CHAPTER 4

10 1 0
                                    

HEART’S POV

Search search search…

Kanina pa ko pindot ng pindot sa keyboard ng laptop ko, hindi ko pa rin makita ang FB account ni kris.

Tagal naman ng net, nagsesearch ako sa answers.com ngayon. Tinype ko “LIST OF SIGNS THAT YOU LIKE SOMEONE”

Ano daw?haha! paki niyo, wala akong matanong. Pag si amy kung ani anong signs ibibigat nun. baliw yun e.

Kanina pa umiikot tong cursor, naiinip na din ata sa answer ni answer. Haha! yan tumigil na!

SIGNS THAT YOU LIKE SOMEONE – RELATED TOPIC okay, pwede na to.

1.       rapid heart beat

2.       awkward feeling

3.       blushing

4.       out of focus

5.       goose bumps

6.       freezing

ano daw? Seryoso ba to? Nagtype ako “seriously” done!

Sumagot. Absolutely!

Napahalumbaba ako sa harap ng pc. Tapos biglang sumulpot sa harap ng PC si kris, nanlaki mata ko!

“what are you up to? Research pa din?” sabi niya,

Nakatingin lang ako sa kanya, super bilis ng tibok ng puso ko. sign one rapid heart beat check! Ang awkward naman kasi ng pwesto niya, nasa harap ko lang siya oh. Awkward feeling, sign two check! Oh my geeeee!

“ah e, hindi. Other subject matter” sagot ko,

“about?” pangungulit niya habang napatong yung baba sa taas ng pc, ang kyot niya @_@

“about my mom’s project” naka smile kong sagot, oh my! Wrong answer hearty! Napatungo ako, isip ng palusot heart, issssiiiiip!

Out of focus sign number four check!!! This is really insane,

“okay ka lang?” bulong sa akin ni kris mula sa likuran, napalayo ako kasi naman nagtayuan balahibo ko, yung hininga niya kasi!!

Sign number 5,check! Goosebumps

Nakatitig lang ako kay kris, kasi naman ang konsensya ko dinaig pa ang professor ko sa physics na paboritong gamitin ang word na CHECK! Tuwing may tamang sumasasgot sa kanya.

Hingang malalim, wala ka ng lusot HEART, naninigas na ko. kung anong dahilan, maalin sa presence ni kris o sa aircon ng library.

“OH NO!” Mahina kong bulong. Sabi kasi sa karatula sa pinto ng library “NO AIRCON TODAY DUE TO DAMAGED UNIT” napahawak ako sa mukha ko.

Sign #6,check! “FREEZING”

“aahhhh! Tama na! ayoko na”

Wala sa loob kong sigaw, sabay tayo sa kinauupuan ko.

Parang domino effect na nagtinginan saken lahat ng tao sa library. Kasama na si kris na halatang nagulat sa ginawa ko,

Stupid heart! Lusutan mo to, isip.. isip!

Kinuha ko yung book na binabasa ko, “aahhh! Tama na! ayoko na.. sabi ng biktima, tapos hinila siya ng murderer at…”

Tumingin ulit ako sa lahat, “ano ba yan, bitin pala tong novel na to! Hahaha!” tumawa ako ng malakas sabay upo ulit.  Nagsibalikan na sa kanilang mga ginagawa yung mga co-students ko, im safe!

GOSH! Ano ba yung ginawa ko, to the maximum level of embarrassment!

“novel na pala ngayon ang GEOMETRY?” kunot noong tanong ni kris habang nakatingin sa librong hawak ko.

“hihi” tipid kong sagot.

“okay ka lang talaga?” woooaah! Worried talaga siya saken? Umalis ka na please!!!!!!

[babe babe babe!]

Biglang may babaeng nagsalita? Lumingon ako sa likod, wala. Sa harap, si kris. Si kris na nagkakalkal ng bag niya, palakas na palakas yung babaeng malandi ang boses. Ewww!

[babe babe babe!] paulit ulit unlimited?? Sino ba kasi.. natigil ako sa paghahanap sa boses ng iangat ni kris yung cp niya, dun nanggagaling yung malanding boses!

Lumayo si kris bago sinagot yung talking parrot sa cellphone niya, babe babe!

Tumingin ako kay kris na busy pa rin sa pakikipag usap sa maarteng babaeng tumawag sa kanya, teka bakit ba nangingialam ako? at tsaka ringtone yung narinig ko, bakit kung makapag conclude ka HELENA ARYANA TIM ay parang nagseselos ka? Haist!

Papalapit na ulit saken si kris, nabingi siguro sa kausap niya. hahahaha!

“I have to go, see you around” ngumiti siya exposing his whole white perfect lined teeth.

“okay” nakasmile kong sagot sa kanya, exposing my whole not so proportioned teeth with matching silver bakods (braces) -_____-

“Ang cute mo talaga” bigla niyang sabi sabay pisil sa pisngi ko bago tumalikod.

Nanlalaki ang mga mata ko, habang pinapanuod ko siyang lumalakad papalayo. Tas hinawakan ko ang pisngi kong pinisil niya, ang init nun. grabe!

Dali dali kong kinuha ang salamin ko at tiningnan ang sarili ko. IM SOOOO RED!

“sign number THREE BLUSHING! Gotcha bebe!”

“AY KABUTE!”

Sa dami ng makakakita sa reaction ko. si AMY pa! patay ako dito,

“gusto mo si kris?”

“no!”

“bakit nagblush ka nung pinisil niya cheeks mo?”

“masakit kaya!”

“bakit ka nagreresearch nito?” sabay turo sa monitor ng computer,

“for our research, remember?” palusot ko pa din, iraraos ko to hanggang tigilan ako ng luka lukang to.

“love ang hinahanap natin, hindi crush!”

“san ba nagmumula ang love di ba sa crush muna?”

“hmmm e di crush mo nga si kris?”

“HINDI!”

“okay, heart kapag itong lahat ng listahan na to nakumpleto mo dahil kay kris. POSITIVE!” kilig na kilig na niyakap ako ni amy.

Kung alam mo lang amy. I just finished all of it in one day,  ano ba kasing klase ng ispiritu ang sumapi saken? Im used to avoid guys dati pa, nakakakilos ako ng maayos. pero pag si kris na ang kaharap ko parang nagugulo ang mundo ko, to think na one week pa lang kaming magkakilala.

Ispiritu ng kalandian layuan mo ko!

“bebe I think your inlove with kris!”

“agad agad?!”

“oo, aamin ka din. normal ka bebe! Normal ka!”

“im normal. Since birth AMETHEA”

Hindi ko maintindihan ang mga taong nagmamadaling mainlove, isa na tong kaibigan kong to. Ano ba kasing nadudulot ng LOVE na yan sa opposite sex na hindi mabibigay ng mga magulang ko o ng mga kaibigan ko, why do I have to fall inlove kung sa huli masasaktan at iiyak lang din ako tulad ni mommy?  

LOVE RESEARCHWhere stories live. Discover now