Sin 6

7.2K 121 2
                                    

Hazel's POV

Nakamasid lang ako ngayon kay Sandy na sobrang himbing ng tulog, lasing na lasing ito kagabi at kung kani-kanino na nakikisayaw. Iniwan ko muna nun si Angelie para hanapin ito at buti nalang at naagapan ko kung hindi ay tinangay na ito nu'ng isa sa mga lalaki dun.

Binalikan ko si Angelie kasama ko na si Sandy pero wala na siya kung saan ko siya iniwan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hinanap ko siya pero hindi ko na siya mahagilap. There's so many what if's ang pumasok sa utak ko. Ayaw ko pa sanang umuwi at hanapin nalang si Angelie pero nag yaya na iyong mga kasamahan namin na mag sibalik na daw sa dorm kasi malapit ng mag alas tres at sa ala syete naman ang klase.

Ayaw ko man sana ay bumlik nalang ko iniisip ko din naman kasi si Sandy. Hayyy wala akong tulog

Tumayo muna ako para pumunta sa mini kitchen ng dorm at kumuha ng tubig ng may biglang kumatok. Kinabahan ako It's only 4 am para pumunta dito ang mga madre.

Inayos ko muna ang sarili ko saka dahan-dahang pumunta sa may pinto na hindi parin matigil ang pag katok.

I opened the door and to my surprise bigla nalang akong naluha

"Angelie" tawag ko sa kaniya. Wala itong malay at karga ito ni Sylvester.

Napansin ko ding hindi niya suot ang suot niya kagabi. She's wearing an oversized t-shirt na sa hinuha ko ay kay Sylvester dahil topless ito. Oh God anong nangyari?

"Lead me to her bed" seryoso nitong sabi

Nataranta naman akong nilakihan ang pinto saka ginayak ito sa higaan ni Angelie. Inihiga niya naman dun ang aking kaibigan.

"Bring me her clothes" utos nito sa akin

Natarnta naman akong kumuha ng damit ni Angelie. Tumayo si Sylvester at kumuha ng planggana sa kusina at nilagyan ng maligamgam na tubig saka bumalik sa tabi ni Angelie.

Sunimulan na nitong punasan si Angelie at napanganga naman ako.

"A--ako n-na?" Ani ko pero hindi ako pinansin nung lalaki

Nanlaki ang mata ko ng mapansing mag tuyong dugo sa may binti ni Angelie kaya agad akong nataranta.

"Bakit may dugo? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?!" Asik ko dito

"Tsss change her"

Tumayo na ang lalaki at tumalikod kaya ako na ang pumalit sa puwesto niya. Umiiyak akong binibihisan ang kaibigan ko. Hindi ako tanga at alam ko kung ano ang dugo na iyon.

I felt guilty sana hindi ko nalang siya iniwan at sinama nalang sa pag hahanap kay Sandy o di kaya ay hindi nalang namin siya sinama.

"Are you done?" Tanong ng lalaki tumango lang ako at hindi ko alam kung nakita ng lalaki.

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga saka yabag ng kaniyang paa na papalapit.

"Let's go" ani nito

Kinunutan ko naman ito ng noo. Saka tumayo-sinampal ko siya.

"How dare you pinagsamantalahan mo ang kaibigan ko tapos ngayon yayayain mo ako!? Anong klase ka?" Mahinangvturan ko dito, hindi ko alam pero hindi ko na napigilan ang luha ko.

"I didn't, I bring her back" seryoso pang sabi nito

"Dapat magpasalamat pa ako kasi yung nanamantala sa kaniya ay ibinalik siya?"

"Stop saying nonsense Ms. Chrazel Arragon"

Nanlaki naman ang mga mata ko, how on earth did he know my real name?

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon