Minsan sa Buhay ko

1.1K 46 19
                                    


Isa na namang boring na klase ang kasalukuyang kinakalaban ng aking mga inaantok na mga mata. Kanina pa salita nang salita si Miss Maynes sa harap ng klase ngunit kahit anong gawin ko, inaantok pa rin ako sa boses niya. Ilang ulit na nga akong naghikab at ilang ulit na rin niya akong binigyan ng matatalim na tingin dahil sa ingay na aking nililikha. Tss. Magpasalamat na lang siya at um-attend pa ako ng klase niya. Kung hindi ko lang iniisip na ida-drop niya ako kapag um-absent pa ako ngayon, andoon sana ako ngayon sa ilalim ng mayayabong na mga puno sa likuran ng building. Nagsa-soundtrip o natutulog.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam kahit i-drop niya ako. Ang may pakialam ako ay yung ipapatawag pa ng dean ang mga magulang ko. Ewan ko ba sa mga 'yun. Basta ipinatawag na ng school tungkol sa mga kalokohan ko, ora-oradang paparito. Sa bahay naman, dinadaan-daanan lang ako. Basta naibigay na nila ang allowance ko, bahala na ako sa buhay ko. Bahala na ang mga katulong na mag-asikaso ng mga pangangailangan ko. Hmm. Siguro kaya lang sila concern at pumupunta rito ay dahil may latin honors sila nung gr-um-aduate sila rito. Siguro ayaw lang nilang madagdagan pa ang mga kahihiyang dulot ko sa kanila. They would apologize on my behalf, donate a certain amount and presto, solved na ang mga kaso ko sa school.

Oo na, mayaman kami. Parehong magagaling sa businesses ang mga magulang ko. Nagtataka nga sila kung napaano raw ako noong bata pa ako dahil 'di ko raw namana ang katalinuhan nila. Hindi raw ako kasing tino nila noong nag-aaral daw sila rito. Tss. May gana pa silang magtanong. Bakit kaya 'di nila  subukang maging isang tunay na magulang muna bago nila kuwestiyunin kung bakit ako nagkakaganito?

Kulang talaga ako sa pansin. Bata pa lang ako, nakita ko na kung paano hangaan ng tao ang mga magulang ko. Sinubukan ko namang gumaya sa kanila. Matalino rin naman ako kahit papano. Pero napagtanto ko na kahit gaano karaming medalya ang makuha ko, balewala naman din sa kanila. Nakakasawa at nakakahiya na kung sinu-sinong teacher na lang ang tinatawag para magsabit ng medalya sa akin tuwing Recognition Day. Kaya nga noong Grade Six ako, habang isinasabit ng principal ang medal sa akin bilang Salutatorian, nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi na ako tatayo sa stage at sasabitan ng medalya ng kung sinu-sino.

Nung nag-high school ako, mas naging abala pa ako sa pakikipagbarkada kesa sa pag-aaral ko. Tutal no pansin naman pa rin sa akin ang parents ko kaya mas lalo akong nalulong sa barkada at sa huli, sa bisyo. Noong huling taon ko sa high school, napa-trouble ako. Lasing kami noon ng barkada ko at nakipagrambulan kami sa isang bar. Isa sa mga nasuntok ko ang nabaldado. Galit na galit ang parents ko nang malaman nila ang nangyari. Pero sa huli, binayaran nila ng malaki yung pamilya ng nadisgrasya ko para maabsuwelto ako sa kaso. Kinausap nila ako noon nang masinsinan pero para sa akin, huli na ang lahat. Naging ganitong klaseng tao na ako dahil sa kanila.

They've decided to send me here in St. Dominic kung saan nga sila nag-aral ng kolehiyo. My old man wanted me to take up Architecture but I took up Fine Arts just to spite him. Huli na nang malaman nila iyon. Kalahati na ng sem. Paano, ihinambalos ko ang canvass ko sa pagmumukha ng isa kong kaklase na pinagtawanan ang nude painting na ginawa ko dahil mas malaki pa ang boobs kesa sa katawan ng babaeng iginuhit ko. Ayun. Tumama tuloy yung boobs sa pagmumukha niya. From that day on, takot na ang mga estudyante sa akin. Masyado silang judgmental. Porke, ginantihan ko lang iyong nagtawa sa gawa ko, bully na raw ako. Porke, wala akong kinakausap at tahimik lang ako, weird na raw ako. Pero nang makita naman nila ang galing ko sa larangan ng basketball at maipanalo ko ang school namin sa ilang basketball tournaments, aba, hero na ang turing nila sa akin. Kulang na lang ay ipagpatayo nila ako ng monumento rito sa school. Marami na rin ang nakikipagkaibigan sa akin. Kahit nga matignan ko lang sila, ipagyayabang na nila na friends daw kami. Sila ata ang mga bully at weird eh. Naging sikat tuloy ako rito sa school. Meron pa nga raw akong fans club like duh... aanhin ko naman 'yun? Mabubusog ba ako no'n? Yayaman ba ako roon?

BL OneshotsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora