Chapter 1

6 0 0
                                        

"Morie's POV"
Unang araw ng klase at hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung saan ba ang classroom ko. E ano ba naman kasi ang laki-laki ng eskwelahan na ito at bago lang ako dito, at wala pa akong kakilala o kaibigan man lang.

"Hay naku... Nasaan ba ang classroom ko? Ano ba yan! "

Habang nag mamadali akong naglalakad at hindi ko alam kung nasaan na ako. May isang lalaki na mabilis tumakbo at nabangga ako.

"Aray! Ano ba?! Bulag ka ba?! "

"Oopss, Sorry miss hindi kasi kita nakita kaagad nagmamadali kasi ako hinahanap ko yung classroom baka kasi nagsisimula na ang klase. "

"Auh, okay"

"By the way, Blake nga pala" sabay abot ng kanyang kamay para makipag shakehands.

"Auh, I'm Morie" sabay shake hands na din. "Uhmm, alam mo ba kung saan ang class01? Kasi kanina pa ako umiikot dito at bago lang ako rito"

"CLASS O1?!" sabay sigaw niya. Ang ingay niya ha. "MAGKAKLASE PALA TAYO?!" sigaw na naman niya ulit.

"walang tayo nuh"bulong ko.

"Ano? Di bale na nga halika na bakal mahuli pa tayo sa klase" sabay hawak sa kamay ko at tumakbo ng mabilis. Runner ba sya? Ang bilis tumakbo eh. Pero mabuti na rin to dahil may kilala na ako at mag kaklase pa talaga kami ha. Ang gwapo rin niya, chaka HAHAHAHAHA.

Pagkatapus nga naming tumakbo nakarating na rin kami sa classroom namin at buti na lang talaga at hindi pa umuumpisa ang klase. Marami na ring mga estudyante sa loob at sa dulo kami umupo ng kasama ko at mabuti na lang may dalawang bakante ng upuan doon. Umupo kaagad kaming dalawa nasa right side ko sya at sa left side ko naman ay isang lalaki rin na naka earphones at tahimik lang. Habang tinitignan ko sya bigla siyang tumingin sa akin at nagulat ako. ANG GWAPO NIYA!!!. Umiwas naman ako kaagad. Ano kayang pangalan niya? Hmmmm.

At maya-maya dumating na yung teacher namin at ang ginawa namin syempre ano pa ba? Edi magpakilala kami eto pa naman yung hindi ko gusto, pero wala naman akong magagawa. Isa-isa silang nag pakilala at kung ano pa ang sinasabi nila tungkol sa sarili nila. Kailangan pa ba yun? Pwede namang pangalan nalang eh. Habang paunti-unti na lng ang kailangan mag pakilala at eto ako kinakabahan na naman mahiyain kasi akong tao at walang self confidence at mahina rin ako sa recitation minsan. Yung katabi ko na ang magsasalita at gusto ko talagang malaman ang pangalan nito kaya nakikinig talaga ako hehe.

"Hi my name is Heistian Gin Taner and nice too meet you guys" sabay upo kaagad mahiyain din ba sya? Pero ang ganda ng pangalan niya ha bagay sa kanya. At ako na ang susunod oh my ghad kinakabahan ako eh magsasalita lang naman ako ng pangalan ko. Chaka.

"Uhmm.. H-hi M-my name is Celestia Morie Soul and I thank you" oh my ghad! Ba't nag I thank you ako? Dapat kasi nice too meet you! Hay naku. Susunod naman ay ang katabi kung runner kung tumakbo.

"Yow guys! My name is Jerson Blake Collins and I hope na magiging kaibigan tayong lahat"
sabi niya at umupo kaagad. Grbe yung confidence niya ha eh ako nga nauutal pa. Pagkatapus naming lahat mag pakilala ay nakinig lang kami sa teacher namin at minsan sumusulyap sulyap ako kay Gin at nakaearphones pa rin siya, nakikinig ba to? O talagang trip niya lang magearphones na wala namang music? At maya-maya ay umalis kaagad yung teacher namin grabe ang bait niya sabi niya kasi hindi muna raw siya mag lelecture kasi 1st day of school pa lang at gusto niya na mag enjoy muna kami. Habang nag fa-facebook ako ay bigla namang nagsalita itong si Blake.

"Uy! Gwapo ba ako? " waw ha!

"Hindi" sabi ko.

"Grabe ka naman! Alam mo? " habang tumitingin sakin.

"Ang ganda mo. " sabi niya. Natahimik naman ako bigla sa sinabi niya.

"Joke lang HAHAHAHA feel na feel mo ha" dagdag kaagad niya sarap batukan ng lalaking to eh ang ingay parang siya pa yung babae kesa sakin.

"Ewan ko sayo!" sabi ko sa kanya.

Ilang oras ang lumipas wala yung ibang teacher namin sabi raw nila may meeting daw yung mga teachers. At maya-maya ay recess na namin at nagsisilabasan na yung mga kaklase namin. Tumayo na rin ako at lalakad na sana nang biglang may biglang nag salita.

"Miss panyo mo" sabay abot sakin ng panyo ko. Oh my ghad ang ganda ng boses niya at ang gwapo rin niya.

"T-Thanks G-Gin" sabi ko at kinuha ko kaagad yung panyo ko sabay lumakad ng mabilis.

"Hey! Morie! Hintayin mo ko! " narinig kong sigaw ng runner kahit kailan talaga ang ingay niya.

M  UWhere stories live. Discover now