Chapter 7

29 13 1
                                    

You had to be kidding me? Seryoso? Apat silang babae na nagsasabi ng same way kung saan sila nanggaling.

Parang nagsisimula na tuloy akong maniwala pero no way hindi ako tutulad sa kanila na mga nababaliw na, siguro pinagtitripan nila akong lahat.

Bernard: "Seryoso ka ba talaga na isa kang Seraphs?"

Lennie: "Sigurado po talaga ako, ipinadala ako dito sa mundo pero hindi ko alam kung bakit"

Bernard: "Hmmm.. Nababaliw na ako sainyo"

Lennie: "Sainyo? Teka nandito sila Mylene?"

Bernard: "Ahm.. Parang ganun na nga pero magkakakilala pala kayo?"

Lennie: "Opo magkakakilala kami pero nasaan sila gusto ko sila makausap"

Bernard: "Tulog na sila tsaka malalim na din ang gabi kaya ipagpa-bukas mo nalang ang pakikipag-usap sa kanila"

And then I realized something, parang alam ko na ang susunod na mangyayari after this conversation kaya mas minabuti ko ng manigurado kung tama nga ba ang nasa isip ko.

Bernard: "Well. Obviously dito ka muna makikitira just like the three of your friends?"

Lennie: "Ganun na nga. Pero kung payag po kayo"

Bernard: "Wala din naman akong magagawa, hindi naman pwedeng iwanan lang kita dyan sa labas kasi baka kung mapano ka, babae ka pa naman"

Lennie: "Salamat Bernard, saan pala ako matutulog?"

Bernard: "Umakyat ka na dun sa itaas sa may kwarto, tumabi ka nalang kay Irish"

Lennie: "Ah sige po ,salamat ulit ah"

Ngumiti muna siya at umakyat siya kaagad sa kwarto ko habang ako naman ay sa sala nalang ulit matutulog.

Hays! Grabe hindi ko inaasahan na mangyayari sakin 'to ngayong school year, ang matahimik kong buhay nabulabog ng apat na babae na mukhang taga-ibang mundo.

Pero gaya nga ng sabi nila mga seraphs daw sila, nababaliw na talaga ako dahil dun, pero kung apat na sila just by now. Posible kaya na madagdagan pa sila?! My goodness! huwag naman sana..

Naisipan kong tawagan si papa para ma-advance yung pagpapadala niya ng allowance ko and if possible papadagdagan ko pa, maiintindihan naman siguro ni papa dahil sa apat na babaeng kasama ko.

"Oh, ba't napatawag ka anak? Busy pa ako sa trabaho"

Bernard: "Ahm. Papa pwede bang pa-advance ng Allowance ko tsaka pwede niyo po bang dagdagan?"

"Bakit anak? Ano ba nangyari?"

Bernard: "Alam kong mahirap paniwalaan pero may apat kasing babae dito sa bahay na nakikitira muna sa ngayon, wala daw kasi silang matuluyan"

"Kaya naman pala, hindi ka talaga nagbago anak, napaka-alalahanin mo talaga kahit kanino. Oh siya! Dadagdagan ko allowance mo"

Bernard: "Salamat talaga papa! Hayaan mo sa susunod na araw ipapakausap ko sayo silang apat para makilala mo sila"

"Sige anak, matulog ka na gabing-gabi na dyan"

Ibinaba ko na yung tawag at natuwa ako ng maging success ang naisip kong idea, atleast mabibilhan ko na sila ng damit at ibang gamit tsaka mas sasakto ang budget para sa pangkain araw-araw.

Teka nga lang! Bakit parang bigla nalang ako naging -- argh! Parang naging kuya ng mga babae na yun?

Bihira lang sakin mag-take ng ganun kalaking responsibility lalo na't sa sarili ko pa nga lang ay tamad na akong mag-ayos. Ano kayang nangyari sakin pero dahil siguro yun sa concern ko sa kanilang lahat.

Lost Seraphs ( Forgotten Memories )Where stories live. Discover now