1. The Beginning

23 0 0
                                        

***


"Sorry.. Pero mahal ko yung trabaho ko.. Itigil na natin to. Napapagod na ako, ayoko na. Isa ka lang sabagal.. Sorry..



--

Mga salitang binitawan ko. Dahilan para ngayo'y pinagsisisihan ko na to.


It's been 2 years already. Siguro nga nakalimutan na niya ako. Simula din nung naghiwalay kami, after 1 week wala na kaming communication. I didn't saw him after we talked that day. Then here I am..



"Ate! May exam na po namin next week, magbabayad na po ako ng maaga" sabi ng kapatid ko na biglang pumasok sa kwarto ko. I have two siblings, si Papa nalang ang nagpapaaral sa kanila simula nung namatay si Mama. At ako ang nagbabayad sa mga exams para di naman masyadong mabigatan si Papa sa mga gastusin.


"Sige bibigyan kita mamaya, labas na dito sa kwarto ko at kumain na tayoooo" sabi ko sa aking kapatid na si Aviana tsaka lumabas ng kwarto sabay tulak ng mahina sa kanya habang pababa na kami ng kusina.


Pagbaba namin ay nakita ko naman ang isang kapatid kong lalaki na si Avious. Kambal sila, babae at lalaki. Namatay si Mama nung 15 years old ako, at sila naman 10 years old. Now I'm 19 years old and 14 naman na sila.


"Ate kain na po tayo, maaga ka pa pupunta sa work mo diba?" sabi ni Avious habang nakangiti sakin. Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Nagapapasalamat talaga dahil napalaki sila ng maayos. Mabait, masunurin at di din naman nila ako pinapahirapan.


"Oo maaga pa ang work ko at maaga din ang pasok ninyo kaya kumain na din kayo diyan. okay po ba yon??" sabi ko sa kanila sabay ngiti, tsaka naman na lumabas ng kwarto si Papa.


"Pa kain na po kayo"


Si Papa naman ay may trabaho din. Isa siyang secretary sa kompanyang pinagtatrabahuan niya. Kaya masasabi ko naman na, may kaya ang pamilya namin.


Nang matapos na kaming kumain ay agad ng kinuha ng aking mga kapatid ang mga bag nila tsaka nagpaalam kay Papa.

"Bye, Pa! Loveyouuu" sabay na sambit nila tsaka hinalikan si Papa sa pisngi.


"Take care, lovies. Ayusin niyo pag-aaral, okay? Arylle Ryleigh, ihatid mo na ang mga kapatid mo. Mag-ingat kayo. Love you" sabi ni Papa sabay halik sa noo ko. He's such a good father. I couldn't ask for more. Sila ang buhay ko.


"Of course naman Daddy Vansel Viceri, II. Okay po ba yon? Tawagan pala to ng buong pangalan ha hahaha bye Dad!" sambit ko sabay halik sa pisngi ng Daddy.


Lumabas na kami ng gate at sumakay na sa kotse kasama ang mga kapatid ko. Habang tumatakbo ang sasakhan ay nagpapatugtog ako ng mga Spongecola and Callalily songs. They're my favorite bands!

"Pag mahal mo, ipaglalaban mo ba kahit iba na yung mahal niya?" biglang sambit ni Aviana.

Saan naman nakuha ng mga batang to ang mga pinagsasabi niya?


"Hoy Aviana, anong mahal mahal yang pinagsasabi mo? Umamin ka nga. May boyfriend ka na ba? Ha?" pasiga kong tanong sa kanya na dahilan para tumawa ang kambal niyang si Avious.


"Wow ate! Hindi noh! Nagdedebate kasi kami dun sa room eh, hugot hugot ganern! Ikaw ate, sagutin mo nga yung tanong hehehe"


Napatigil naman ako sa sinabi ni Aviana. Tong batang to talaga.

"Aba ewan ko sa love love na yan. Ang babata niyo pa, aral muna" seryoso kong sambit sa kanya

"Oh ayan Bal ha. Aral daw muna, wag na asa kay crush mo hahaha" pagtutukso naman ng kambal niya at natawa nalang ako.

Hays. Ayokong pumasok muna sa pag-ibig ang kapatid ko. Ayokong mangyari sa kanila ang nangyari sa amin. Nagdadalaga at nagbibinata na ang mga kapatid ko, naku naku.

"We're here.. Oh eto yung pambayad mo sa exam niyo. Aral ng mabuti okay? Wag muna love love na yan. You're still young" sabi ko sa kanila sabay abot ng pera.

"Yes yes Ate, crush lang naman eh, inspiration! Hahaha love youu" sabi ni Aviana sabay hug sa akin at humalik sa pisngi ko

"Thanks Ate. Una na po kami ha, ingat sa work, love you!" sabi naman ni Avious sabay halik din sa pisngi ko tsaka bumaba na sila ng kotse. Nang makita kong nakapasok na sila sa gate ng school ay agad na akong umalis para tumungo sa company namin.

Nang makarating na ako ay pinarada ko ang kotse sa parking lot at pumasok na sa company.

"Goodmorning, Ma'am Arylle" bati ni Kuya Jomie, ang security guard ng company na close ko. You know, I'm friendly. Hmm self proclaim yon hahaha

"Goodmorning, Kuya Joms!" bati ko din sabay kindat at tumungo sa office ko.

Nang maupo na ako ay may kumatok na agad na isang employee

"Come in!"

"Goodmorning, Ms. Arylle, pinapasabi po ni Ma'am Finley na kayo daw po muna ang bahala sa mga new employee kasi absent po kasi yung Supervisor natin kaya ang Assistant CEO nalang daw po ang bahala" pagpapaliwanag ni Nadia na isa sa mga employees dito.

"Hahayyy. Sige sige akin na yang mga documents nila ng makilala ko" sabi ko sa kanya sabay bigay niya ng mga folders ng mga new employees

"Thank you po, Ma'am" sabi niya tsaka nag bow at lumabas na ng office ko.

"Okay let's start reading this documents.." limang folders lang ang nandito kaya lima lang din ang mga bago. Binasa ko na ang mga pangalan nila.

"Brianna Pascova.. Chelsea Ranioa.. Dylan Ekzur.. Morgan Morga.. Hmm okay.. Let me have this last folder.." sabay kuha ng last folder.

"Lin--- ano?! No! This can't be!" binasa ko ang buong detalye ng kanyang document and I feel my heart beating faster.

Siya nga. Bumalik siya..








"Lincoln Boremeo"

If Ever You're In My Arms AgainHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora