Chapter 6 (Invitations)

117 3 0
                                    


Nabagabag si Red sa mga nalaman kay Venus bakit tila alam nito ang pagkatao niya. Sino ba ang babae?

"Oh tila tahimik ka mahal?" sita ni Jodi.

"Iniisip ko lang ang mga sinabi ni Venus."

"Huwag ka nga makinig sa mga sinasabi ng babaeng iyon malamang nag-i-imbento lang iyon ng kwento para makahuthot ng pera sayo."

"Hindi naman siguro."

"That was exactly you said nang may lumapit na lalake sayo at sinabing kilala ka niya. Tapos nagkwento pa siya ng kung anu ano tungkol sa buhay mo na hindi naman pala totoo lahat at hiningian ka pa ng 20,000. Marami ang magkakainterest na lokohin ka Red dahil sa pera mo at gagamitin nila ang amnesia mo!"

"Sorry, maybe you are right."

"Anyway,let's go may meeting ka pa with the engineer and architect."

Muntik niya na makalimutan ang meeting sa mga engineer at architect. Nagbihis siya ng suit at hinarap ang mga engineers na makakatrabaho niya sa pagrenovate ng resort. Balak niya pa kasing gumawa ng water activities sa resort niya.

"Balak ko sanang magpagawa ng mga slides sa mga pool areas" umpisa ni Red.

"Sir,pwede naman po. Here we have propose designs na pwedeng gawin para sa mga pool areas" sabi ng architect.

"Don't worry about the construction maaasahan ang mga tauhan ko pagdating sa bagay na 'yan sir" ani ng engineer.

"Good! Gusto ko simulan niyo na ang pagtatrabaho sa lalong madaling panahon. I don't want to waste my time dapat tuloy tuloy rin ang trabaho ninyo."

"Yes sir."

"Good and about the salary don't worry I have contructs here basahin niyo na lang then sign it para wala na tayong problema."

Matapos niyang makipagmeeting with the engineer and architect ay nakipagmeet naman siya sa kanyang private investigator.

"Ano na ang balita,may nalaman ka na ba sa pagkatao ko?"

"Nagtanong tanong na ako sa karatig bayan pero hindi ka nila nakikilala."

"Ganoon ba. May ipapaimbestigahan ako sayo si Venus Athena Herrera. Gusto ko malaman ang pagkatao niya."

"Sige sir."

"Good. Sige magkita na lang tayo kapag may balita ka na."

Bumalik na siya sa opisina. May sarili kasi siyang opisina sa loob ng resort. Marami pa siyang gagawin para sa annual beach gathering. Isa itong malaking event sa resort nila kung saan ang lahat ng mga bisita nila magsasama sama sa tabi ng pool at magkakaroon ng party.

Nag-iimbita din siya ng magaling na DJ para sa gaganapin na party.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nagbabonding sina Venus, Pitt at anak nitong si Pivens sa may beach.

"Pitt,put a little sunblock on Pivens before you go swimming" ani Venus.

"Alright."

Pinapanood niya lang ang
mag-ama habang kinakarga ni Pitt ang anak sa tubig. Natutuwa siya para sa kaibigan dahil natututo na ito mag-alaga sa anak dahil masipag itong magbasa ng mga modules na binibigay niya rito.

Mayamaya nagulat na lang siya nang lapitan ni Jodi.

"Can we talk?"

"Speak."

Goddess Sting 2Where stories live. Discover now