Chapter 22: - decision -

Začať od začiatku
                                    

“Kung ganoon, napag-desisyunan mong hayaan si Sunmi na mabuhay?”

Napatingala siya dito. Hindi na siya nagulat kung paano nito nalaman pero nakaramdam lang siya ng kaunting. . . hiya.

Bahagya itong napangiti. “Gusto mo siya.”

Napakislot siya saka umirap. “Hindi. Sinasabi ko lang na hahayaan ko lang siyang mabuhay dahil naroon na ang katawan niya at maraming naghihintay sa pagbabalik niya. Maliban sa kadahilanang yun wala ng iba.”

Tika lang, bakit ba niya deni-deny? Umamin na nga siya sa sarili, diba?

“Hindi nga?”

Manghang muli niya itong tiningnan sa ginamit nitong salita.

“Hindi gusto ng dybukk na mamatay ka. Kung siya man ang nagsabi sayong mamamatay ka, tiyak na sinabi rin niya kung paano ka mabubuhay. Marahil na sinabi niya sayong. . . patayin ang katawan ni Sunmi. Tama siya, yun lang ang paraan pero kung wala kang nararamdaman kay Sunmi, kayang-kaya mong gawin yun.”

“Hindi lang ako mamamatay tao kaya hindi ko siya kayang patayin. Simpatya. Saka para mapanatili ang balanse ng mundo. Kapag hindi ako namatay, hindi lang si Sunmi ang pwedeng ipalit para mapanatili akong buhay kung kinailangan ko na namang mamatay. Isa rin ito sa paraan para hindi na mag-habol sa akin ang dybukk.” Umirap siya sa mataman na titig ni Zion.

“Natutuwa ako at pinili mo ang tamang desisyon pero hindi mo rin naman mapagdedesisyunan ito kung hindi mo nalamang gusto mo na pala si Sunmi.”

Inis na binalingan lang niya ito ng mapagawi ang paningin niya sa bintana ng silid kung saan nakadungaw pa rin doon si Sunmi habang nakatingin sa kanila.

Totoo yun, pero. . . bakit hindi niya kayang sabihin sa iba?

Dahil ba sa katotohanang, nagkagusto siya sa isang MULTO? Totoong mabubuhay ito pero isa itong MULTO habang kasa-kasama ito.

Di ba nga addict naman siya sa mga multo? Hindi na kataka-taka yun kung bigla man siyang magkagusto kay Sunmi dahil isa itong multo kasi nga addict siya sa multo.

Hindi naman ang pagiging multo ang naging dahilan kung bakit nagustuhan niya ito eh. Dahil yun sa. . .

Nagulat sa Soulen ng bigla na lang siyang ngitian ni Sunmi ng makahulugan at naroon ang mapangutyang titig nito. Saka niya nalamang kanina pa pala siya nakatitig dito. Pinamulahang agad niyang iniwas ang paningin dito. Bigla na lang kasing bumilis ang tibok ng puso niya.

Tama, dahil nga pala yun sa ngiti nito.

Para kasi itong liwanag ng araw na tumatanglaw sa kaniya kapag ngumingiti at parang naaalis ang lahat ng alanganin niya kapag nakikita yun at hindi niya maiwasang wag itong titigan.

Para pala siyang Sunflower at ito ang liwanag ng araw. Kapag wala ito, malalanta siya. Pero pag ang Sunflower ang wala, ayos lang naman sa araw na palaging magliwanag.

Tama nga ang desisyon niyang ito ang mabuhay kesa siya ang manatiling buhay. Hindi rin naman kasi kakayanin ng konsensya niyang manatiling buhay kung gayong hindi naman karapat-dapat sa kaniya ang buhay na yun.

Mas maiging si Sunmi na nga lang.

Kasi. . . ito ang liwanag ng araw niya.

Eh di totoo ang dahilang gusto nga niya si Sunmi kaya hahayaan niyang ito ang mabuhay.

“Wag mong sabihin kay Sunmi ang bagay na ito. Ayaw kong malaman ang magiging reaksyon niya.” Ang wika niya kay Zion.

“Wag kang mag-alala, kahit nga ako ayaw kong umurong din siya. Gusto ko pa rin namang mapanatili ang balanse ng mundo.” Sagot lang ni Zion.

Tumango lang siya bilang pag-sangayon sa sinabi nito.

Paano nga kaya pag-nalaman ni Sunmi ang katotohanang yun. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito pero baka nga hindi ito makaramdaman ng kakaiba. Baka nga sabihin lang nitong dapat lang dahil siya naman talaga ang dapat na namatay at hindi ito kaya hindi ito susuko hangga’t hindi ito muling nabuhay.

Kung yun man, ayaw na niyang malaman o makita pa.

Pasimpleng sinulyapan niya ito. Nakaupo na ito sa gilid ng bintana niya at pinagmamasdan ang kalangitan.

Do ghost fall in-love?

Bahagya siyang natigilan sa katanungang yun. Oo nga, itinanong na niya yun sa mga kasama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nahahanapan ng sagot. Come to think of it, nagkakagusto nga kaya si Sunmi? Multo naman kasi ito. Hindi rin siya sigurado kung talagang nagkakagusto ito sa pagiging multo nito ngayon o hindi.

Di bali na nga kung magkagusto man ito o hindi. Basta nakapagpasya na siya at hindi na yun babaguhin. Hindi rin niya yun sasabihin kay Sunmi.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 thanks po. xD

Late Love; The Annoying Ghost (Complete)Where stories live. Discover now