Chapter 18 = Danica and Justin

4.5K 157 6
                                    





Brylle POV...


"Yes" sabi ko sa lalaking pumukaw ng atensiyon ko




Nasa mall na kami ni Danica dahil ito ang napag-usapan namin kanina, At ngayon nakatingin lang kami ni Danica sa lalaki na nasa harap namin




"Ahm, pwede ba kita makausap, I mean kayo pala" ang sagot nang lalaki




Ano naman kaya ang kailangan nito sa amin, baka mamaya masamang tao pala to, pero di naman makikita sa muka niya na masama siya, in fact gwapo nga sya eh! pero mas gwapo si Daniel hehehe!  Ehhh di ako kinikilig kapag naaala ko si Daniel, slight lang




"Sorry, Hindi kasi kita kilala" ang sagot ko naman, napakamot naman siya sa batok niya




Bakit ba  lahat ng lalaki mahilig mag kamot ng batok!




"Ah, Oo nga naman, by the way I'm Justin Rodriguez, bestfriend of Daniel" sabi nito




Sa narinig ko sa kanya mukang katiwala katiwala naman ito, Hindi lang pala si Vince at Kyle ang bestfriend ni Daniel






"I see, I'm Brylle Corpuz" sabi ko sabay lahad ng kanang kamay ko, tanda na makikipag shake hands ako at nakipag shake hands naman siya, Napawi naman ang tingin ni Justin Kay Danica na kinagulat ko dahil grabe talaga sila mag-titigan





"Kamusta kana, EX!" ang narinig ko mula Kay Danica




Wait ex, ex mean mag-ex, teka! Kailan pa, silang dalawa





"Hindi ka parin nag-babago Danica, palaban ka parin, gaya ng dati, kaya nabihag mo ang isang Leon na kagaya ko" sabi ni Justin sabay pakawala nang nakakalokong ngiti





Ang dami namang eksena nito, pero paano nga ba sila nagkakilala





"Sorry! kasalanan ko ba na na akit ka sa ganda ko" palaban naman na sabi ni Danica, "Let's go Brylle" sabi ni Danica sabay hila ng braso ko, Mukang may bad past tong dalawa




"Uy! teka wait" sabi naman ni Justin, Napahinto naman kami ni Danica




"Bakit ba! ano bang kailangan mo"  pasigaw na sabi ni Danica kaya naman yung mga tao na malapit samin ay tumingin samin





"Okay, calm down Danica"sabi ko naman, sabay tapik ko sa balikat niya




"Justin, ano bang gusto mong malaman" tanong ko dito




"About sana sa inyo ni Daniel, in the first place wala talaga akong alam, syempre bilang kaibigan niya gusto ko rin siya maintindihan" sabi ni Justin "Pumunta nalang tayo sa isang resto"  pa-anyaya niya




"Libre mo" singit naman ni Danica, hays kahit kailan talaga



"Tulad ka parin ng dati" sabi naman ni Justin sabay ngiti




Agad naman kami nag lakad at nakasunod lang kami ni Danica sa kanya pumasok kami sa isang resto dito sa mall at umupo na, Inabot narin samin ng waiter ang menu




"Ano ang order niyo" sabi samin ni Justin



Di parin naman ako nakakapili Parang ang sosyal kasi ng mga pagkain dito, puro steak di pa naman ako sanay sa mga ganito




"Kung ano nalang sayo, yun nalang din yung akin" sabi ko, ngumiti naman si Justin at tumango, tumingin naman ito kay Danica



"How about you Danical sabi nito,  napatingin naman ako Kay Danica




"isang pork steak nalang, at mayo salmon grills" sabi nito





At nang makuha naman ng waiter ang mga order namin ay umalis na ito, Habang kumain kami ay na ikwento ko na Kay Justin yung tungkol samin ni daniel at sa totoo naming goal




"So, you mean, nag-papanggap lang talaga kayo, hindi talaga kayo in-relationship" sabi ni Justin




"Parang ganun na nga" tipid kong sagot





Mukang mabait naman si Justin kaya napanatag din ako sa kanya, Dumating narin yung foods namin at nag umpisa na kami kumain, Nang bigla mag ring ang phone ko




Phone ringing... Si James pala buti naman nag-paramdam natong tao nato



"excuse me lang guys, sagutin ko lang to ha" sabi ko sa kanila at tango lang ang sinagot nila sa akin, At lumabas na ako



...



Danica POV...


Syempre ang awkward lang ang namagitan samin ni Justin, pareho lang kami walang imik at patuloy lang sa pagkain, Malaki kaya ang naging parte nitong Justin na ito sa buhay ko, paano ehhh! EX BOYFRIEND ko siya, Iwan ko ba kung bakit ko pinatulan ang ugok na to, At kung iniisip niyo kung bakit kami nag-hiwalay, paano babaero





"Kamusta kana" panimula ni Justin, Kailangan lang na ipakita ko sa kanya na naka move-on na ako



Promise naka move-on na talaga ako!




"Okay lang, ikaw kamusta na" tama kailangan lang chill lang ako




Ohh diba palaban ang ateh niyo, Hindi ako mag papadala sa charming nitong si Justin





"Katulad parin ng dati" sagot nito




"Dati? Na ano? babaero! mag-tataka paba ako" sagot ko, sabay irap sa kanya, Nagsasabi lang ako ng totoo





Ngumiti naman to sakin, ano ba ang iniisip ng lalaki nato,Wait teka, bakit siya nakatingin sa dibdib ko at nag li-lip bite pa siya




Wait pinag papatansyihan niya ba ako! I'm you're biggest nightmare Justin



"Bastos" sabay tayo ko "kita mona, wala ka paring pinag-bago" sabi ko, Sabay alis sa pwesto namin, Argh!!!! Ala akong paki-alam kong pinag-tiningan kami ng mga tao basta ako in a major major walk out





Nang makalabas na ako, nakasa lubong ko si Brylle "Teka aalis kana, di pa nga ako tapos kumain eh" sabi nito sa akin




Ano babalik pa kami sa loob NO WAY!!!




"Hindi na tayo babalik sa loob Brylle, sa iba nalang tayo kumain" sabi ko, sabay hila sa kanya






Bwesit yung Justin na yon!


THE BRO-GOALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon