"I'm going to meet my father. We'll talk about the car center I'm going to open."

"Should I take a cab today?" nag-aalalang tanong ko.

He shook his head. "Ihahatid muna kita sa office."

I smiled with relief. Isang linggo na akong hinahatid-sundo ni Pierce sa opisina. Nakumpiska na naman kasi ng pulis ang driver's license ko. At sinasadya yata ng lalaking ito na huwag akong tulungang mabawi ang lisensiya para lalo akong mahirapan. I can't find time to claim it kaya pinahahanap ko yung dati niyang babae sa LTO kaso nagresign na daw.

The positive result of me being brokenhearted is Pierce and I became closer. We're learning to co-exist comfortably and slowly, we seem to treat each other as friends now.

Pinag-awayan namin ng sobra ang nangyaring komprontasyon sa resort na umabot pa sa puntong napaamin niya akong may nangyari sa amin ni Lance. He went really wild at halos magbasag na ito ng mga gamit. He warned me not to see him again or else he'll kill Lance. Pilit nitong itinatak sa isipan kong ako ang sisingilin ni Lance sa naging kasalanan niya dito. Pero sa kabila ng galit at takot nito sa maaring mangyari, sa bandang huli'y natanggap pa rin nito ang katotohanang mahal ko ang taong iyon.

And you know what's the funniest thing he said in the middle of our heated arguments? "Did you use contraceptive?"  After saying that line, I knew he's learning to accept my situation.

Pierce changed a lot. In every little way, he tries to support me and understands my feeling. There was even a point na nahuli niya akong umiiyak and that instant tinanong niya ako kung gusto ko daw bang hanapin niya si Lance. I never doubted his ego again. I'm starting to see his human side.

His lifestyle improved too. Hindi na siya madalas lumabas. Hindi ko na rin nahuhuling may inuuwi siyang babae, but nevertheless may kutob pa rin akong sumasideline pa rin ito paminsan-minsan. Well I can't blame him, he's a man and he's definitely not a saint.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga before I have my next sip of coffee.

"What's with the sigh? Do you miss him again?" Sumilip siya sa binabasang diyaryo.

I gave him a wry smile and looked at the window near our dining table.  Yes, Lance just crossed my mind again. Kumusta na kaya siya? I hope he's handling well all the pains. I know it's too early to move on but he must do something to heal himself. Dahil pag wala siyang ginawa mas lalo lamang babaon at magtatagal ang sakit sa dibdib niya.

"H-How about you?D-Did you hear anything from Scarlet?" atubiling tanong ko.

"Nope." He drink his coffee and turn the pages. "Maybe they're trying to fix their relationship now."

Aw. That one hurts.

Sumubo ako ng tinapay at naiilang na tumingin kay Pierce. I remember I need to inform him about something. I hesitated for a while.

"I-I have my period now," napapalunok na sabi ko.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon