Hindi ito konektado sa istoryang ko. Pero realtalk. Totoo yung sasabihin ko.
Love. Ano nga ba ang love? Para sakin? Ang love ay isang paraan para makaramdam ka ng saya. Pero ito rin ang magiging dahilan ng pagkawasak mo. Yung sakit na hindi mo makakalimutan. Kahit tulog ka pa.
Dalawa lang naman ang uri ng pag ibig. Yung tamang panahon, pero maling tao. At yung tamang tao sa maling panahon. Yun lang naman. Nasasainyo na kung pano mo ipagalalaban ang pagmamahalan niyo.
Ako? Tapos na ako sa ganyan. Ayoko nang umibig muli. Tapos na akong masaktan. Kasi parang di ko na kaya. Malimit kasi sa ganyan. Kung sino yung nagmamahal. Sila pa yung naloloko. Mga tarantado.
Kaya ikaw? Magmamahal ka pa ba? Kung ako sayo, wag na. Masasaktan as lang. And worst. Lolokohin ka lang.
Malimit kasi sa lalaki, madaling manawa, ewan ko ba. Ginagawang ulam ang mga babae. Pag nanawa, wala na. Ayaw na nila. Mga gago no?
Tapos pag tinanong mo sila kung anong problema, sasabihin lang nila, "Di na kita mahal" Punyemas. Ako pa pinagloloko niyo. Ano yun? Kanina mahal mo ngayon di na? Gago.
Kaya ayoko ng love love na yan eh. Nakakaloko kasi. Sa una papasayahin ka. Tapos sa huli wawasakin ka.
Kaya kung ako sayo, manahimik ka nalang diyan. Kasi ako? Hindi na ako magmamahal. Ayoko nang magmahal....
...ulit
Well. Yun ang akala ko.
VOUS LISEZ
Fighting Destiny
Fanfiction"Maybe this isn't our time yet. I let fate decide. If we were meant to be, we'll be together. Maybe not now. Maybe not yet"
