Chapter 2

57 16 1
                                    

Stephanie: "Ang laki naman neto, hahaha"

Natawa nalang si Stephanie ng sinuot niya yung pinahiram ko sa kanya na damit ko.

Bernard: "Ba't kasi naisipan mo na maligo pero hindi mo naisip na wala kang dalang damit."

Stephanie: "Ayun nga din ang na-realize ko"

Ngumiti nalang siya sakin pero parang nang-aasar yung way ng pag-ngiti niya.

Bernard: "Ano palang plano mo? Huwag mo sabihing dito ka matutulog?"

Stephanie: "Well Obviously, hindi naman pwedeng umuwi ako ng may damit na ganito, at tsaka madilim na sa labas"

"Pero hayaan mo bukas na bukas uuwi rin agad ako."

Seriously? Dito talaga siya matutulog? Hindi ako sanay na may katabi akong babae sa kama kaya I was thinking na siguro sa sala nalang ako matutulog.

Stephanie: "Nilabhan ko na rin pala yung mga damit ko kanina sa CR para masuot ko na din agad kinabukasan"

Bernard: "Mabuti naman kung ganon, anyways dito ka na matulog sa kama ko, dun nalang siguro ako sa sala"

Stephanie: "Ba't parang diring-diri ka sakin hah?"

Bernard: "Its not like that, hindi lang ako sanay na may katabing babae sa pagtulog"

Stephanie: "Is that so? Pano pala kapag may asawa ka na edi hindi pala kayo tabi matulog?"

Bernard: "What are you talking about? Hindi naman sa ganun, tsaka pano napunta dun ang topic natin"

Stephanie: "Well just thinking if you were in a situation like that"

Bernard: "Teka nga lang, ano ba ang gusto mong palabasin?"

Stephanie: "Dito ka nalang matulog sa tabi ko, basta wag mo nalang isipin na may katabi kang babae"

Bernard: "I don't know, Stephanie"

Pinilit niya nalang ako ng pinilit kaya pumayag nalang ako para manahimik na din si Stephanie.

Grabe I wasn't expecting na ganito pala si Stephanie kapag out of school, parang full of energy siya lagi pero hindi naman siya ganun nung last year.

Bernard: "Ba't ba gusto mong tumabi ako sayo sa pagtulog?"

Stephanie: "Ayan ka na naman, ginagawa mo na namang Big deal ang mga simpleng bagay.

Bernard: " Eh bakit nga kasi gusto mong tumabi ako sayo?"

Stephanie: "Baka kasi sabihin mo na nagiging abala ako dito sa bahay mo"

Bernard: "Ano ka ba naman, bakit ka magiging abala dito sa bahay?"

Stephanie: "Ewan ko ba, pumasok nalang bigla sa isip ko eh"

Bernard: "Wag mo isiping nagiging abala ka lang, dahil hindi ganun ang tingin ko sayo"

Stephanie: "Sweet mo naman, Bernard"

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap pero bumitiw din ako agad.

Bernard: "Ano bang gusto mo?"

Stephanie: "Wala lang, sarap mo kasi kulitin"

Ano bang Nangyayari sa babaeng 'to, ang lakas ng trip niya sakin.

Humiga na si Stephanie sa kama, feel at home talaga siya dito sa bahay ko, kaya masaya naman ako.

Stephanie: "By the way, kamusta na kayo ni Bianca?"

Bernard: "Okay naman pero ba't bigla nalang napunta dun yung topic natin?"

Stephanie: "Ayiee, kinikilig siya!"

Lost Seraphs ( Forgotten Memories )Where stories live. Discover now