Part 27 :: Death Wish

1.8K 76 13
                                    

"No! Huwag po!" paulit-ulit na pakiusap ni Hazen sa killer nang malademonyong naglabas ito ng lighter sa bulsa. Isang kilos lang nito kasi ay magliliyab si Prince.

Subalit sa isip lang nagagawa iyon ng dalaga kaya naman pinagpagpapadyak niya ang mga paa para maagaw niya ang pansin ng mag-inang wala na yatang kaluluwa dahil gamay na gamay ang pagkitil ng mga buhay.

Grabe ang pawis niya sa mukha. Halo ang pawis at luha niya nang lingunin niya ng mag-inang killer.

"Huwag po! Maawa po kayo kay Prince! Nakikiusap po ako!" she begged again, though she knew that she was only growling gawa ng busal niya sa bunganga.

"Unahin mo na nga 'yan, Anak!" nairitang sabi ng nanay ni Jane. Naistorbo kasi ang pag-iiyak nito sa naglaslas na leeg na anak.

Lalong tumahip ang matinding kaba sa dibdib ni Hazen. Tuloy-tuloy ang luha niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa mag-inang murderer, mag-inang baliw.

At napakislot siya nang makitang kumilos ang killer palapit sa kanya. Mas nakakatakot pa ito ngayon kahit wala na itong maskara. May hitsura naman ito pero gosh. Ang talim nitong tumingin. He's like a devil. Daig pa nito ang mga killer sa mga TV na nakakatakot.

Ang nanay ni Jane ay blangko ang ekspresyon ang nakatingin lang. Paminsan-minsa'y ngumingisi.

"Mmmp!" Sumidhi pa ang takot ni Hazen nang sinindihan ng killer ang lighter malapit sa mukha niya.

Yumukod ang killer. Halos magdikit ang mukha nila sa sobrang lapit ng ginawa nito. Ramdam ni Hazen ang init mula sa maliit na apoy kaya iniiwas niya ang kanyang mukha.

"Mmmppp!" Ragasa ang mga luha niya na pilit inilalayo ang kanyang mukha. Napapikit na rin siya nang mariin.

"Kung tinulungan mo lang siya noon. Hindi niya hihilingin 'to," saglit ay mahinang sabi ng killer.

Suddenly, Hazen opened her eyes. Although her eyesight was blurred, and she could not see the killer's face clearly, she still heard what he said distinctly. She audibly gulped and stiffened even more in disbelief. Agaw-agaw ang hininga niya na nakipagtitigan siya sa killer. Nakayukod pa rin ito. Nasa gitna ng mukha nila ang nakasinding lighter na hawak ng killer.

Mayamaya ay makikitang tumulo ang isang butil ng luha sa mata ng killer, tapos isa pa sa mga mata nito. Umiiyak na ito. Mababasa na sa mukha nito ang sobrang hinanakit, ang sobrang kalungkutan.

"Dahil sa kanya ay nagbago ang buong pamilya namin. Dahil kay bunsoy ay nagawa naming magbago at mamuhay ng patas. Dahil kay Jane, iwinaksi namin ang nakasanayan naming mga trabaho. Tinalikuran naming pamilya ang pagiging kriminal..." Nagyuko ng ulo ang killer. Umiyak muna.

Hazen turned to stone. Nahigit niya ang kanyang hininga. Namimilog ang mga mata niya habang naghihintay ng mga sasabihin pa ng killer. Kung ilang 'Diyos ko' na ang naisambit niya sa loob-loob niya ay hindi na mabilang. Kung gano'n, mga kriminal ang pamilya ni Jane, kaya pala... now she knows!

"Nagpakahirap kami na magbagong buhay para maging masaya na si Jane. Para maging normal na ang buhay namin tulad ng inaasam-asam niya kahit maghihirap kami nang husto. Para lang wala na siyang kinakatakutan ay kinalimutan namin ang druga, kinalimutan namin ang trabahong pagpatay." Nag-angat ulit ng ulo ang killer kasabay nang paglaki ng apoy ng lighter.

