"Pinagsisisihan mo bang nangyari yung masasayang alaala na yon?" Tanong niya ulit na ikinalito ko.

"Po? Tinatanong pa ba yan? Syempre, hindi ko pinagsisisihan. Kung meron akong pinagsisisihan, yun ay hindi kami nagkasama ng mas matagal."

"Kung ganoon, bakit mo pinapaikli yung panahon mo kasama si Zackrey?"

"Po? Si Zackrey ba yung pinag-uusapan natin? Akala ko si Papa?"

"Ano bang pagkakaiba? Kung ayaw mong magsisi sa huli, sulitin mo na ang oras, bago pa siya bumalik sa Maynila." Sabi ni Tita Baby at pumasok na sa kwarto niya para magpraktis na naman sa contest.

Pinag-isipan ko yung sinabi ni Tita Baby. Should I open my heart to Zackrey? Kahit as friends lang? I mean, ayoko ko naman talaga siyang maging boyfriend eh. Hindi agad-agad. Lalo na't hindi ko pa siya kilala ng lubusan. Naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko tuwing andyan siya. Yung kaba, yung slow mo, yung tuwa kahit may halong inis. I wonder if it's love? Is love at first sight even real? How can I love someone I just met? Then again, if it's not love, then what is it?

Habang nag-iisip ako, may narinig akong tunong nang gitara. Pamilyar yung tono noon sa akin. Tapos may narinig akong kumanta.

"Uso pa ba ang harana?"

"Marahil ikaw ay nagtatataka"

Napapunta ako sa pinto. Si Zackrey, kumakanta ng Harana ng Parokya ni Edgar habang nagigitara.

"Tama na nga yan, ang korni mo na." Sabi ni Paul na nasa likod niya sabay batok tapos pasok sa loob ng bahay. May dala siyang plasik ng pagkain.

"Iba din trip mo, eh no? Tanghaling tapat nanghaharana?" Sabi ni Kit. Pumasok rin siya sa bahay. Pagdaan niya sa akin dinikit niya sa pisngi ko yung malamig na coke in can na dala niya.

"Bakit ni minsan, hindi mo pa ako hinarana?" Sabi naman ni Patchot kay Ivan. May dala rin siyang tupperware na malamang pagkain din ang laman.

"Ito kasi, binibigyan ng idea, eh!" Sabi ni Ivan kay Zack sabay siko dahil may hawak din siyang pagkain.

"Anong ginagawa niyong lahat dito? Akala ko ba may entrance exams kayo? Tsaka ano yan?" Tanong ko sa kanilang apat tapos lumingon ako kay Zackrey na nasa labas parin ng bahay. "Wag mong sabihin na nagsinungaling ka na naman?"

Seriously, everytime I reconsider my feelings for him, tsaka ko malalaman na nagsinungaling siya. Why do I even bother figuring out kung ano man yung nararamdaman ko?

"Uy, hindi." Sagot ni Patchot. Napalingon ulit ako sa kanila. Binaba niya na yung bitbit niya sa mesa.

"Tinanong niya sakin kung saan nag-eexam sila Ivan." Sabi ni Paul.

"Pinuntahan niya kami sa school, sakto patapos na rin kami sa exam kaya hinintay niya na lang kami." Sabi ni Kit.

"Tapos bumili na rin kami ng mga pagkain tsaka dumeretso dito." Dugtong ni Ivan.

"Bakit?" Tanong ko sa kanilang apat.

"Di ba sabi ko babawi ako sayo? Di ba sabi mo matagal na kayong hindi nagkakasama? Aya, GHOHOL." Sabi ni Zackrey. 

"Medyo biglaan nga lang kaya hindi masyadong napaghandaan." Dugtong pa niya at ngumiti na parang nahihiya.

"Hindi pa ba to napaghandaan? Eh ang dami nga nating handa? Pwede nang kumain yung buong baranggay dito, eh." Sabi ni Kit.

"Ang haba ng hair ni Lavinia." Pang-aasar ni Paul habang sinasabunutan si Lavinia.

"So ano, start na?" Sabi ni Zackrey.

"Ng ano?" Tanong ko naman.

"Ano bang ginagawa niyo pag GHOHOL?"

"Kahit ano lang. Tutal may gitara ka nama, bat di na lang tayo magkantahan?" Sabi ni Ivan.

"Mauna ka kumanta Lavinia, si Zackrey magigitara." 

"Mag-request ka lang! Kahit ano pa yan, kayang-kaya ko yan." Sabi ni Zacrey.

"Yabang." Bulong ko.

"Uy, seryoso. Ano ngang gusto mo?" Tanong ni Zackrey.

"Catch me." Sabi ko. Natigilan sila Paul, Ivan at Kit sa paglamutak sa mga dala nilang pagkain at napatingin sa akin.

"I-ibig kong sabihin, Catch Me ni Demi Lovato." Paglilinaw ko. Namali yata sila ng akala.

"Yun naman pala." Sabi nila tapos balik sa pagkain. Tong mga to talaga.

Nagtaka naman ako dahil alam nga ni Zackrey kung paano tugtugin yon. Infairness, ah.

Tinawag namin si Tita Baby pero busy pa rin siya sa pagpapraktis sa kwarto. Pagkatapos ng kantahan, nagkainan tapos kwentuhan tapos kantahan ulit. Hindi namin namalayan, gumabi na. Nagpaalam kami kay Tita Baby at umuwi na rin.

Bilang parte pa rin ng pagbawi kuno ni Zackrey sakin, inihatid niya ako kahit na sinabi kong okay na. Hindi ko maintindihan ang tao na 'to. Aasarin ka hanggang sa mainis ka, tapos susuyuin ka hanggang sa mainlove ka.

"So, tinatanggap mo na yung bawi ko?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Ilang beses ko na bang sinabi na oo nga? Ang kulit mo, eh." Sabi ko naman. Natawa lang siya.

"So, friends?" Sabi ko, para malinaw na sa kanya. Nilahad ko yung kamay ko para makipag-shake hands

"Bestfriends!" Sagot niya tapos kinuha niya yung kamay ko. Andon parin yung kuryente kaya bumitaw agad ako.

"Bestfriends agad? Ilang araw mo pa lang akong nakilala, eh."

"Nung una pa lang kitang nakilala, alam kong magiging mag-bestfriends tayo." Sabi niya.

"Weh?" I said in disbelief. Ano na namang pauso to. Kung ako na-love at first sight sa kanya, siya ano? "Ano yon, bestfriends at first sight?"

"Parang ganoon na nga. Magaan lang yung pakiramdam ko sayo. Kaya nga inasar kita, eh. Kaya lang ininterpret mo yun as an insult o kaya naman pagiging feeling close." Sabi niya.

"Sige na nga."

"Parang hindi ka naman naniniwala, eh."

"Ang hirap naman kasi paniwalaan ng sinabi mo." Sabi ko. Eh ako nga tong na-inlove sa taong di ko kilala. Pero at least, magaan din daw yung loob niya sa akin.

"Sya nga pala, bakit alam mo yung Catch Me ni Demi Lovato? Konti lang yung kilala kong may alam nun, eh. Kaya nga na-misinterpret nila Ivan nung sinabi ko yun kanina." Bigla kong naitanong, nakaka-curious kasi.

"Ah, yun ba? Lagi kasi yun pinapatugtog sakin ng girlfriend ko." Sagot niya.

Napatigil ako sa paglalakad at medyo OA, pero parang tumigil din yung mundo ko ng ilang segundo.

"Bakit ka tumigil?" Tanong niya nung napansin niya.

"Ha? Ah, eh. P-pasensya na, nakalimutan kong tumawa. Ha-ha-ha." I faked a laugh tapos naglakad ulit ako.

"Uy, hindi yun joke ah. Seryoso, may girlfriend ako sa Manila. Hindi ba nasabi ni Ivan sa inyo? Hindi ko rin pala nabanggit..." Sabi niya. Tuloy-tuloy pa siya sa pagsasalita pero hindi ko na narinig yung mga sumunod na sinabi niya. Gaano pa ba kalayo yung bahay namin? Gusto ko nang umuwi. Hindi na ako nakinig sa mga pinagsasabi ni Zackrey tungkol sa girlfriend niya, tumakbo ako pauwi, yung pinakamabilis na kaya ko.

***

Whoooo! I'm back, slightly. I got a break so I decided updating this. But I won't be back regularly, so please be patient.

Nov. 04, 2014

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Must Be Love (Nashlene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon