Seducing My Gay Boyfriend

130K 488 51
                                    

PROLOGUE

Sedyusan ang drama ng storya na to. Yung tipong gagawin lahat ni girl ang paraan para lang mapainlab si guy.

Syempre si girl. Maganda at sexy.

Eh si Object of affection?

Pogi? check!

Macho? check!

Mayaman? check!

Ang kaso...

"Sya'yyy isang sirenaaaaa!!"

-

Sabi nila mahirap magmahal ng syota ng iba...Sabi ko naman mas mahirap magmahal ng syota mo na,lumandi pa ng iba.

Ako si Dianneara Aragon,isang dyosa,ang babaeng walang karanasan sa pag ibig.

Ewan ko ba, hindi naman ako tibo..Di ako naaatract sa mga may abs na lalaki.Di naman sa pagbubuhat ng bangko a... pero maraming nagsasabing maganda ako at malakas daw ang appeal..

Maniniwala na sana ako..Pero bakit sa isang taong gusto ko parang waley lang ang beauty ko.Echos lang ata yun ng mga kaibigan ko eh.

Sa tingin niyo?

Nga pala ang tinutukoy ko ay si Art. Ang dyosa 'daw' ng karagatan.Hahaha

Nang dumating si Art sa buhay ko, dun ko naranasanang magmahal.

Yun bang tipong..

Bumukas ang langit

Sumayaw ang mga anghel

Nangningning ang mga bituin

Nabiyak ang lupa

Tumawa ang Demonyo

Nagpakita si Satanas

At higit sa lahat..

Naging bakla si Kupido!

Parang hurricane lang sa paginvade sa puso ko eh!

Bwisit na buhay yan!

Minsan na nga lang magmahal, sablay pa!

Pero di ako papatalo, may plano ako! At ang plano ko ay...

Sedyusin ai Arturo Madlang-awa the Third!

-

"Baby A!"

"Baby D!"

At katulad ng mga eksena sa pelikula nagmamadali syang lumapit sa akin at nagmamadali din akong sinalubong siya.

*Pak*

Pero hindi katulad ng mga magjowa sa eksena ang sa amin,

pagkalapit pa lang niya ay binatukan ko na siya.

"Aw Baby D!" hawak ang ulo nyang binatukan ko.

"Aw aw ka jan?! Kelan ka pa naging aso?!"

"Masakit eh.."

"Talagang masakit yun! Ano't nakikipaglandian ka na naman ah? Sinabi ng wag kang lumandi!"

*pout*

"Wag mo kong ngusuan di bagay sa'yo!"

*puppy eyes*

"Mukha kang tuta tigilan mo'ko!"

*irap*

Inirapan niya ko! Opo! Nang irap sya! At talagang naka cross arms pa!

Tiningnan ko siya ng masama..At teka! Bakit suot nanaman niya blouse ko?!

Wattpad COMPLETED Stories~ TagalogWhere stories live. Discover now