44

2.6K 58 7
                                    



Sa loob ng tatlong linggo, madami ang nangyari at madami rin ang nagbago.

Natapos na ang midterm exam namin, natapos na rin ang siyam na simbanggabi, natapos na ang Christmas and we're on the last week na bago mag Bagong Taon.

But aside from that events, let's talk about Ricci. Mas marami ang nagbago sa kanya. After him and Chesca broke up, bumabalik na sa dati yung Ricci na kilala namin. Lagi na siyang sumasama sa amin, sa mga gala, yung dating gawi lang, bumabalik na.

And this time, we've grown a lot closer. E, palagi na rin kasi siyang tumatambay sa condo ko e. Minsan nga, doon na rin natutulog pero syempre nasa labas siya natutulog. Hinahayaan ko nalang siya basta huwag lang siyang magreklamo. Gusto niya e.

Alam na rin ng lahat na hiwalay na si Ricci at Chesca kasi Ricci made an announcement on Twitter. Gusto sana niyang pribado lang ang pagkahiwalay nila ni Chesca pero because of me, napilitan siyang magtweet.

Simula kasi nung halos araw-araw na kaming magkasama ni Ricci, may natatanggap akong bash na sinisira ko raw yung relasyon nila but hiwalay na sila Ricci at Chesca nun that time.  Nalaman naman  yun ni Ricci at nagtweet kaagad siya tas ang sabi niya

@Ricci06Rivero : To all those people who are saying na sinisira ni Alana ang relasyon namin ni Chesca, I just want to say hiwalay na po kami ni Chesca and hindi po si Alana ang dahilan. To those who really know me, alam niyo po na matagal ko na pong kaibigan si Alana. She's not that type of person na sinasabi niyo sa kanya because she's far from that. So please, stop bashing her.

After he made an announcement, medyo wala na rin akong natanggap na mga bash.

So I spent my Christmas vacation and New Year sa US kasama sila Mama at Papa. Pero after naman kagad ng New Year, umuwi na ako dito sa Pinas while sila Mama at Papa naman, nagpaiwan muna doon. Kaya ko na namang umuwi ng mag-isa because I've already tried going home by myself several times simula nung tumungtong ako sa legal age. Which was 2 years ago.

I just got home today and magpa-pack naman ulit ako ng mga damit and all, because magpa-Palawan na kami bukas.

Actually, this midnight na nga pala yung flight namin e. The boys decided na magmidnight flight kami baka raw if sa araw kami aalis papunta ng airport, baka magkaroon pa ng traffic and baka rin daw may mga fans. And we don't really wanna miss our flight.

Gustong gusto ko nga muna magpahinga because I'm having a jet lag and I'm super tired pero I don't have enough time na but, at the same rin, I am so really excited to go there because it's been awhile na rin na hindi kami nagkakasamang lahat. And this time, medyo marami-rami kaming pupunta ng Palawan kasi isasama rin daw nila yung mga girlfriends nila which is more exciting. The more the merrier.

And tinupad  talaga ni Ricci yung promise nya sa akin na sya ang lilibre sa lahat kaya mas ganang-gana ako na pumunta talaga kasi ni piso talaga wala akong na spend.

Tapos, okay na rin 'to kasi nung nasa States ako, marami akong pinamili na halos maubos na yung laman ng credit card ko. Nakakaiyak nga e.

Once I was finally done packing, isang maliit na rolling luggage lang naman yung dadalhin ko and yung mga dinala ko ay mostly mga damit at swimwear na bagong bili ko sa US and one slipper. Tapos yung ibang necessities ko rin. I set aside na my luggage at tumayo sa kinauupuan ko.

I look at the time and it's 6 pm pa naman and all I really want right now is to get some sleep because mamaya,  7 hours from now, babyahe naman ulit ako.

Lumipas ang ilang oras, I woke up by my alarm telling me to wake up na. I look at the time and it's 11 pm na. Tapos napansin ko rin yung group chat namin na magsigising na raw kami and ang iba ay papunta na raw dito sa condo ko. Dito raw kasi yung meet up place.

Pwede Ba? | Ricci RiveroTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang