Chapter 3

187 4 1
                                    

3

Inirapan ako lang sya. Ang suplado nyang tao kala mo kung sino powgi. Pero powgi naman nya bwahahahah. Para nkong tanga dito habang nakatayo ako'y giniginaw grrrr. bwiset na ulan toh. Pahamak!

After ng ilang oras tumila din ang ulan pero medyo umaambon pa, gusto ko na talaga umuwi kaya tumakbo na ako palayo sa tindahan. Muntikan pa akong madulas dahil sa tsinelas natoh argh bwiset. Nang malapit na ako sa aming bahay napalingon ako sa likod ko. O.O

Naglalakad din sya papunta sa way ko. Aba anong trip neto, saan sya pupunta. Baka crush nya ako kaya sinusundan nya ako, or ihahatid ako waaaaaaa.

Diretso lang ang lakad ko papunta sa bahay namen, pag pasok ko sinara ko agad ang gate at sumilip sa gilid ng gate para makita ko kung saan sya pupunta, Guess what kung saan sya dumiretso. Sa bahay nila Tita Tes. Hala anong gagawin nya dun? Baka sya yung sinasabi ni Mama na pamangkin ni Tita Tes na aming Kapitbahay :3

Nagtanong agad ako kay mama..

"Ma sino yung sinasabi mo na pamangking ni Tita Tes?" eh sa nacurious ako sa kanya.

"Ah si Robyn yun, sa kanila muna sya titira dahil masyadong malayo ang bahay nila dito."tama ang aking hula.

"Ahhhhhh. Classmate ko po sya eh. Suplado masyado."

"Ganun talaga yun, may saliring mundo. Mamayang gabi pinapapunta tayo ni Tes sa bahay nila may konting salo-salo. Magbihis ka ng maayos." Again and again? Aba bahala sila, Ayokong sumama. 

"Ma dito nalang ako sa bahay ayokong sumama kayo nalang please." agad akong umakyat.

"Bahala ka."

---

Eto na 6:30 palang nakaayos na sina Mama, anong meron at naka formal sila? eh bahay lang naman pupuntahan nila hmm bahala sila basta ako manonood nalang ng Insidious.

After pa ng ilang minutes nagpaalam na sila.

"Anak ilock mo ang pinto ah magtetext nalang ako kapag uuwi na kami. Kung gusto mo sumunod kana lang duon."

"Yes ma." sagot ko habang nakatakip na unan yung kalahati ng mata ko. Grabe bat eto pa pinanood ko nakakatakot   -____-

Masyado nakong natatakot sa pinapanood ko, ni hindi na ako makagalaw, makatayo sa kinauupuan ko. Waaaaa ako lang mag-isa dito sa bahay Lord sana umuwi na agad sila.

Nakakagulat yung part na may biglang Devil na sumilip sa likod nung babae. Grabe yung kaba ng dibdib ko nang may biglang...

*Ding... dong...*

Uwaaa aatakihin na ata ako sa nerbyos. Jusko po!

*DIng... dong..*

Sinong lapastangan naman yung nag doorbell waaaa ayoko na.

*Ding ... dong...*

Bigla akong napatakbo papuntang pinto at bukas ng aming gate.

Nabigla naman ako sa lalaking nakatayo....

"Ah ehhh... A-anong, ginagawa m-mo dito?" Nerbyos kong tanong sa KANYA!

"Pinapasundo ka ni Tita Tes..." Cold nyang sabi.

"Bat daw? eh kitang ayoko nga pumunta dun eh." naiirita ako.

"Psh.." Sabay alis nya..

Binalibag ko ang pag sara ng gate.

Bwiset yun istorbo. Pinatay ko na yung pinapanuod ko hindi ko na kaya eh. Manonood nalang ako ng Love story. Hmm ano kayang maganda? Ahh eto  letters to juliet.

Maya maya may nag doorbell naman. Pagbukas ko ng gate bigla bigla akong hinatak palabas ni Ano.

"Ano ba!!! Ayoko nga sumama eh!!!" Sigaw ko kay Ano.

"Ako pinapagalitan eh. Pa chics ka masyado Faye!" Aba aba sinisigawan nko ng Robyn na toh!

"Yung bahay hindi ko nasara!!" Sigaw ko din. Ang higpit ng hawak nya sa braso ko, naiipit na dugo ko.

Bigla kaming bumalik sa bahay at ininara nya lang yung gate then pumunta na kami sa bahay nina Tita Tes. Pag pasok namen sa bahay nakatingin silang lahat sa akin, ay sa AMIN pala. 

Paano ba naman, hawak hawak nya yung kamay ko. Sabay bitaw ko.

"Aba Robyn buti napilit mo syang pumunta dito ah. Palaging ganyan yan, laging naiiwan sa bahay." Sabi ni mama. >__< Kaasar! Bat na di ko agad inalis kamay nya. tss. Nakakahiya, nagblush tuloy ako.

Kumain na kami. Kaharap ko pa tong kupal na to. Actually medyo tapat lang ng bahay namen ang bahay nila tita tes. Palagi silang nagdi'dinner together kasama ang pamilya ko. Minsan naman sa bahay namen. Ganyan sila ka close eh sa ayokong ma expose. May anak si tita tes dalawang lalaki hindi ko naman sila ka close kaya laging Op ako.

Nilagyan ako ni mama ng broccoli, Alam nya kasing hindi ako kumakain ng gulay. Nagulat ako ng bigla akong kinausap ni Robyn.

"Isawsaw mo dito. Masarap yan." Napatingin ako sa isang platito na may parang Mayonaise medyo color orange sya. Ayun sinawsaw ko tas kinain. Aba masarap nga. Naparami ako ng kinain ng broccoli whahaha. Takaw ko tlaga.

After magkainan sa sala naman ang pwesto namin. Umiinom ang mga matatanda ng wine. Tas ang kapatid ko kalaro ang dalawang anak ni tita tes. Ang landing bata.

Tas ako naman eto nganga. Nakaupo at tinitingnan silang lahat. Si Robyn naman ... Ay ewan ko kung nasaan.

"Okay let's sing." Banat ng asawa ni tita tes. Ayun nagkantahan sila. Wala pa rin si Robyn nasaan na kaya sya? 

Pinapakanta nila ako kaso ayoko talaga. Ang boses ko pang banyo lang.

"Kumanta kana Faye." Pilit sken ni Papa.

"Pa hindi ako marunong kumanta!" Pang banyo lang talaga ako ayokong mapahiya.

"Oh si Robyn nalang kakanta...." Bigla namang pumasok si Robyn galing kusina.

Kumanta sya ng YOU AND ME kanta ng Lifehouse. Huwaw ah ang ganda ng boses nya ^_^

Crush ko na sya. CHOS!! Asa naman ang suplado nya eh..

 ***

COMMENT lang po kayo :0 

&quot;WANTED: BOYFRIEND&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon