Chapter 1

5 0 0
                                    

My elementary years just ended, so here comes the high school life.

As usual, naghiwahiwalay kaming magkaklase dahil wala namang high school sa previous school ko kung saan may loyalty award ako syempre simula Grade 1 eh. It's a private elementary school. 30% of my previous classmates, kaklase ko pa din hanggang ngayon and I heard sina Joshua at ang barkada niya nasa isang school meron din naman pumunta ng Manila at Cebu.

I met a lot of friends and I didn't know my first week in high school would be that fun. Syempre ang layo ng paaralan namin noon sa kabihasnan kaya parang nanibago ako sa ngayon then I got a lot of admirers too.

"Samba, may reunion daw tayo next week" Ani ni Paulo.

"May pupuntahan kami e" Tanging sagot ko dahil sem break na next week kaya naman magbabakasyon kami, my parents want me to stay to my siblings at Cebu for a while.

"Sayang naman. For sure wala nang maingay nun" Hagikhik niya at binatukan ko siya. Kasalukuyan kaming nasa classroom ngayon, walang ginagawa dahil nakapag pass na naman kami ng requirements eh.

"Sa susunod na wala pa akong maipagmamalaki" I flatly said.

"Suuuus eh mas lalo ka ngang maganda for sure the next 2-3 years mag tratransform kana" Wika ni Wendy, classmate ko din 'to nung elementary. Pinipilit nila akong sumama na kahit hindi ko talaga magagawa, kahit gustohin ko.

Nakakainis second year na ako next year, pero di pa rin ako dinadatnan kaya di pa talaga ako dalaga. Yung iba ko ngang mga kaklase grade 6 pa lang meron na. I spent the summer break very well dahil pinatapon lang naman ako nang mga kapatid ko sa isang resort, malayo sa lungsod. I can't go to the city naman because I'm scared. And they said parents will come over soon kaya instead I enjoyed the beach.

Christmas break passed by that fast, I heard nag reunion sila ulit pero di ako sinama. Ang babastos talaga nila, hmph kung kailan free ako nun e. Inabala ko na lang ang sarili ko sa maraming bagay nang mag summer, nagpabili ako ng camera tapos ayun naaasiwa ako sa Instagram.

Di ko alam kung bakit ang tanga tanga ko. Yung ultimate crush ko eh niligawan lang naman ako!!! Oh my! Nakakakilig kaya yun, pero binasted ko siya eh sa ayaw ko pang mag settle down. Hindi ako nasisiyahan sa mga admirers ko, mga loko eh mga kuya naman yun ng mga kaibigan ko. Even my sibling's classmates e niligawan ako. Tanga ba sila?

Alam ko namang immature pa ako e at syempre maganda hehe.....

I was just lying down in bed, busy tweeting and stuffs. Wala naman akong magandang gagawin ngayon, bored din ako pumunta ng mall dahil nakakapagod maglakad-lakad that's why I'm just here at house.

May kumatok sa pintuan at naalala kong nag lock pala ako. Kaya tumayo ako para pagbuksan kung sino man ang naroon then I saw our maid.

"Samba, nasa baba yung mga kaklase mo" Sabi ni Yaya Irene

"Sino po?" Tanong ko.

"Sina Joyce" Wika niya at tumango ako, kaya bumalik siya sa baba. At nasa doorway pa din ako, tinitigan ko ang damit ko naka robe lang ako na before the knee, dahil ganito talaga sinusuot ko pag nasa bahay. Syempre may underwear naman ako sa loob, well sina Joyce lang naman nasa baba kaya di na ako na bother magpalit ng damit.

Pagkababa ko ay laking gulat ko ng makita ko ang mga kaklase ko noong elementary. Omg!!! Andito sila' at sadyang yung mga close ko pa talaga ha, well sila lang din naman ang active kapag may mga ganito

Kaagad nila akong dinaluhan at yinakap ko naman sila, grabe ang saya ko ng makita ko sila ulit kahit si President andito' din grabe naalala ko lang noon na umiyak siya dahil sa akin,

AffinityWhere stories live. Discover now