Lagi nila sakin sinasabi "Walang patutunguhan yan", "Isuko mo na yan" pero kahit natatabunan na ng nakakabinging boses mula sa pamilya at kaibigan, tuloy akong lumaban para sa atin. O diyos ko! araw araw nakong tumatangis. Babalik pa ba ang dating ikaw sa akin?
Namulat ako sa sikat ng araw na umusbong mula sa kurtina ng puting payak na kwartong ating kinalalagyan. Tumayo ako mula sa pag kakaidlip sa upuan at hinawi ang tabing. Nasisinagan ang iyong maputi at magandang pisngi. Wala kang kasing ganda yaong bulong ng isip. Bakit ba tayo nag kaganito? Sinalin ang bagong init na tubig sa tasang may kape. Hinalikan kita sa pingi pero di ka umimik. Ang sakit sa pakiramdam na nag kakaganito tayo. Mahal kita, sinabi mo noon mahal mo din ako pero bakit ganito? Di ka patas sa ating pangako. Nang matapos ay, umalis ako sa ating silid at pag labas ng pinto nag sabing "Mahal na mahal kita." pero di ka umimik. Nadudurong ang puso kong sawi pero ako ay lalaban para atin. O diyos ko! araw araw nakong tumatangis. Babalik pa ba ang dating ikaw sa akin?
Pila papuntang pila para makapila sa pilang pipilahan. Yan ang araw araw kong gawi. Matutustusan lang ang aking mahal. Pagod na aalis, Gutom na gagawa at uuwing puyat. Lahat para sa mahal ko. Sobra man, di kahit kelan magiging sapat. Habang nag lalakbay sa riles pauwi aking pilit na inaalala ang mga nangyari. Bakit ba tayo nag ka ganito? Oo marahil nag aaway tayo pero di yun yung dahilan. Tuloy padin ang tibok nitong puso kahit na ikaw ay dahan dahan nang lumilisan. Pakiramdam ko ika'y isang kaha na walang kaluluwa. Isang kaluluwa na di manlamang mag paramdam. Ang dating ikaw ay wala sa ngayon, pero ako'y nangangarap na isang araw ikaw ay babalik din aking mahal. O diyos ko! Araw araw akong tumatangis. Ibalik mo sya sakin.
Dati pa man di sya sakin nag taksil. Masyado ata akong naging kampante na yung mga panahon na kami'y masaya ay di na lilisan. Gaano katagal na ba tayong ganito? Ilang araw na? Linggo na ba? buwan na ata? Pero kung aking aalalahanin. Tatlong taon, apat na buwan, dalawang linggo at apat na araw. Nakatatak sa memorya ang pag lamig ng iyong damdamin subalit hanggang ngayon ang tunay na rason ay wala sa akin. O diyos ko! Araw araw nakong tumatangis. Ibalik mo sya sakin.
Nag lalakad akong pauwi na parang iba yung hangin. May lamig sa aking likod na di napapawi. Dahan dahang nakayabag, dala dala ang isang balot ng pancit na binili sa ale sa may labasan. Nang masilayan ang bintana ng ating ginawang tahanan ako'y napahinto. Nabitawan ko ang aking hapunan sa gulat. Nangilid ang luha sa aking pisngi sa nasaksihan. Anong ginagawa ninyo? Bakit kayo nanjan? Parang huminto ang aking mundo. Lumamig ang pawis. Dapat matagal ko nang pinag handaan to dahil alam kong ito'y mangyayari pero di ko inasahan ganito pala kasakit ang makita kang ganyan. Ako'y napatakbo at humiyaw ng malakas. "Itigil niyo yan! Di ako papayag!."
Nakapalibot sa iyong kama ang mga doktor. Nag hihiyawan ang mga makinang naka kabit sa iyong katawan. Di ko alam ang gagawin. Sa gitna ng gulo biglang nag balik sakin. Tatlong taon, apat na buwan, dalawang linggo at apat na araw na nakalipas. Nag sisigawan tayo sa lamesa. Di ko alam kung anong ating pinag aawayan basta kinuha mo yung susi ng sasakyan at nag sabing dun ka muna iyong ina mag hahapunan. Mga ilang oras ang nakalipas tumawag ang mga kinauukulan at pag dating sa iyo nagulat sa pinag sapitan. Nakapulupot ang bakal ng yupiyuping yero sa makinis mong balat. Balot ng dugo ang iyong braso hanggang sa tinahak na kalsada. Nawalan daw ng preno ang jeep na iyong nakabangga. Nawalan din ako ng awa nung sinapak ko sya sakanyang mukha. Mula sa pag kakaalis mo sa pinangyarihan hanggang ngayon di ko padin tanda kung ano bang ating pinag awayan. Sana importante yun. Sana niyakap na lang kita at humingi ako ng tawad sayo. Kasalanan ko ba ang lahat ng to? Kaya pa ba ako andito para malinis ang konsensya ko? Dati pa man di sya sakin nag taksil. Pero pakiramdam ko ako'y nadaya ng kapalaran.
Napaluhod ako at napadasal sa itaas "O diyos ko! Ibalik mo sya at ako na lang ang iyong kunin! Pagal na ang puso kong durog sa bigat ng pasanin!" Sa gitna ng gulo napahinto ang lahat at ako'y muling napapikit. Umalingasaw sa hangin ang tunog na matinis. Mga luhang tumutulo ayaw nang tumigil. Tuluyan ka nga ngang umalis saking piling. O diyos ko! Bakit mo sya kinuha sakin? Ngayong wala na sya, ang bukas ay paano haharapin?
-fin
