"Ako na nga maghahatid sa'yo. Nakokonsensya ako kasi dahil sa paglalasing ko, dinamay pa kita tapos nahalikan din kita. Kaya I'm so sorry. Wala lang talaga ako sa wisyo nun" Wika niya and I rolled my eyes at him.

"Okay fine, I accept your apology. Pinapatawad na kita. Now give me back my keys" Sabi ko sa kanya

"And for kissing you rin?"

"Yes. It's fine. Wala namang meaning yun so bigay mo na sakin yung car keys ko" Pagsisinungaling ko even though it meant a whole lot of me. Kahit ginawa niyang gamot yung labi ko.

Nakita kong napatahimik siya saglit before began speaking, "Okay. Pero aalagaan pa kita. Hindi ako uuwi if hindi ko nakikita na hindi pa humuhupa yung lagnat mo"

"And nakapagpaalam na rin ako kay Mama na sa'yo muna ako mags-stay dahil sinabi ko na may sakit ka" Dagdag niya na nakangisi

"Ewan ko sayo. Bahala ka diyan, magta-taxi na lang ako pauwi" Sabi ko and I start to walk away.

A few seconds later, napatili na lang ako nang dahil sa gulat nang bigla na lang akong sinikop ni Ricci sa mga bisig niya at kinarga niya ako ng walang kahirap-hirap.

"Sasakay ka sa sasakyan mo. Ako ang magd-drive. Ako ang maghahatid sa'yo" He said firmly pero hindi ko siya pinakinggan

"Hoy Ricci ano ba?! Ibaba mo nga ako" Inis kong sabi sa kanya habang nakakapit sa leeg nya

Hindi rin niya ako pinakinggan at nagsimula na siyang maglakad patungo sa parking area.

"Hoy Ricci, ibaba mo na ako. Oo na, sasabay na ako sayo. Ikaw na magd-drive. Ikaw na mahahatid sakin basta ibaba mo lang ako" Sabi ko sa kanya.

"Wag na, malapit na naman tayo. Baka pag-ibababa kita e magwa-walk out ka na naman sakin" Tugon niya.

Nang makarating na kami sa parking area, may iilang estudyanteng nakasalubong namin tapos pinagtitignan nila kami. Kaya I buried my face on Ricci's chest nang dahil sa hiya.

"Ricci, pag naging issue 'to, lagot ka talaga sakin" Sabi ko

"Edi mag-issue sila. Wala naman akong pake"

"And pagnakarating 'to sa girlfriend mo? Ano?"

"Ex girlfriend Alana" Sabi niya and bigla akong napaisip ako, nakamove on na ba si Ricci? Ba't parang andali naman.

Hindi ko namalayan nasa sasakyan na pala kami at nakita kong binuksan ni Ricci yung pinto ng front seat and he slowly put me there. Tapos, sinara na niya ito and he went to the other side, sa driving seat at pumasok na rin siya.

"Kung makasabi ka ng 'ex' kay Chesca parang nakamove on ka na ah" Sabi ko sa kanya

"Hindi naman pero ginagawa kong magmove on. Mahal ko parin siya pero I need to accept what happened between us kasi diba sabi mo pa sakin kagabi na everything happens for a reason and will yun ni God? Kaya I thought, I really have to move on"

"And tapos sabi mo rin sakin na I'm worth everything. Kaya tini-try ko talaga" He added

"Lasing ka ba talaga kagabi or nag lasing lasingan ka lang? Tandang tanda mo pa yung sinabi ko sa'yo ah. Baka yung paghalik mo rin sakin, plano mo rin yun" Sabi ko

Pwede Ba? | Ricci RiveroWhere stories live. Discover now