Napaiwas ulit si Hazen ng ulo. Dilat na dilat na ang mga mata niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa lighter at sa mukha ng killer.

"Pero anong ginawa niyo? Inapi niyo siya!inabayaan niyo siya! Iniwan sa kamatayan!" Dumiin ang boses ng killer. "Kung hindi pa kita nakabungguan noong gabing 'yon ay hindi ko malalaman ang nangyari sa kapatid ko! Wala man lang sanang tutulong sa kanya! Mga hayup kayo! Mga walang puso!"

Nag-unahan na naman sa pagpatak ang mga luha ni Hazen. Bumalik sa ala-ala niya 'yong gabi na 'yon. 'Yung gabi na nais niyang tulungan si Jane pero pilit siyag hinila ni Prince palayo.

"Bitawan mo ako sabi!" Umiiyak na siya. Medyo malayo na kasi sila sa kinaroroonan ni Jane.

"Hazen, stop it! Sigurado may tumulong na sa kanya!" nauubusan na ng pasensya na bulyaw ni Prince. Sila na lang ang magkasama dahil hindi na nila makita kung saan nagtungo ang iba.

"No! We need to help her!" pagwawala pa lalo niya. Pinipilit niyang inaalis ang kamay ni Prince sa palapulsuhan niya. Hindi makakaya ng konsensya niya na pabayaan si Jane. At sa pagwawala niya ay may nabangga siyang lalaki.

"Sorry po." Si Prince ang humingi ng dispensa sa lalaki. Saka muling hinila siya.

"Prince, tulungan natin si Jane. Parang awa mo na," sumamo pa rin ni Hazen nang wala siyang magawa. Parang papel na lang kasi siya na hila-hila ni Prince.

Hindi na nila nakita ang pagtigil ng lalaki sa paglalakad at napalingon sa kanila.

Kung ganoon ay ito pala 'yong lalaki noon!

"Naalala mo na?" Ngumisi ng matalim ang killer.

Umiling-iling siya habang walang tigil na ang pagluha. She had a lot of words she wanted to say. She wanted to explain. Gusto niyang sabihin na ginusto naman niyang tulungan noon si Jane, wala lang siyang nagawa. At gusto rin niya sanang mag-sorry dahil naging mahina siya. Ngunit paano? May busal ang bunganga niya.

"Alam mo bang buhay pa si Jane nang itakbo ko siya sa ospital? Alam mo bang lumaban siya dahil ayaw niya pang mamatay?" sabi pa ng killer.

Her heart flipped at that. Sh*t! Sabi na nga ba niya! Kung sana pinakinggan lang siya noon nina Mieko, Je Em at Prince! Kung sana!

"At alam mo ba ang huling pinilit niya sa 'kin na sinabi bago siya malagutan ng hininga?" Sinadyang binitin ng killer ang sinasabi. Pinahinaan muna nito ang hawak na lighter. "Ang sabi niya... PATAYIN MO RIN SILANG LAHAT, KUYA!"

She does not know, but she feels like her heart stopped beating at that moment. Oh, God! Kung gano'n ang lahat ng ito ay ang death wish ni Jane!

Wala na, pati ang isipan niya ay parang naparalisa na sa mga natuklasan. Kagagawan lahat ito ni Jane! Ang inakala niyang mabait na si Jane!

Nag-unahan ulit sa pagtulo ang mga luha niya. Nevertheless, she can't blame Jane. Siguro nga deserve nila ito. Ang mamatay rin.

"Sinusunod lang namin si Jane." Tumayo ang killer at bigla-bigla ay itinilapon nito ang lighter sa likod nito. Nagliyab ang katawan ni Prince na walang kalaban-laban.

Doon lang tila nagbalik si Hazen sa kanyang sarili.

"Princeee!!!" hiyaw niya sa isipan habang nagkakawag sa pinagkakatalian niyang upuan upang sana ay makawala at matulungan si Prince.

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora