko ang sarili ko. Naka ospital gown ako,may dextrose sa kamay ko,ang arm rest na nakasabit sa leeg ko at nakapatong doon ang kaliwa kong braso.

Nagulat ako dahil hindi lang pala sa braso ako may damage .pati rin pala sa kanan kong kamay at pati rin sa kaliwa kong paa .

Saan ko nakuha ang mga ito?

Aabutin ko sana ang paa ko para i check kung sobrang sakit pero mas masakit yung nasa likod ko.

Letse ano yun?!!

Sobrang sakit ng likod ko!

"Dahan-dahan lang ang pagkilos Azen,masyado pang masakit ang mga pilay mo."

"P-panong...bakit andami? Saan ko nakuha ang mga ito?" Nagtaka talaga ako sa sobrang dami.tumingin ako kay ate Aigie para sagutin ang mga tanong ko.

"Wala ka bang maalala iha? Sa mga nangyare sayo?"

"Wala po...,"

"Nadulas ka ng tatlong beses sa sahig iha," mahinahon nyang sinabi .

"Tatlong beses?!! Panong nangyare----

Sa kalagitnaan ng pagtatanong ko ay may naalala ako.

Nabangga ako, nakaapak ng balat ng saging, naapakan ang kamay,nabuhusan ng juice sa mukha, at nadulas uli dahil may lumitaw na skateboard.....

Lahat ng iyon ay nangyare sakin sa isang araw lamang,

Ikinuyom ko ang mga kamay ko ngunit hindi natuloy dahil sumakit ang mga daliri ko dahilan para mapahiyaw ako .

Nasan na yung mga lalaking yun!!!??

"Iha huminahon ka. Walang may gusto sa mga nangyare. Alam kong galit ka sa mga iyon pero kailangan mong huminahon at pakinggan muna ang mga sasabihin nila."

"O-opo, "

Hindi lang talaga ako makapaniwala na nangyare sakin ito!!

"Paniguradong pupunta ang mga iyon para bisitahin ka at mag-eexplain iyon panigurado. Sasabihin ko na sa papa mo na nagising ka na."

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 18, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

BEAUTIFULDonde viven las historias. Descúbrelo ahora