Kabanata 3

46.1K 1.1K 87
                                    

Sinindihan ko ang aking sigarilyo at sumandal sa dingding. Nandito ako sa likod ng building para manigarilyo. Lunch break ngayon at wala akong ganang kumain. Nabusog kasi ako kanina sa tinapay at Milo, eh.

Naisip ko, kahit nakakatakot ang eskwelahang ito ay normal naman pala ito higit pa sa inaakala ko. Lumang-luma na kasi ang mga building at idagdag pa na ang dilim-dilim ng kalangitan sa parteng ito. Ang ipinagtataka ko lang ay ni hindi ko man lang nababalitaan na may ganitong school dito sa lugar namin. Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga, eh, 'di matagal na akong pumapasok dito. Mukha namang walang maangas sa school na ito eh. Kanina nga no'ng dumaan ako sa hallway ay para bang iniiwasan nilang makasalubungan ako ng tingin. Bakit kaya? Masyado na ba talaga akong guwapo na hindi nila kayanin na tingnan ako? Hay Ivo, the best ka talaga.

Nang matapos akong manigarilyo ay itinapon ko ito at tinapakan. Umalis na ako sa pagkakasandal at lalakad na sana ako paalis nang biglang may dumating na limang lalake. Hinarangan nila ang dinadaanan ko at mukhang naghahanap sila ng gulo. Nasa gitna nila ang isang lalake na may malaking pangangatawan. May kulay pula siyang buhok at singkit ang kanyang mga mata. Ang apat naman niyang kasama ay may mga weird ding kulay na buhok. Mukha silang rainbow kapag pinagsama-sama.

"Anong nakakatawa?!" sigaw sa akin no'ng lalakeng may pulang buhok ng makita niya akong tumawa.

Tumigil ako sa pagtawa at masamang tumingin sa kanya. "Ikaw at ang mga alipores mo ang nakakatawa," nakangising sabi ko sa kanya. "Ikaw, mukha kang manok dahil sa pulang buhok mo. At ikaw..."–itinuro ko 'yung lalakeng may dilaw na buhok–"...mukha kang sisiw dahil d'yan sa dilaw mong buhok..."–itinuro ko naman 'yung tatlo pang lalake na may pink, violet at brown na buhok–"Kapag pinagtabi-tabi naman kayong tatlo, para kayong tig-iisang scoop ng ice cream."

Nakita ko naman kung paano unti-unting sumama ang mga itsura nila dahil sa galit. Napangisi na lang ako. Siguro hindi talaga puwedeng hindi ako mapapaaway sa unang pasok ko sa eskwelahan. Para bang nakadikit na 'to sa sistema ko at hindi ko na maaalis pa. Hindi ko naman kasalanan na mapaaway ako. Sila ang unang lumalapit at inaangasan ako. Ang pinakaaway ko pa naman sa lahat ay ang inaangasan ako at ipinapakita sa akin na para bang ang galing-galing nila pero kapag kinalaban ko na ay wala na silang magawa pa.

"Ang yabang mo, ah! Por que kabilang ka sa Royal Class, ang angas mo na! Bakit? Sino ka ba? Ah, baka bagong aso ng Royal Class?"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi muna ako nagsalita para pakalmahin ang sarili ko pero isang salita pa niya manlalagas ang ngipin niya sa suntok ko.

"Alam ko na Boss, baka tagapaglinis siya ng room ng Royal Class." Sabay-sabay silang tumawa.

Ngumisi ako at madilim na tumingin sa kanila. Tumigil sila sa pagtawa at sabay-sabay na tumingin sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang pinapalagutok ang buto ko sa aking kamao.

"Maikli ang pasensya ko sa mga ganitong bagay at ayokong dinadaanan palagi sa salita. Kung kaya kong tapusin gamit ang kamao ko, gagawin ko. Ayoko sa mga taong puro salita pero sa huli ay wala rin naman palag magagawa." Paatras din sila ng paatras habang lumalapit ako. "Tangina. Nasaan ang tapang ninyo? Wala pa akong ginagawa. Bakit hindi pa kayo sumugod? Gusto niyo akong bugbugin, hindi ba? Gawin niyo na." Dumipa ako na para bang wine-welcome ko pa sila.

"T-talagang ang yabang mo ah! H-hindi ka namin aatrasan!" nagkakanda-utal na sabi no'ng lalakeng may pulang buhok.

Napatawa na lang ako dahil sa ipinakita niya. Ang angas-angas niya kanina pero ngayon naman nag-aalangan siya kung susugod ba o hindi.

"Boss! Ano pang hinihintay mo? Sugudin na natin 'yan! Wala namang magagawa sa atin 'yan dahil nag-iisa lang siya!" rinig kong sabi no'ng lalakeng may brown na buhok.

Rosario AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon