Minsan sa Buhay ko

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay, class. I'll see you tomorrow." Iyan lang ang pumasok sa tenga ko at naintindihan ko sa lahat ng sinabi ni Miss Maynes.

Hinintay ko munang maubos ang mga kaklase ko bago ako tumayo at naglakad patungo sa pintuan ng classroom.

"Bren!" May tumawag sa pangalan ko kaya natural na lumingon ako. Napatakip ako sa mga mata ko nang masilaw ako sa nakakabulag na flash ng camera.

Nang mawala ang sakit ay galit kong tinignan ang may gawa no'n.

"H-hi, Bren." Natatakot na bati ng tao na walang paalam na kumuha ng larawan ko. I rolled my eyes. Siya na naman.

"Alam mo bang nakakabulag sa mata ang sobrang exposure mula sa flash ng camera?!" Nanggigil na bulyaw ko sa kanya. Dagli namang naglaho ang ngiti sa mga labi niya at sobrang namutla siya sa takot o 'di kaya ay sa pagkakapahiya dahil marami na ang nanunuod sa eksenang aming ginagawa.

"Sorry." Mahinang sabi niya. Nagyuko siya ng ulo and sulked.
Kung ibang tao lang siya, kanina ko pa sana isinapak sa mukha niya iyong malaking camera na nakasabit sa leeg niya. Pero dahil unti-unti na akong nasasanay sa pamemeste niya sa akin sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, tinalikuran ko na lang siya.

Napailing ako nang marinig ko ang mga yapak niyang sumusunod sa akin.

"Bren, saan ka pupunta?"

"Bren, uuwi ka na ba?"

"Bren, magmemeryenda ka ba?"

"Bren, may praktis ba kayo?"

"Bren, pwede bang sumama kung saan ka pupunta?"

As usual, nariyan na naman ang sunud-sunod na tanong niya habang tila aninong sumusunod sa likuran ko.

And as usual, hindi ako sasagot pero tila balewala iyon sa kanya. Parang makasabay lang ako sa paglalakad, masayang-masaya na siya.

Siya si Lhee. Transferee. Kumukuha rin ng Fine Arts. Ewan ko kung bakit Fine Arts pa ang napili niyang kurso. Minsan, ipinakita niya sa akin iyong drawing niya ng parrot. Gusto kong pagpunit-punitin iyon sa harap niya dahil hindi naman mukhang parrot yung drinowing niya kundi mukhang malnourished na manok na baliktad pa ang mga balahibo. Pero noong makita ko na proud na proud niyang ikinukwento kung paano niya pinag-combine iyong mga kulay ng orange, red, pink at violet sa drawing niya, ibinalik ko na lang iyong canvass sa kanya.

Mula noong pumasok na siya rito sa school, wala na siyang ibang inatupag kundi ang pestehin ako. Nagpapapansin, nagpapa-cute kahit anong snob ang gawin ko sa kanya. Madalas, napipikon talaga ako sa kanya. Biruin mo ba naman, rinegaluhan ako ng cookies. Nung kinagat ko, damn para akong binato ng bakal sa bibig sa sobrang tigas ng ipinagmamalaki niyang cookies na gawa niya. Masasapak ko na sana siya eh pero nung lumabas yung mga dimples niya dahil ngiting-ngiti niyang tinanong kung masarap daw ba 'yung ginawa niya, 'di ko na itinuloy. Minsan, ipinagluto nya ako ng adobo. Pero ang labas, naging tapa dahil sa sobrang asim at tigas. As usual, inilabas na naman 'yung dimples niya kaya hindi ko na itinuloy na ibuhos sa ulo niya 'yung ipinagmamalaki niyang adobo.

Naglakad ako patungo sa tambayan ko kasunod si Lhee. Umupo ako sa isang bench doon at inilabas ang isang kaha ng sigarilyo. Kumuha ako ng isa at nagsindi. Nakita ko na bahagyang lumayo si Lhee mula sa akin upang 'di niya malanghap ang usok ng sigarilyo.

"Hindi ka pa ba nagsasawang kumuha ng mga larawan ko?" Hindi tumitinging tanong ko sa kanya.

"Hindi ka pa ba nagsasawang humithit ng nakakakanser na sigarilyong iyan?" Balik-tanong niya sa akin.

Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya. Isang inosenteng ngiti naman ang ibinalik niya.

"Lumayo ka na nga sa akin. Nakakasira ka na ng araw eh." Naiinis kong sabi sa kanya.

BL OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon