Day 1

27 1 0
                                        



_______________________ ✄. . .






December 14, 2016



Vyntz Hidalgo tagged you on a post.

Biglang nag pop ang notification na yan sa screen ng phone ko. Pinindot ko naman yun at bumungad sakin ang picture namin ni Vlad sa kasal ni Tita Foina. Partner kami nun 'e. Ako kaya? Magka pamilya pa kaya ako?  Ikasal pa kaya ako? I know it's impossible pero sabi nga nila, 'Libre ang Mangarap'.


"Theri anak, maligo ka na at mag ayos. Maya maya'y aalis na tayo." Pag aagaw pansin ni mama sakin upang malipat ang atensyon ko sakanya. Ngumiti nalang ako sakanya at tinungo ang taas. Naligo ako at nag bihis. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at sinuklay ang kulay abo kong buhok. Oo, abo ang kulay ng buhok ko. Bagsak na bagsak ito at makintab. Pagkatapos kong suklayin yun ay nag lagay ako ng lipgloss upang hindi mahalata ang pamumutla ko. Pagkatapos ay sinara ko ang kwarto ko at bumaba na. Nag hihintay sakin si mama. May kapatid ako, si Myrvin.


Nag abang kami ng jeep sa may crossing at sakto namang may dumaan. Habang bumabaybay patungo sa pupuntahan namin ay hindi ko maiwasang tumingin at mainggit sa mga kagaya kong teenager na may normal na buhay. Parang wala silang pakeelam sa mundo, ang importante ay masaya sila sa ginagawa nila. I'm different from them. I'm sick and I can't live a normal life.


Nang makababa kami sa jeep ay pumura ulit kami ng tricycle. Pag dating dun ay as usual, nandun na si Vyntz at hinihintay kami. Inalalayan niya akong makababa ng tricycle at napangiti ako dahil dun. I'm very lucky to have him.


"I know you have classes to attend, bakit mo pa kami hinintay?" Tanong ko sakanya. Magkahawak kaming naglalakad sa pasilyo. Habang si mama ay bumili ng sandwich at juice. Mas mataas sakin si Vyntz. Ang liit ko lang 'e.


"Because you are my girlfriend and I am your boyfriend. It's my duty to take care of you. Priority kita." Nakangiting sagot niya tsaka hinalikan ang ulo ko.


"I'm very lucky to have you." Nakangiti ko ring sagot. Tumigil kami sa paglalakad at humarap sa isang kwarto.  Pumasok kami ruon at sinalubong kami ng isang lalake. Nasa ospital kami ngayon. At siya ang doktor ko. Si Dr. Trey Tuazon. Ngumiti naman ako sakanya at umupo sa couch.


"Hi doc. Kamusta po yung check up ko last week?" Ngiting ngiting tanong ko sakanya. Kinabahan naman ako ng biglang sumeryuso ang mukha niya.


"May I talk to you? Yung tayong dalawa lang sana." Seryosong ani Trey. Hinalikan naman ni Vyntz yung kamay ko at tumayo.


"We'll wait for you outside." Hindi pa siya na kuntento at hinalikan niya ako sa pisnge at bumulong. "No matter what the result is, I'm always here for you. I love you by." Ani niya at lumabas na. Humarap naman ako kay Trey at humingi ng paumanhin.


"I'll get straight to the point." Seryosong seryosong ani Trey. "Hindi na umeepekto ang gamot mo. Kahit tinaasan ko na ang dosage nun ay wala paring epekto and besides, yun na ang pinaka effective na medicine sa case mo. I'm sorry but—" pinutol ko ang sinasabi niya.



"How many more nights do I have to stay awake?" Seryoso kong sagot. I did my best para hindi mag crack ang boses ko. Nangingilid na rin ang luha ko.



"More than a week." Malungkot na sambit niya at hindi ko mapigilan ang hagulhol ko. Nang nakalma ako ay pinakiusapan ko siyang wag na wag sabihin kahit kanino ang tungkol dito. Pinag bigyan niya naman ako. Inayos ko ang sarili ko at nginitian ko siya ng pilit bago lumabas. Pag labas ko ay sinalubong agad ako ni Vyntz ng yakap at halik.



"What's the result?" Kalmadong tanong niya.


"K-kailangan ko l-lang daw ng p-pahinga." Nauutal kong sambit sakanya. I'm sorry baby. Kailangan kong mag sinungaling para hindi ka masaktan, this is for your good. I don't want to hurt you to the point of devastation.


Umuwi si mama habang kumain muna kami ni Vyntz sa Jollibee. Malapit lamg kasi yun sa Provincial Hospital.


"Uuwi tayong maaga by? Sabi mo diba, sabi ng doctor mo ay kailangan mong mag pahinga." Tanong ni Vyntz. Bigla akong nawalan ng malay at ngumiti ng matamlay.


"No by. Mag dedate tayo." Nakangiting usal ko. I want to be with him. More than a week nalang ang natitira sakin at susulitin ko na yun.


Pagkatapos naming kumain ay gumala kami. Sa Magsaysay Park at Pastrana. Nakasuot kaming pareho ng mask at magkahawak kamay na naglalakad kung saan saan.


Okay na ako sa ganito. Kahit saang lugar pa yan basta kasama ko siya ay okay na okay na yun. May tumakas na luha mula sa mata ko at insakto namang napatingin sakin si Vyntz.



"Baby... why are you crying?" Tanong niya at pinunasan ang mata ko.


"Tears of joy baby. I want to spend my whole damn life with you... kung posible lang sana..." mahina lang yung pagkabangkit ko sa huling linya.



"Of course baby. Magkakapamilya tayo. Sabay nating gagabayan ang mga anak natin at saka... ikaw pa ang mag dedesinyo ng bahay natin!" Nakangiting ani Vyntz habang nakatingin sa kawalan. Tila ba iniimagine na niya ito. Napa hagulhol na ako dahil dun. Bumakas naman ang pag aalala sa mukha niya. Damn life. Damn. It's unfair. Bakit ko pa kailangan mag dusa? Bakit kailangan kong magkasakit ng ganto? Don't I really deserve to live a normal life? Do I really have to suffer? Ang dami kong maiiwan, ang daming kong masasaktan at mahal na mahal ko iyon. I don't think I deserve this kind of life. But who I am to question Him? I don't have any choice but to accept all of this. Accept that my deadline is near.


"Hey.. hey.. look at me.. stop crying baby, pinag aalala mo ako." Hindi ko siya sinagot, sa halip ay siniil ko nalang siya ng halik at pumikit.




Ako nga pala si Therinity Vyronica Chaves. Girlfriend ni Vyntzent Thirdy Hidalgo. I don't wanna die, I wanna live. And I want to spend the rest of my life with him, so please, Lord let me live.

15 days with himWhere stories live. Discover now