"Wala si Manong Sic, nasa ospital nanganak na kasi si Nanay Aly." Tumango-tango na lang ako sa kanya.

-

Pagkatapos ng mahabang pilitan at paulit-ulit na pagsasabi nya ng 'moral support' napapayag nya akong ipag-drive sya. Hindi na nga dapat ako sasama sa kanya sa pagpirma ng kontrata nya, eh ano ba namang laban ko sa convincing power nya? Bored na bored lang akong naka-upo doon habang pinapanood sya. Masaya naman ako sa narating nya, hindi nga lang ako masaya na wala akong ginagawa.

Maya-maya lang nag-vibrate ang cellphone ko at nag-flash ang pangalan ni Neo sa screen ko. Hindi ko sinagot, baka masira lang ang araw ko. Ilang minuto lang, nakatanggap naman ako ng text message mula sa kanya.

From: Habagat

Go and see your new garden. NOW.

Pagkatapos kong mabasa ang message nya, dinelete ko. Bahala syang maghintay. Bahala sya sa buhay nya. Hanggang ngayon bwisit na bwisit pa din ako sa kanya. Hindi ko na sya kinausap pa at hindi na din ako nagpunta sa School magmula noong nakita nya kaming magkasama ni Hannah sa mall. Kahit si Hannah, hindi ko din pinapansin. Mahirap na, baka may masabi na naman ang kapatid nya.

"Pinapapunta ka ni Neo sa School." Sabi ni Avy at ipinakita ang text message sa kanya ni Neo.

"Bahala sya sa buhay nya." Sagot ko.

"Hanggang ngayon galit ka pa din sa kanya? Nag-sorry na nga 'yung tao eh." Sabi pa nya. Naikwento ko kay Avy ang nangyari sa Mall noon. Kinabukasan after that incident humingi agad ng sorry sa akin si Neo. Nagpadala pa nga ng bulaklak sa bahay, pinatapon ko.

"Kilala mo ako Avy, minsan lang ako magalit pero sagad."

-

Bandang 5:00 p.m na ako nakapunta sa School pagkatapos akong tawagan ni Daddy at utusan na picture-an ko daw ang bawat sulok ng garden at ie-mail ko daw sa kanya. Wala naman akong ibang choice kung hindi ang sundin ang utos ng Hari. Habang naglalakad ako, ilang beses kong ipinagdasal na sana wala na akong maabutan na lalaking mayabang sa garden, pero hindi ata ako narinig ni Lord.

"Finally! After 4 hours of waiting, dumating ka din." Bati nya sa akin.

"Naghintay ka?"

"Malamang, kaya nga nandito pa din ako di ba?" Pamimilosopo na naman nya. Hindi ko na lang sya pinansin at ibinaling ko ang atensyon ko sa bagong renovate na garden. Napangiti ako sa pagbabagong nakita ko. Halos walang bakas ng kahapon.

Inumpisahan ko ng kumuha ng mga pictures para matapos na 'yung trabaho ko. Sa bawat pag-click ko ng camera ko, hindi ko mapigilang hindi maluha sa sobrang tuwa. Napakalaki ng naging parte ng garden na 'to sa buhay estudyante ko. Ito ang naging saksi sa kahinaan ko. This was my sanctuary.

"Hoy ayos ka lang?" Napansin nya atang natigilan ako sa pagkuha ng pictures. Tinignan nya ako nang nakakunot ang noo.

"Umiiyak ka ba?" Sunod na tanong nya. Mabilis ko namang pinahid ang luha sa gilid ng mata ko. Hindi ko sya sinagot at kumuha na lang ulit ng pictures.

"Masyado bang maganda 'yung ginawa ko at naiiyak ka dyan?" Napa-ismid naman ako dahil sa sinabi nya. Ang yabang nya talaga.

"Kaya mo bang tumahimik kahit isang oras lang?" Tanong ko at umiling sya.

"Give me at least 10 minutes of silence, pwede?" Malumanay na pakiusap ko sa kanya at tumango sya.

Kasabay ng pag-click ko ang pagbalik sa alaala ko ng mga nangyari noon. Ang pag-abot sa akin ng panyo ni Mikee habang umiiyak, ang pag-iyak ko sa bench kada i-bu-bully ako ng mga kaklase ko at ipapahiya ng mismong kapatid ko, ang first meeting namin ni Ian, ang unang pagtitiwala ko sa isang lalaki, ang unang beses kong nagmahal ng lalaki at ang unang sakit na dala ng pagmamahal.

Noong matapos kong picture-an ang buong lugar, umupo ako sa isang bench. Ang laki na ng pinagbago ng garden, mas gumanda, nagkabuhay, maaliwalas at higit sa lahat nakaka-relax. Napangiti na lang ako, siguro nga dapat ko ng kalimutan ang lahat ng masasamang nangyari noon.

"Hoy." Tawag ko kay Neo, lumingon naman sya sa akin.

"Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Mas maganda ka kapag nakangiti." Ngumiti din sya sa akin. Hindi 'yung usual na ngiti nya sa akin na nang-aasar o may binabalak na pang-iinis. Ngiti na gugustuhin ko ulit makita.

Shit. Seryoso? Sinabi ko bang gugustuhin ko ulit makita ang ngiti nya? Nakakaloka.

"Kinilig ka naman." Pambabasag nya.

"Hindi. Natuwa lang ako dahil sa'yo na din nanggaling, maganda ako."

"Maganda ka naman talaga eh, masama lang ugali mo." Ayan na naman ang pagiging judgemental nya. Inirapan ko na lang sya bago pa masira ang araw ko.

"Tungkol pala sa nangyari sa Mall, sorry ha. Ewan ko ba, kapag kasi nakikita kita, parang automatic na na dapat kitang asarin. Nakasanayan na eh, hindi ka din kasi papatalo pagdating sa asaran. Ikaw kasi 'yung tipo ng babaeng hindi bagay bigyan ng compliment. Offensive na pala 'yung nagawa ko, akala ko naman kasi sanay ka nang sinasabihan na masama ang ugali." Paliwanag nya.

"Sanay na ako doon. Sa part lang na pinalayo mo si Hannah, doon ako nasaktan. Maraming beses na akong nawalan ng kaibigan at ilang taon ang dumaan bago ulit ako nagkaroon ng kaibigan. I know I sounded pathetic right now, but compare to your story, mas pathetic ka naman." Oh. Did I just said that? Napatingin agad ako sa direksyon nya. Halata naman ag gulat sa mukha nya.

"Sinabi ni Hannah?" Tumango lang ako sa tanong nya.

"Ok lang, madaldal talaga ang kapatid ko. Actually naidaldal na din naman nya sa akin ang tungkol sa pang-aagaw ng Ate mo sa boyfriend mo noon. Oh, mas pathetic 'yon." Natatawa nyang kwento.

"Mas pathetic 'yong sa'yo." Pagpupumilit ko.

"Whatever you say. Friends?" Iniabot pa nya ang kamay nya sa akin. Umiling ako.

"I don't do shake hands. Baka madumihan ako." Nagkibit balikat na lang sya.

We stayed there for a couple of minutes enjoying the silence. Pinanood ko lang ang dancing lights na inilagay nya din sa may fountain. Ito na ata ang longest hours na hindi kami nag-away. It's kinda weird but it feels good.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon