Ngumiti si Helion. " We've met before, ma'am. I'm Helion." pagpapakilala ni Helion sabay sulyap sa akin. Ngiwi ang naiganti ko sa kanya habang hinihintay ang reaksyon ni Tita.

Nagulat ako nang ngumiti ito. " Natatandaan kita. " aniya at ibinaling ang tingin sa akin.

" Bakit hindi mo papasukin ang bisita mo? Baka mainitan kayo rito." ani Tita sa mahinahong boses at walang bakas ng pang-aakusa at pagdududa. Umawang ang labi ko at iiling na sana nang panlakihan ako nito ng mata.

Ngumuso ako at tumingin kay Helion. Nakatitig ito sa akin at parang nakikinig rin sa sinabi ni Tita. Hindi niya naman naiintidihan iyon.

" Let's go inside?" alok ko sa kanya. Nasulyapan niya si Tita at nakita ko namang tumango ito. Sumilay ang ngiti sa labi ni Helion pagkatapos ay tumango.

Naunang maglakad si Tita sa loob habang nakasunod kaming dalawa. Nang makapasok ay inalok agad ni Tita si Helion nang agahan ngunit tumanggi ang huli at nanatili lamang sa sala. Nakalimutan ko na nga ring tapusin ang aking agahan dahil kay Helion.

" Do you want coffee, juice or tea?" tanong ko sa kaniya.

" I'm fine with nothing." aniya at inilibot ang tingin sa aming bahay. Ngayong nasa loob ng bahay si Helion, pakiramdam ko ay sumikip ito. Sa tangkad ni Helion at sa kanyang makisig na pangangatawan ay parang naging okupado niya ang lugar.Nang ituon niya ang tingin sa akin ay ngumisi siya.

" I believe we're going to be late for school if you won't take a bath now.." marahan ang boses niya at nanunukso kaya nag-init ang magkabilang pisngi ko. Nataranta ako nang malingunan ang orasan. 45 minutes na lang pala at malalate na ako.

Agad-agad akong umakyat sa aking kwarto at naligo. Naging mas mabilis pa sa normal kong pagkilos ang aking ginawa dahil nakakahiya namang maghintay si Helion. Halos sampung minuto akong nagtagal sa banyo at pinagsabay ko na ang pagsasabon at paglalagay ng shampoo para madali. Suot ang aking uniform ay lumabas na ako habang inaayos ang aking buhok.

Nandoon si Helion at kinakausap si Tita. Nasa tabi ni Tita si Lola na binubuklat ang mga health book na nakalagay naman sa ilalim ng maliit na mesa.

Nalingunan ako ni Helion habang pababa ako ng hagdan. Hinayaan kong nasa kanang balikat nakapahinga ang aking buhok. Tumayo si Helion pati na si Tita at naiwan naman si Lolang nakaupo.

" Sabi ni Helion ay sabay na daw kayong pupunta sa school, Raya." panimula ni Tita na tinanguan ko naman.

Nakangiti pa si Tita habang sinasabi iyon. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya dahil kay Helion o napipilitan lamang para hindi magmukhang bastos. Kahit naman ganoon, ay nererespeto pa rin ni Tita ang pagbisita ni Helion.

" Gusto ko siya para sa'yo." bulong ni Tita na ikinagulat ko nang magmano ako sa kaniya. Nasa labas na kami ng bahay at naghihintay sa akin si Helion sa gate.

" P-po?"

Ngumiti si Tita. " Nakikita kong mabait naman siyang bata at magalang kaya gusto ko siya para sa'yo, Raya."

" P-pero tita…"

Pinigilan ako ni Tita sabay hawak sa aking kamay. " 'Wag mong alalahanin ang ipinangako mo sa akin. Alam ko namang magagawa mo iyon, nandiyan man o wala si Helion. Kaya.."

Napakagat labi ako at tumango. Kanina ay parang kinain ako ng konsensya ko pero ngayong narinig ko ang opinyon ni tita ay nawala ang agam-agam ko. Ayaw ko naman kasing maging unfair sa kaniya kaya nangako ako noon.

" Sige na, lumakad na kayo at baka malate pa kayong dalawa." aniya at marahan akong tinulak. Tinungo ko na kung nasaan si Helion at inalalayan niya akong pumasok sa sasakyan.

Binati ako ni Geo na driver ni Helion.Nang makapasok na si Helion ay pinaandar na agad iyon ni Geo. Tahimik ang buong biyahe namin ngunit ramdam ko naman ang panaka-nakang pagsulyap sa akin ni Helion sa aking tabi.

Pinabayaan ko na lang. Naiilang at nahihiya rin kasi ako dahil nakita niya ako kanina na ganoon ang suot at ayos. Hindi pa naman ako nakapagsuklay kanina nang madatnan niya.

Nakayuko ako habang naglalakad kaming dalawa ni Helion nang sabay patungo sa aming building. Aniya'y gusto niya daw akong ihatid kahit na sa tapat lang. Kahit nahihiya ako ay tumango na lamang ako. Ngayon ay ramdam ko na ang tingin sa amin ng iba habang naglalakad.

" Baby…" napasinghap ako nang nagsalita siya. Natigilan ang ilan sa paglalakad at binalingan kaming dalawa ng tingin.

Nilingon ko si Helion na naniningkit ang mga mata. Kita ko ang ngisi niya dahil sa aking ginawa bago niya marahang hinawakan ang aking braso at inilapit sa kaniyang tabi.

" Baby…" marahan niyang bulong sa aking tainga. Ang kaniyang paos na boses ay pumainlang sa aking tainga at ramdam ko rin ang haplos ng mainit niyang hininga sa aking balat.

Bahagya akong lumayo ngunit nahila niya ako agad. " Helion!" pigil kong tawag sa kaniya.

Tawa ang iginanti niya sa akin pagkatapos ay naglakad kaya naman sumunod ako. Naiilang ako dahil sa titig ng iba. Kung hindi ba naman niya ako tinawag na baby ay hindi naman ako titingnan ng mga tao. Hanggang ngayon ay nakasunod pa rin ang tingin nila at ramdam na ramdam ko iyon.

Nang huminto kami sa tapat ng aming building ay hindi niya agad ako binitawan. Iniharap niya ako sa kanya habang hawak ang magkabila kong balikat at marahan iyong hinawakan. Nag-iinit ang aking pisngi lalo na at titig na titig siya sa akin. Nagkatagpo ulit kami ng magaganda niyang berdeng mata. Sa sinag ng araw nakita ko ang pagkislap niyon na animo'y naaliw sa akin.

" I like it when you blush…" bulong niya. Ngumiwi ako at hinampas ang kaniyang dibdib. Sa pagdampi ng aking kamay doon ay naramdaman ko ang kanyang matigas na katawan. Alagang gym siguro si Helion o di kaya'y likas na iyon sa mga Greek na katulad niya?

" Tigilan mo nga ako!" irita kong sabi. Humalakhak si Helion na nakapukaw sa atensyon na naman ng iba ngunit di tulad ng kanina ay nagpatuloy ang iba sa paglalakad dahil nagmamadali.

Muntik ko ng makalimutan na may klase pa pala ako kaya naman nahampas ko ulit si Helion. Rinig ko ang mahina niyang mura at pagrereklamo dahil sa ginawa ko.

" I'm already late!" bulalas ko at akmang tatakbo na nang hawakan niya ako sa braso at hinila pabalik sa kaniya.

" Ano?"

Nanghina ako sa klase ng titig niya. Umagang-umaga ay pinanghihinaan agad ako dahil kay Helion. Sobrang gwapo niyang tingnan iyon na nakalimutan kong punain kanina. Ngayon ko lang napansin na naging maikli ang kaniyang buhok.

" Can we eat lunch together?" tanong niya.

Dahil sa tanong niya ay hindi ko alam ang isasagot. Usually ay kasama ko talaga si Jeni na kumain. Minsan ay sa cafeteria, minsan ay lumalabas kami kapag punuan.

" Uhmm, I always eat lunch with my bestfriend?" sabi ko.

Ngumisi siya. " Third wheel?" aniya. Ngumuso ako at inisip ang magiging reaksyon ni Jeni. Alam ko kasing sobrang fan siya ng banda ni Helion at baka mawala sa pag-iisip ang aking kaibigan.

" Is it…okay with you?" tanong ko. Tumango si Helion habang nakangisi. " I want to meet your friend, too." aniya kaya tumango na lang ako.

Wala na akong magagawa. Yung titig kasi ni Helion ay parang nangungusap kaya napapayag ako. Who couldn't resist his charms right? Ang kahinaan ko talaga ay ang berde niyang mga mata. Nakakahipnotismo at parang wala akong magawa. At gusto ko rin namang makasama si Helion sa pagkain at hindi ko maitatangging masaya ako sa aking naging desisyon.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon