💀 Creepy Epilogue 💀

Start from the beginning
                                        

"Pinangako ko kasi sa kanya noon na gagawan ko siya ng sapatos. Nagawan ko na nga siya pagkatapos ng ilang taon. Nakakalungkot lang na hindi niya ito maisusuot."

Inakbayan ako ni Jennifer.

"Diba sabi mo, ibibigay mo na lang ang sapatos na yan sa babaeng nakatadhana sayo? The girl who has the other end of your red string."--Jennifer.

Ngumiti ako at napatango.

" How I wish na may kakayahan parin akong makakita ng red string of fate para matulongan kitang hanapin si Ms. Right, Kael."--Jennifer.

Napahalakhak ako sa sinabi niya.

" Di naman ako nagmamadali. Darating rin 'yon." Tugon ko.

" Naibanggit ni Jegudi noon na ang totoong karugtong ng red string mo ay si Yukiko. Sabi pa nga niya na itatama niya ang lahat. So, that means she has the other end of your red string because she was destined to have that."--Jennifer.

Kinakabahan ako ulit sa sinasabi ni Jennifer. May punto siya. It's possible.

"Ang tanong, kung sa kanya man nakatali ang red string mo, do you feel anything special towards her?"--Jennifer.

" Nawe-weirdohan ako ng kunti nang makita ko siya. Medyo kinakabahan rin."

Jennifer chuckled. Her face turned pinkish.

"Tignan natin kung anong patutungohan ng pagkikita niyong 'to. Maybe it's destiny."--Jennifer.

I just replied her a smile. Naputol ang usapan namin dahil nagsimula na ang pag rampa ng mga modelo sa mga gawa namin.

Napapalakpak ang crowd. Mukhang nagustohan nila ang designs namin.

Pagkatapos ay lumabas na ang pinakahihintay naming sneakers collection.

Nakikita ko na ang laki ng mga ngiti ng mga tao sa kabilang shoe company. Akala nila na maiisahan nila kami. Pero sorry nalang sila, our highlight design saved by my design. Medyo nakaka proud. Hahaha!

Parang nalunok ko lahat ng bersyon ng bato ni darna nang makita kong nirarampa na ng isang foreigner na modelo ang sapatos ko!

Napatingin ako sa mga audience. Nakikita kong parang uhmm nagugustohan naman nila?

"Looks like the audience loved your design in just one glance."--Sabi ng Senior designer namin sabay gulo sa buhok ko.

Pagkatapos mairampa lahat ng mga footwears namin, pumunta kaming mga designers sa stage at napa bow sa crowd.

Mabuti nalang, nalusotan namin ang problemang yon. That was a relief.

Nakita ko na abalang abala ang mga heads ng kompanya namin at isa na si Yukiko na nakikipag usap sa mga businessmen and investors.

" Kael, hatalang halata na tinititigan mo yang si Yukiko Yanai."--Hindi ko man nililingon pero alam kong si Luiji ito.

"Gusto ko lang siyang tignan. Bakit? Gusto mo siya?papalitan mo na si Jennifer?"

Natawa ito at pinagtatapik ng gago ang braso ko.

"Paano ko yon mapapalitan? Nakatali na ako sa red string.ahahaha!"--Luiji.

"Kung may paraan ba na maputol ang red string, gagawin mo ba?"

"Hindi. Tamad akong maghanap ng iba."--Luiji.

Ang sabihin mo, in love na in love ka kay Jennifer.

Pagkatapos ng show na 'yon, dinala kami ng kompanya sa isang all-you-can-eat restaurant para i-treat kami.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Where stories live. Discover now