CHAPTER 6: Rebecca

4.2K 155 8
                                        

Normal day.

Normal life.

Ngayon, nasa school ako. Nasa banyo at mag-aayos sana ng makeup dahil uwian na rin naman ng may marinig akong humahagulgol na iyak sa banyo. Kinabahan ako.

May tao ba dito?

Ay syempre, alangan. Isip naman Kryzca!

" Um.. Hello? " tanong ko.

Mas lumakas yung iyak. Nagmamadali akong ibalik ang mga gamit ko sa bag para umalis na.

May kwento kwento kasi dito, na may nagpakamatay na babae. At kung ikaw ang isusunod niya, naririnig mo daw yung mga iyak niya. At unting-unting bubukas ang isang cubicle..

*squeek*

Bumukas nga yung cubicle, napalunok ako. Hindi dapat ako matakot. Hindi ako pababayaan ni Lord.

Diba Lord?

Hinawakan ko yung pinto, at dahan dahan kong binuksan.

May babaeng nakasalampak dun sa lapag.

Mas lalong akong halos mahimatay ng humarap ito sa akin.

Nakakatakot naman ang mukha nito. Mapag-kakaalaman nga na multo itong babaeng ito. Magulo yung buhok at nasira na yung make up niya sa mukha.

" M-Miss! A-ano p-pong p-problema?! " sigaw ko sa kanya.

Niyakap ako nito agad.

“ ATEEE!! Tulungan mo ako, di na ako sinisipot ng boyfriend ko! HUHUHUHUHUHUHUH!! “ iyak niya.

Oh, love life ang problema ng batang ito. Buti na lang naabutan ko at hindi nagpakamatay.

Diba ganun daw yung ibang broken hearted?

Sira ulo din yung boyfriend nito e.

Ligaw ligawan, mahal mahalan, iloveyou iloveyuhan, eh sa huli, anong napala? SA HULI, WAGAS ANG IYAKAN. Sarap sipain at suntukin yung mga taong PAASA sa mga taong inosente sa pagibig.

Hay nako.

Mabuti pa ako, di ko na mararanasan magkaroon ng boyfriend, pano ba naman. Naka-arranged marriage kasi ako. Hindi ko alam kung masuwerte ako o sadyang malas lang talaga ako.

Hinawakan ko siya sa braso at tinulungan tumayo.

“ Tumayo ka muna diyan. At ayusin natin yang face mo. “ sabi ko.

Iyak parin ng iyak.

“ ATEEE! HUHUHUHU~ Anong gagawin ko? “ sigaw niya.

Kumuha ako ng panyo sa bag “ First  things first, linisin muna natin yang itsura mo. Baka pagkamalan kang alien species dito. Gusto mo ba yun? “ sabi ko.

Buti naman masunurin at tumahimik.

Pinunasan ko  na ang mukha niya at inayos yung buhok niya. “ Ang ganda naman pala ng mukha mo eh~ Wag mong iyakan yang walang kwentang boyfriend na yan. “ praise ko sa kanya.

Totoo naman, ang kinis ng mukha niya, ang puti niya pa, at maganda pa.

“ M-Maraming s-salamat *hikbi* p-po. “ sabi niya.

Inabot ko yung kamay ko para makipag-shake hands “ By the way, I’m Kryztal Scarlette Lopez. Nice to meet you. “ sabi ko ng nakangiti.

“ Hi. Ako naman si Rebecca Arcalahenza. Maraming salamat pala sayo. “ sagot niya at nakipag-shake hands sa akin.

“ So, do you want to talk about.. you know, with me. “ offer ko sa kanya, kasi mukhang nakakaawa yung lagay niya.

“ T-Talaga po? “ gulat niya.

My Fiance's BodyguardWhere stories live. Discover now