Chapter 34

17 0 0
                                    


Business.

Kamille's point of view.

"But dad?!"

"That's it. You're flying back to US. That's my finally decision". Tumayo siya, kinuha ang briefcase niya at umalis na.

Pinigilan pa siya ni Mom dahil alam niyang di naman talaga to pupunta sa trabaho dahil kakauwi niya lang pero di siya nagpapigil.

Alam kong kaya niya ako ayaw mag boyfriend ay hindi dahil sa alam niyang pag nag boyfriend ako eh malaki ang posibilidad na si Walter yun, in fact gustog gusto niya si Walter bata palang kami. Isa pa, anak to ng mga kaibigan niya sa US, eh. Ang totoo niyan, kaya niya ayaw eh dahil sa kadahilanan na ako ang magmamana ng branch ng business namin sa US, at ako ang ipakakasal nila sa anak ng business partner nila para tuluy-tuloy ito. My mom's aware of it pero confident siya na hindi ito matutuloy, dahil sa paglaki ko hindi ko ito hahayaang mangyari, na ikasal ako at ibigay ang buong dangal ko sa lalaking hindi ko naman mahal at ni minsan ay di ko pa nakita o nakilala man lang dahil sa nasa US siya.

Tumingin ako kay Mama and she gave  me the "ako na ang bahala" look. Tumaas ako at pumunta sa kwarto ko. Dun ko inilabas lahat. Umiyak ako hanggat sa mailabas ko lahat ng nararamdaman ko. Minsan mas effective pa to kaysa sa paghahanap ng taong mababalingan mo ng atensyon. Nasasaktan ako kasi matagal na namin tong hindi napag uusapan nina Mama at Daddy pero bakit parang all of a sudden bumalik siya. Sa araw pa talaga na ipapakilala ko na yung mahal ko sakanila? Pero kahit ganun, ipaglalaban ko si Walter. I'm loving with no boundaries, even the hardest barrier they have won't stop me from loving him. Kahit hindi na ako maging Fuentes, basta ipaglalaban ko siya.

Walter
Dialling...

Gusto ko siyang kamustahin. After all, nasaktan siya dun sa nangyari. I also wanna comfort him at the same time. To tell him, that i'll fight together with him.

"Babe?" Bungad ko. Hindi siya nagsasalita. Puro singhot lang ang naririnig ko. He just don't know how hard i want to hug him right now. "Babe, wag ka umiyak please"
"Ha? Uhm, hindi noh. Bat naman ako iiyak? Ipaglalaban mo naman ako diba?" Oo. Ipaglalaban kita. "Yes, i will. Wag kang mag alala hindi yun matutuloy".  Petisyon ko. "Talaga?" Tanong niya. Ngayon sa mga words niya feeling ko naka smile na siya.

Nag decide na ako na matulog pero biglang pumasok si ate sa room ko.

"Kamusta?" Bungad niya.

"Okay naman siya, Ate. Di ko rin naman hahayaan na di siya maging okay". She smiled. "Magpahinga ka na ha? I won't let this go through. Hindi ko hahayaang maging miserable ang bujay ng baby sister ko". Ang swerte ko kapatid ko siya.

Lumabas na si Ate pamaya maya naman ay nakikita ko ng parting si Mama.

"How's my princess?"

Di ko na mapigilang umiyak. Umiyak ulit.

"Ma, mabait akong bata. Lahat ginagawa ko para maging proud kayo. But how come it seems like it's not yet enough for Dad? He even wants me to marry a man i don't know." Daing ko. Nakikinig lang siya sa sinasabi ko.

"Ma, bata palang ako nababanggit na to ni Dad sakin pero akala ko as i grow, mawawala yun and mapipigilan pero hindi pala, akala ko lang pala yun. All i thought was through these years magbabago siya, pero hindi Ma". Hindi ko na mapigilang mapahagulgol. "Ma, hindi ako nasasaktan dahil para akong ipinamigay ni Dad kung tutuusin, mas gusto ko ngang iba nalang maging tatay ko, yung tatay na hindi masyadong business minded na tao, yubg makapamilya pero Ma, kahit minsan di ko yun nakita kay Dad". She smiled. "My princess, pag pasensyahan mo na ang dad mo, alam mo namang galingsiya sa hirap sa US noon. I thought magagawa ko siyang masilaw sa kayamanan ng family namin para di na maulit to pero hindi". Maulit? "What do you mean, Ma?" Tanong ko. "Arranged marriage din yung amin. I don't love your Dad he also used to love another girl but suddenly when he met me, we fell inlove. Pero ngayon, anak. Complicated yung sainyo ni Walter--" pinutol ko yung sasabihin niya dahil hindi ko yun nagustuhan. "Ma, how could it be complicated? Hindi Ma! Hindi siya complicated. Mahal ko siya at siya lang ang papakasalan ko! May dapat bang ikakumplika don?" Tanong ko. "Anak, wag kang mag alala, enjoy your time with him. Kung kailangan nating itago sa Dad mo ang pagkikita niyo, gagawin natin. Okay?" Minsan talaga ang sarap lang sa ears nung sinasabi ni Mama. Napapakalma ako dahil sakanya.

7 AM

*Phone Ringing*

Jessica Faye G. Alcantara
Calling...

"Helo bes? Aww sorry wala ako nung nangyari yun. Dahil nako kung nandun ako napigilan ko yang monster daddy mo." Sa tono ng pananalita niyam ukhang nasabi na sakanya ni Walter ang lahat. "Wag kang mag alala, bes. Hindi ko hahayaang masaktan ang Kuya mo". Petisyon ko. "Dapat lang noh. Sino ba ikakasal sayo?" Ranong niya. "Di ko pa kilala". Sagot ko. "Nako! Baka si Mike yan!" Sinong Mike? "Sino si Mike?" Tanong ko. "Diba, kabusiness partners ninyo yung mga Gonzales? Si Mike, yung step brother ni Kaizer na nasa US. Baka siya ah.." kwento niya. Sana mali yung hinala ni Jessica.

Lumabas ako at bumili ng newspaper para tingnan kung nakapasa ako sa board o hindi. pero bago pa ako makarating sa bilihan eh may tumawag na sakin. Isang anonymous number.

"Hello, uhm is this Ms. Kamille Fuentes?"

"Yes, this is Kamille."

"Congratulations! You've passed the board exams". Ang dami pa niyang sinabi pero nung huli nag thank you nalang ako.

I mean, unlike other students who've passed the board are even much more happier than me inside and out. I mean, i always make sure to pass pero ngayon. Malalagpasan ko kaya tong challenge sa life ko na to?

Oh ngayong alam ko ng pasado ako. Saan ako pupunta? Gusti ko ng kausap kaya pumunta ako sa cafè ni Tito Pao at Tita Kyla, wala dito si Miguel kasi nasa opisina daw, masyado na siyang busy ah, palibahasa CEO na siya, eh, kaya malaman man niya o hindi yung results nung exam atleast may posisyon na siya, mataas pa. Naalagaan pa kaya niya si Jessica?

Nag order ako ng isang mocha frappucino. Hinanap ko silang dalawa pero ang sabi nung staffs dito, wala daw yung pareho nilang owner.

Nakita ko sa malayuan si Kaizer Gonzales. Ano kayang ginagawa niya dito? Nasa labas na part siya ng cafè at may lalaking kausap na kahit nakatalikod palang eh pamilyar na siya sakin pero di ko masabi kung sino. Mukhang pormal ang pinag uusapan nila at business pa ata.

"Mocha frappucino for Kamille," sigaw nung barista na kung di ako nagkakamali ay si Tita Kyla. Tinanggal niya ang apron niya at nakipag usap sa akin.

"Uy, ija. Pasensya ka na ha? Alam mo naman siguro kung gaano katense ang Tita mo ngayon". Mukha nga siyang tensyonado. Bakit kaya? "Bakit po, Tita?" Tanong ko. "Eh kasi si Miguel ko, wala ng pakialam dun sa exam na tinake niya dahil daw nakaupo na siyang CEO sa kumpanya. Eh sa pagkakaalam ko gusto niya yung kurso niya pero ang sabi niya bakit pa daw ba siya magtatrabaho para tumaas ang posisyon kung nasa taas na naman na daw siya ngayon?" Reklamo ni Tita. Halata nga sa itsura niya ang pagka stress.

"Don't worry Tita, baka one day magamit niya rin yung course niya if na bored siya or what". She smiled. "Oh eh nabalitaan ko yung sainyo ni Walter, kamusta naman?" Pag iiba niya ng usapan. "Malalagpasan din namin yun Tita". Sagot ko then she smiled. Pamaya maya may tumawag sakanyang isang staff and she needs to go inside. Hindi ko maiwasang ibalik ang tingin kay Kaizer at sa kausap niya. Sino kaya yun? At anong oinag uusapan nila? Business minded sila Tito Chester at Tita Julia, and they remain loyal sa GonzaVilla na hango sa dalawang pimagsamahang pangalan nila na Gonzales at Villarico. But no one can tell me na pati si Kaizer magiging business minded all of a sudden and out of the blue.

3rd person's point of view.

"Tito, i get your point. Pero i just can't settle this early and right away. And ayokong guluhin ang buhay na mayron sila ni Walter ngayon. Walter has been a good friend of mine, as well as Kamille and Tito ayoko sana n umabot sa ganitong point."

"But it's business! And business is business, man". Petisyon niya.

"When you were just little, naglalaro kayo ni Mike as if you two are already a grown up business man. Ngayon, ayaw mo bang ipagpatuloy yun?" He's getting into my nerves! If this is just my place and not to the Serrano's i can easily kick this man away from here. "Tito, naive pa kami nun ni Mike. At, hindi pa namin alam ang ligoy ng buhay businessman noon, pero ngayon alam na namin kaya masyado kaming maingat sa mga kinikilos o ginagawa namin. Tito, you're as smart as hell. I even looked up to you, sana yun pa rin ang nakikita ko sayo ngayon. We make sure n hindi kami nakakaabala sa buhay ng iba, whiel we're making money and even people". Sagot ko.

I won't let evilness shine above goodness. Akong bahala sayo, Kamille.

Falling With A TorpeWhere stories live. Discover now