Kabanata Five

7K 198 23
                                    

Kabanata Five - Still

HERAs POV

Ilang araw din ako nag-stay sa hospital at tanging si Lightning lang ang nag-alaga sa akin. Hindi talaga ako dinalaw ni Zeus.

Tek— bakit pa ako nag-eexpect sakanya. Ngayong araw ang labas ko sa hospital. Tinawagan naman daw ni Lightning si Zeus pero hindi naman daw sumasagot kaya siya nalang ang-representang mag-hatid sa akin sa bahay.

"Sure kabang magiging okay kalang doon?" tanong ni Lightning habang nag-iimpake ng gamit ko

"Oo naman" sabi ko sabay ngiti. Masyado talaga siyang nag-aalala sa akin.

I heard him sigh at tinulungan ako sa pagbitbit ng aking mga gamit.

Nang makapasok kami sa sasakyan ay nag-tanong ulit siya sa akin na siyang ikinatawa ko.

"Okay lang talaga ako, Lightning. Wag kang mag-alala" I assured him.

"Just don't forget to drink your medicine. Eat a lot of fruits and vegetables para maging healthy si baby" paalala nito sa akin. Humarap naman ako sakanya at sinaluduhan siya

"Yes po sir" sabi ko

"Para naman akong naging sundalo niyan" sabi niya habang tumatawa

Sa buong biyahe puro tungkol lang sa baby ang pinag-uusapan namin hanggang sa makarating kami sa bahay.

Bigla naman akong kinabahan ng makita ko ang labas ng bahay namin.

"Are you really sure na ayaw mong mag-pasama sa akin?" tumango lang ako sakanya at tuluyan ng pumasok sa gate ng bahay.

Nakita ko naman ang sasakyan ni Zeus kaya bigla akong kinabahan.

Dahan-dahan kong pinihit ang pinto at tumambad sa akin ang napakalinis na sala. Pumasok ako ng dahan-dahan at pumunta sa kwarto ko

Nandito ang sasakyan ni Zeus pero nasan siya?

"ZEUSS—-" nagulat naman ako ng may marinig akong sigaw na nanggagaling sa labas. Tiningnan ko ang bintana at nakita ko sina Zeus at Mnemosyne na nakayakap.

Sila pa din pala? Matapos malaman ni Zeus na may anak siya sa akin, sila padin pala. Sinabi kasi sa akin ni Lightning na di niya sinasadyang masabi kay Zeus na buntis ako.

Humiga nalang muna ako sa kama para makapag-isip hanggang sa dalawin na ako ng antok.

———-

"Hmm" napadilat ang aking mata ng may yumugyog sa akin

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Bigla naman niya akong sinamaan ng tingin at itinuro sa akin ang isang tray ng pagkain

"Alam kong masama ako sa tingin mo dahil pumatol ako sa asawa ng may asawa pero mahal ko siya, Hera. Nag-mamahalan kami, alam mo yan. Nakokosensya ako pero- mahal na mahal ko talaga siya" tumayo ito at iniligay ang tray sa higaan ko

"Alam ko, mahal niyo ang isa't-isa at alam kong habang nandiyan ka patuloy ka parin niyang mamahalin" sabi ko. Nasa pintuan siya ng humarap siya sa akin

"Bakit papatayin mo ba ako?" tanong nito na ikinatawa ko

"Kung pwede lang pero hindi ako ganung tao. Habang nasa akin ang apilyedo ni Zeus. Isa ka paring kabit." sabi ko. Hindi ko naman nakita ang reaksyon niya dahil nakatutok lang ako sa tray.

Narinig ko naman ang pagsara ng pinto kaya napahawak nalang ako sa puso ko. Tama ba ang ginawa ko? Ang sabi ko mag-papakamartyr ako.

Nag-desisyon nalang akong kumain at inimon ang vitamins na binigay sa akin ni Lightning.

Umaga na pala, mas mabuti sigurong mag-lakad lakad muna ako ngayon para naman makalanghap ako ng sariwang hangin.

Lalabas na sana ako ng gate ng hilahin ako ni Zeus.

"Saan ka pupunta sa lalaki mo?" tanong nito. Umiling naman ako at pilit na kumakawala sa pagkaka-hawak niya. Ano bang problema ng lalaking ito?

"Mag-papahangin lang ako sa park" sabi ko. Nagulat naman ako ng lumabas siya ng bahay

"Sasama ako sayo, baka kung saan ka pa pumunta. Makita ka ng mga kapitbahay diyan" sabi nito tyaka nauna nang mag-lakad. Napaka-gwapo talaga ni Zeus kahit nakatalikod lang siya. Kaya mas lalo akong naiinlove sa kanya eh.

Nang makarating kami sa park ay dumiretso lang ako sa swing at umupo. Maaga pa naman kaya wala pang masyadong bata ang nandito.

Nakita ko naman si Zeus na umupo sa lilim ng puno. Kahit may trabaho pa siya mamaya, sinamahan niya parin ako. Kahit nasasaktan ako sa rason niya dahil hanggang ngayon wala padin siyang tiwala sa akin. Ays lang basta makasama at matanaw ko lang siya ng isang araw.

"Hera" napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"Ate Marie" tumayo ako sa pagkaka-upo at niyakap si Ate Marie. Si Ate Marie ay kapitbahay namin dito sa village na tinitirhan namin. Siya ang una kong naging kaibigan dito kaya lang simula nung magka-anak siya at nag-katrabaho ay naging busy na siya kaya di na kami nag-kakausap.

"Kamusta ka na?" tanong niya nang makawala kami sa yakap

"Ayos naman ako" sabi ko sabay nguso sa tiyan ko

"Nakita ko nga, Congratulations at wag ka mag-papagod" sabi nito tyaka tinawag ang anak niya

"Mic meet your Tita Hera" pakilala niya sa akin sa cute na batang si Mic. Napaka-laki ng pisngi nito na ang sarap kurutin.

"Ang cute naman ni Mic" sabi ko. Kinarga naman niya si Mic at ngumiti

"Siyempre mana sa ina. Nga pala kamusta na kayo ni Zeus?" tanong nito. hays! Eto talaga ang tanong na parati kong iniiwasan.

"Okay naman kami" sagot ko sa tanong niya tyaka tinuro si Zeus na nakapikit parin ang mata. Mukhang nakatulog na nga ito. "Sige, gigising ko na muna siya, mag-tatrabaho pa kasi siya" paalam ko sakanya at pinuntahan na si Zeus

"Zeus gising na" yugyog ko dito, agad naman siyang nagising at napatingin sa paligid. Mukhang nakalimutan ata niyang sinamahan niya ako dito. "Tara na, malalate kana" sabi ko, tinanguan lang niya ako tyaka tumayo.

Hinayaan ko nalang siya na mauna nang mag-lakad. Umalis nadin naman sina Ate Marie kya okay lang. Hays! Zeus, parati na lang ba tayong ganito?

****

Hera: The Marytr Wife Where stories live. Discover now