More Than Just A Bet (Completed)

8K 66 9
                                    

PROLOGUE

5 Sweetest Rules

1.Make love not war
2.Hold each others hands at least three times a day.
3.Celebrate weeksary.
4.Get to know each other.
5.Live under the same roof.

Signed by: Marcus Liam Cando & Ara Lian Binalatan

Witness: Ethan Luke Cando & Claire Lataza

--

Tumayo ako para tignan ang pinalagay kong tattoo sa collar bone ko, maliit lang naman sabi ko dun sa nagta-tattoo. Simpleng Lian lang na may puso sa dulo, humarap ako sa salamin at halos lumukot mukha ko nang makita ko ang nakasulat.

Liam <3

Hinarap ko si Kuyang nagta-tattoo. "Kuya!! Sabi ko Lian!! Bakit Liam ang nakalagay?" Sita ko sa kanya, nilingon niya ako. "Oh? Sorry, pagkarinig ko kasi Liam." Sabi niya saakin, napakamot ako ng ulo! Bingi pa yata to!

Muli kong tinitignan yung maliit na tattoo sa collar bone ko! Namumula ito, sobrang sakit ng pagpapalagay ko tapos magkakamali lang siya ng isang letra. Nakakainis naman.

"Maganda naman ang Liam ah? Hot nga ang pangalan, parang yung school mate natin." Sabi ni Claire na ngayon ay nag-aayos na ng gamit niya, pinsan niya kasi ang nagtattoo saakin kaya libre.

"Sinong schoolmate?" Pagtataka ko sakanya, lumabas na kami ng bahay nila at sumakay na sa kotse ko. "Hindi mo siya kilala? Si Marcus Liam Cando? Ang hot niya kaya, saka isa pa ang galing niyang mag saxophone, magbasket ball at balita ko nga kasali siya sa Star model, oh my! Kung makikita mo lang yung abs niya... Tutulo ang laway mo." Para namang nanaginip ng gising itong si Claire, umiling na lang ako at sinumulang paandarin ang kotse ko pero mukhang kailangang itulak, kasi naman bulok na.

"Oy Claire baba! Magtutulak tayo!" Sigaw ko, napanganga siya sa sinabi ko. "Sisteret? Nilokoko mo ba ako? Nag dress ako today para magpaganda kay Ethan Luke, tapos pagtutulakin mo lang ako? Gosh." Pinaypaypay pa niya ang kamay niya sa mukha niya.

"Sino naman yung Ethan Luke na yon?!" Sigaw ko sakanya, "Crush ko hihi." Kinikilig kilig pa siya habang sinasabi yon. Parang kanina lang ibang pangalan ang sinabi niya ah?

"Sus, bilis na! Baba na! Malelate na tayo sa first class natin! Ayokong mawala yung scholarship ko noh! Bigay lang ni Mayor yon!" Sigaw ko sakanya, oo scholar ako ni Mayor, kung hindi dahil siguro sa scholarship niya hindi ako makakatungtong sa kolehiyo. Fourth year college na ako ngayon, Education ang course ko! Magiging magaling na teacher ako balang araw! Magtuturo ako sa mga bata tapos magpapalaro kapag inaantok na sila!

"Yay! Sa walas nandito na tayo sa school!" Sigaw ni Claire, ang likot likot niya dito sa loob ng sasakyan ko, naghahanap na ako ng pagpaparkan ko.

"Pwede na siguro dito." Sabi ko nang makita ko ang isang bakante sa parking area. Pero biglang bumangga sa kotse ko sa isa pang kotse nang may mang agaw ng bakanteng space na nakita ko!!

"Aish!! Bwisit naman oh!" Bumaba ako at nasapo ko ang noo ko nang makita kong nasira yung harapan ng sasakyan ko! Badtrip talaga, isang Lamborghini Gallardo LP560-4 lang naman yung nabangga ko! Pero hindi yun eh! Yung kotse ko ang laki ng damage!! Kinalampag ko yung Lamborghini para bumaba yung may ari!

"Hoy! Mang-aagaw ka ng space! Ako unang nakakita dito! Ang kapal ng mukha mo!!" Sigaw ko! Bumaba naman si Claire at pilit akong hinihila pabalik sa sasakyan ko pero tinulak ko siya! "Hindi Claire! Tignan mo ang ginawa niya sa kotse ko! Sinira niya!!" Sigaw ko!

"Hoy! Baba!! Sigaw ko pang ulit, maya maya lang bumaba ang lalaking naka-navy blue na shirt at talaga namang bakat na bakat ang hubog ng katawan niya don!

Uso ba talaga ngayon yun? Nakapants din siya at simpleng black vans na sapatos. Mataas siya saakin kaya naman tumingala ako. "Hoy! Tignan mo ang ginawa mo sa kotse ko!!" Hiyaw ko sakanya! Tinignan naman niya ang kotse ko.

"Sira." Matipid na sabi niya, "Oo! Sinira mo! Ipagawa mo yan!!" Kahit luma na yang sasakyan ko malaki pa rin ang pakinabang ko dyan!!

Ibinalik niya ang tingin saakin at dumako ang mata niya dibdib ko? Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang ngumisi ng nakakaloko!

"Anong tinatawa tawa mo dyan?!!" Hiyaw ko sakanya, mas lalo siyang ngumisi. "Mga babae nga naman oo.. Pare-pareho kayo ng style, sige na sige na." Natatawang sabi niya at nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong halikan sa labi!!

Napatulala at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang humiwalay na ang labi niya sa labi ko.

"Nice tats. Pangalan ko talaga. Pwede ka namang magpakilala, kesa binangga mo pa yung auto ko sa auto ko. Yaan mo papagawa ko."

***
Nakakakilig omg 😂 okay guys basahin niyo!!

Author-> @asherinakenza

~kremecake

Wattpad COMPLETED Stories~ TagalogWhere stories live. Discover now