"M-Max.. Hindi ko naman 'to ginusto pero pasensya na.. iba na kasi ang mahal ko.. at hindi na ikaw ang taong 'yon.."
Halos malaglag yung panga ko kasabay ng mga binitawan niyang salita. Naninikip yung dibdib ko at hindi makapaniwala sa narinig. Para akong binuhusan ng isang timbang tubig na may kasamang ice tube. Nagmistulan akong piping natuptop ang dila at hindi man lang makayanang magbitaw ng kahit ano o isang salita. Bigla akong napanghinaan ng loob at mukhang any moment sasabog nako ng tuluyan sa kinauupuan ko ngayon.
"Sorry, Max. Hindi ko sinasadya maniwala ka. It's just.. nagising ako one day at narealize na hindi na ikaw ang tinitibok ng puso ko. Gusto ko lang magpakatotoo sa'yo dahil ayokong lokohin ka sana nauunawaan mo ako."
Nakatulala lang ako habang hagkan niya. Wala akong lakas para itaboy siya o kaya saktan siya. Ang alam ko lang ngayon nasasaktan ako ng sobra. Nasasaktan ako yung tipong kahit gusto kong intindihin ang isang bagay walang pumapasok sa isip ko. Masyado pa akong naguguluhan sa nangyayari.
"Please forgive me Max. Alam kong nakakagago yung pinagsasasabi ko. Sige saktan mo ko, murahin mo ko, sabihan mo ko ng hindi maganda lahat ng yan tatanggapin ko dahil ako yung nagkasala."
Pilit niya kong hinawakan pero nagpumiglas ako, inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sakin at walang atubiling nilisan ang lugar.
"Max!"
Dinig kong tawag niya di kalayuan. Alam kong susundan niya ako kaya mas binilisan ko pa ang takbo upang hindi niya abutan. Wala ring tigil sa pagpatak ang mga luha ko.
Bakit? Bakit nangyayari sakin to?.
Yan ang tanging bagay na naglalaro saking isipan. Ang dami kong katanungan na gusto kong hanapan ng kasagutan.
Nasa ganon akong estado ng pagiisip ng hindi ko namalayang may paparating na sasakyan sa kinatatayuan ko.
Gustuhin ko mang makaalis sa kinatatayuan ko ngunit huli na ang lahat. Tanging nakakasilaw na liwanag at nakabibinging busina ang huli kong nakita at nariing. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at saka mapait na ngumiti.
Eto na ba ang katapusan ng paghihirap ko?.
"Mmmaaaxxxxxxxx!"
Isang malakas na sigaw ang huli kong narinig kasabay ng tuluyang pagkamanhid ng buo kong katawan na ngayo'y nakahandusay at duguan...
Bigla kong naalala si Mama at si Yuri na naghihintay sa pagbabalik ko. Panigurado nag aalala na sila..
Muli akong napangiti ng mapait.. dahan dahan kong itinaas ang aking kamay.
"P-patawad.. M-mama, Y-yuri.."
at tuluyan ng nandilim ang paligid ko.
~~~
Touches By:PurpleMiks
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
This is a work of fiction. The names , characters , places , incidents and products are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual living or death is purely coincidental. No part of this story is been copied. Plagiarism is a crime so please avoid.