Unang Pahina

140 41 81
                                    

Tap here to start writing

Yun daw sabi✌

Oi di kita tatawaging diary masyadong Cliché. Tatawagin kitang  "INTRIMITIDANG MAMBABASA" OK? So ayun na nga nandito ang chaka niyong manunulat sa Cavite! Kanina habang nagmumuni ako biglang nagingay ang aking bulok na tablet ( chos bigay ng papi ko yun baka mabasa niya 'to bawiin pa ) Pinakealaman pala ng pinsan kong pakealamerang banlag ( chos ulit baka mabasa niya to magsumbong pa kay tita at pangaralan nanaman ako ng bongga noh? ) At tumugtog yung kantang... Wait titignan ko pa!------  Mundo! Yun yung title nung kanta. Wao bago sa pandinig ko to ang ganda AS IN! Feeling ko fan na nila agad ako. Nakakakilig yung kanta pramis kung mapapakinggan mo!

-----Eto nanaman ako nagbabalik IV of  Spades pala pangalan nung banda! Hayyy sayang diko sila makita wala kasing whypie dito. Feeling ko nga maiistroke na ako dito! Wala na akong ibang ginawa kundi mag linis ano? Tanghaling tapat nagsasampay ako para lang  di masabi na isa akong hampaslupang patay gutom! Bisita ako dito pero ginagawa akong yaya! Mapapalitan na tong diary ko ng Yaya diaries eh! G diaries lang ang  peg! Lol hahahaha! Pero pasensya na ho! Nailalabas ko lang yung sama ng loob ko dito! Kase diko naman mailabas dun! Akala nila taos puso kong ginagawa yun pero hindeeee! Sa bahay nga namen pa chill  chill lang ako eh! Pa kain kain lang! Pero dito homaygash talaga may limit pa yung pag lamon ko! Though di nila sinasabing tumigil na ako, pinapalamon pa nga ako ng bongga eh! Kaso sa pinsan ko sinasabi na " HOY TAMA NA YAN SASABAG NA TIYAN MO! , "MAAWA KA NAMAN MAY KAKAIN PA !" , "ULAM PA NATIN YAN MAMAYANG GABI TAMA NA! " Parang ikaw yung sinasabihan pero indirectly diba? Nandamay pa ng iba wag ka lang masaktan.


Diary KoМесто, где живут истории. Откройте их для себя