11

72.7K 1.6K 11
                                    

~IKALABING ISANG  KABANATA~



"Here" abot saakin ni nathan ng sandwich..

Nginitian ko ito bago iyun tinanggap..

Dahil maaga panaman ay napag desisyunan naming tumambay muna sa isa sa mga punong, napapalibutan ng building ng rooms.. sa ERU

Nakakatuwa at kaka transfer lang pala ni nathan kahapon..

Si Nathan ay kababata kong kaibigan.. sya ang nagsilbi kong tagapag tanggol nuong bata palang kami..

Lagi kasi ako inaapi ng mga kaedadan kong bata..

Pero iba si nathan lagi nya ako pinagtatanggol sa mga batang inaaway ako.. aksyuli kaya ko lang naman nakilala si Nathan dahil naging labandera nila si inay noon..

Nawala lang ang communication namin nung nag migrate ang pamilya nila sa canada..

At nakakagulat talaga na makikita kusya dito pa mismo sa campus ng ERU..

Nasa ikaapat narin ito ng grado sa koleheyo sa kursong medical..

Nakakatuwa nga at mukang tutuparin nya talaga ang pangarap nya..

since we were young ang pag ddoktor na nito ang pangarap at matapos and I'm one of those people who gonna be happy if he really did..

napakatalino nito at napaka approachable na pasok na pasok sa qualifications ng pag ddoktor. 

"How are you daffy?"  Masayang tanong sakin ni nathan..

i feel more shy when he suddenly smiles like that, napaka laki kasi ng pinagbago nito..mula sa kulay at pananamit..

gwapo na ito nuong bata kami ngunit mas gwapo pa ang binata ngayon..

"O-okay lang naman ako.. ikaw?  Bakit dikamanlang dumalaw saamin ng dumating ka dito sa pinas?" May bahid ng pagtatampo ang boses ko..

Bigla itong ngumiti ng matamis saakin at pinisil ang pisngi ko..

Dinaman ganuon kasakit ngunit nahugutan ata ako ng hininga dahil sa lambot, lamig at bangon ng kamay niyang pumisil saakin

"Hyst.. you're still the daffy that I've known" may lambing sa tinig nito..

niiba nya ang usapan..

Instead na gumanti ay.. nginitian ko rin sya ng bukal saking kalooban..

"And so you are?"

Napatulala ito saakin ng ilang minuto.. kaya Nagtataka akong napatingin sakanya..

"Why?" Taka kong tanong..

Napakurap ito ng apat na beses bago dahan dahang pinakawalan ang pisngi kong kinukurot nya..

"N-nothing.." anyang sagot ngunit hindi na makatingin ng diretso saakin..

Napansin kong namula ang tuktok ng teynga nito..

Na labis kong ipinagtaka..

Pati ang magkabila nyang pisngi namula din..

"Nathan may sakit kaba?" Takang tanong ko sakanya.. natataranta at nanlalaki ang mga mata itong bumaling muli sakin..

"M-me? N-no?" Depensa nya sa kanyang sarili at hinawakan pa ang magkabilang pisngi sabay nguso at nagpalipat lipat na ang tingin kung saan saan, napaypayan panga ang sarili..

Napatingin ako sa kalangitan kung mainit ba ang klima... malilim naman..

Kaya nahihiwagaan akong tumitig kay Nathy.

Hhmm.. ang huli kong naaalala ng magkaganyan sya noong.. may babae syang pinagtapatan ng nararamdaman.. at noong na allergy sya sa pagkain ng bubble gum..

Teka..

"Teka.. kumain kaba ng bubble gum nathy? Alam mo namang allergy ka dyan diba..?" Kunot noo kong tanong..

Agad naman itong umiling..

"N-nako hindi aa.. it just humberger and drinks the same with you."  sagot nito..

tumango ako dito ngunit nahihiwagaan parin sa pamumula ng pisngi nito..

"okay? napaka pula na ng pisngi mo nathy..naiinitan kaba? tara na at masyado rin naman mainit ang singaw ng lupa" aya ko dito .

tumango ito bago lihim na bumuga ng hangin..

"anyway Daffy tour me later, I can't still know this school" anyang pakiusap nito..

"yeah" sagot ko dito..

"hey I'm gonna go first may nakalimutan ako sa dean office haha bye" paalam nito..

"alam mo naba kung saan papunta?" tanong ko dito..

mabilis itong tumango at nginitian ako ng matamis, ginulo nito ang buhok ko.. at nagtatakbo paalis sa tinatambayan namin..

Ang lalaki talagang ito!, ngunit wala sa sariling napangiti ako sa sarili at hinawakan ang buhok na ginulo nito, ang kaibigang iyon ,hanggang ngayon ay ito parin talaga ang Nathy na kilala ko..

Jolly, mabait at palangiti..

Naiiling kong inaayos ang buhok ng mahagip ko ang mga mata ni Marcus sa may di kataasan building sa kanang bahagi ko..

Malapit sa bintana.. naka halukipkip ito na waring kanina pa kami pinapanuod..

para akong pinag bagsakan ng yelo sa lamig ng sa unang pag kakataon, nakatitig lang ito sa akin ng hindi ngumingiti

Seryoso lang ito at walang imusyong mababasa..

Mahina akong napabuga ng hangin at dahan dahang nag yuko ng ulo bilang pagbati..

At dali daling nilisan din ang lugar..

God.. nakalimutan kong ikwento kay Nathan ang about sa BRS kaylangan ko itong balaan about sa Rules ng school!

Siguro naman bago ito nag transfer dito ay alam na ni Nathy iyon?

Hmm..paalalahanin ko ito kung sakali hindi nito alam o baka nakalimutan na nito, ang isang panaman iyon ay masyadong happy goes on..

kahit nakakatakot na ang paligid makukuha pa nito ma kuryuso at tumawa..

sanhi para magalit sakanya lalo ang mga kaaway..

At ayaw kong umabot na may magawa nga ito na hindi maganda at ang masaklap pa ay ang magkasalubong ang landas ng BRS at si nathan..

Natatakot ako para sa matalik kong kaibigan, baka mapatay sya ni marcus..

Base sa pag iitindi ko sa ugaling meron si Marcus, napaka inipin at maikli ang bisig ng paunawa..

Pilyo ngunit nakakatakot kung sumeryoso..
Tahimik ngunit nakakakilabot kung ngumiti..

Sa maikling salita..

Hindi mo maiitindihan ang isang Marcus Tolentino...

Hindi pwede, hindi pwedeng mapahamak ang kaibigan ko sa mga ito...

Kaya ako na ang maglalayo sa mga landas ng dalawa..

Si Nathan lang ang kaylangan ko ngayon, dahil mukang wala ng pag asa akong magkaroon ng mga kaibigan sa kampus na ito..

Kundi si Nathan lamang...

Si nathan na protector ko na noon ako naman ang magiging shield nito ngayon

Napabuga ako ng hangin,at pilit inaalis ang mga naiisip at mabilis na inayog ang ulo nag babakasakaling lumisan ang kung ano anong pumapasok sa utak..


Curse that!

Bulong kopa..

He's obsessed on my body (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon