I rolled my eyes and mock-punched him on the shoulder. "Whatever."

"Afraid I'll turn you down?"

"I know you won't turn me down. You love me," I teased.

I was surprised when his eyes flashed with an unknown emotion. Para siyang malapit nang magpanic so nagpanic din ako. Shit, ano ba yung nasabi ko? Naku baka kung ano pa isipin nito. Baka isipin niyang may gusto ako sa kanya or worse, na mahal ko nga sya higit pa sa isang best friend. So I tried to keep the mood light and punched him again.

"Ugh. Let's just dance, Reeve," biro ko.

"Okay. Just for the record: If you did ask me out on a date, I won't turn you down. Never."

"And I'm tired of being all alone,
and this solitary moment makes me
want to come back home
I know everything you wanted isn't anything you have..."

Nagulat ako nung hinila ako ni Reeve palapit. This time, nakadikit na talaga yung katawan ko sa kanya. He just shrugged when I sent him a questioning glance. Dancing like this seemed much more intimate.

But I liked it. I liked it a lot.

At yun yung problema. I shouldn't like this. Hindi dapat ako nakakaramdam ng mga ganitong bagay para sa best friend ko. Bakit? Kasi mahirap. Masasaktan lang ako. Two weeks lang ang meron kami tapos maghihiwalay nanaman kami. Balik sa dati.

Lahat ng mga nangyayari ngayon, isa lang ito talagang fairytale. Para akong si Cinderella at tinupad ng fairygodmother ko lahat ng mga wish ko. Pinapunta niya ako sa isang engrandeng ball at nakasama ko si Prince Charming.

Pero yung spell? Hindi yun forever. Pagdating ng alas-dose, bumalik na sa dati ang lahat para kay Cinderella. Ganun din ang mangyayari sakin sa dulo ng dalawang linggo.

"Cause I was born to tell you I love you
And I am torn to do what I have to, to make you mine
Stay with me tonight..."

The song ended and I reluctantly let go.

Masyado akong naengross sa pagsayaw at sa feeling na hawak ako ni Reeve. Sobrang daming magagandang babae dito. Yung mga matatangkad na mukhang mga supermodel. Si Reeve din mukhang pang-model ang dating. Kaya lahat nakatingin sa kanya. Pero parang wala siyang nakikita kahit sino sa kanila. Hindi ko alam kung talagang hindi niya lang ba napapansin o sadyang hindi niya sila pinapansin.

Reeve escorted me back to my seat. Dalawang song pa yung nagplay pero umupo na lang muna kami at nagkwentuhan. Anong mga pinag-usapan? Yung comparison ng weather sa Vegas, sa Pilipinas at sa London, yung school works ko at yung nalalapit na graduation, yung pinagkakabusyhan ni Reeve at yung state ng business nila.

Parang ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Sa sobrang dami hindi ko na alam kung ano yung uunahin ko. Para akong nasa foodcourt tapos sa sobrang daming choices ng pagkain hindi ako makapili. Kaya pupunta na lang ako sa kilalang fastfood. Parang ganoon yung mga pinag-uusapan naming ni Reeve ngayon. Eto usually yung mga pinag-uusapan naming sa phone araw-araw.

Tapos nung mga kanta, nagsimula na yung program. Sumayaw muna yung bride and groom—first dance nila as a couple. Nagcut na din ng cake at nagrelease ng sobrang daming butterflies. Tapos nagserve na ng dinner. Five-course meal! Syempre, bongga talaga lahat. Habang kumakain kami ng dinner, may nagplay na video tungkol sa love story ng bride and groom. Dahil sa video, naluha nanaman ako.

Parang sobrang perfect ng love story ng pinsan ko.

Ako kaya makakahanap nga ganon? Naalala ko si Mike at lalo lang akong naiyak. Akala ko siya na talaga. Kung hindi siya nagcheat baka after three years, kami naman yung kinakasal ng ganito. Pero hindi eh. Habang naaalala ko si Mike, hindi ko inalis yung mata ko sa video. Hinayaan ko na lang na akalain nila na masyado akong natouch. Pero nakonsensya ako ng iabot sakin ni Reeve yung panyo nya.

Tinitigan ko lang kasi hindi pa ko masyadong makagalaw at naiisip ko pa din si Mike. Inagaw sakin ni Reeve yung panyo at siya na mismo nagpunas ng luha ko. Hindi ko alam sasabihin sa kanya so I just smiled.

Pagkatapos nun, nakinig na kami sa mga toasts ng mga tao para sa bride and groom. Nagsalita ang parents nila pati na din ang maid of honor (best friend ng pinsan ko) at ang best man. Naiyak nanaman ako pero buti na lang nasakin na yung panyo ni Reeve.

"Good evening everyone! It's time for one of the most-awaited events of the night! The bride will now throw her bouquet!" sabi ng host. Nagtilian yung ibang mga babae at nagtakbuhan na papunta sa gitna ng dance floor.

Ako naman, walang pakialam.

Pero pinuntahan ako ni mommy at hinila sa dance floor. Nagreklamo ko pero parang wala siyang naririnig. Ayoko din namang maging KJ so sumama na lang ako. Ano ba naman ang chances na ako ang makakakuha ng bouquet di ba?

Lumapit na ako sa mga grupo ng mga single na babae pero dun ako banda sa may likod pumwesto. Sa kabilang side ng dance floor, nakaassemble na din lahat ng mga single na guys.

"Everyone ready?"

"Yes!" sagot namin.

Tumalikod na yung pinsan ko sabay at bumilang yung mga guests.

"3... 2... 1!" the guests chanted. Pagkatapos, binato na palikod yung bouquet. Nagsitilian nanaman yung mga babae. Ako naman, nakatingin lang sa bouquet. Teka... parang napalakas yung tapon!

Nilagpasan yung mga nakaassemble sa harap at dumerecho sakin na nasa likod! Wala na akong magawa kundi saluhin na lang.

"Shit," bulong ko ng sumigaw na yung mga guests.

Sabi nila, kung sinuman daw ang makakasalo ng bouquet ay yun na ang isusunod na ikakasal. Ewan ko kung totoo yung pamahiin na to pero sana naman hindi! Ang bata ko pa! Wish ko muna mahanap yung lalaking mamahalin ako talaga at hindi ako lolokohin. Kapag nahanap ko na siya, tsaka ko pa lang iisipin ang kasal.

Lumapit sakin yung wedding organizer at hinila papunta sa may stage. Kinuhanan ako ng pictures kasama ang bride at groom. Sobrang tagal kong nakangiti na nangawit na yung panga ko.

"Okay, gentlemen. Now, it's your turn!" sabi ng host. Umupo yung bride tapos lumuhod yung groom sa harap niya. Tinaas ng konti yung gown at dahan-dahang hinila pababa yung garter.

Tapos tumalikod na din yung groom sa audience at naghanda ihagis yung garter. By this time, kinakabahan na ko talaga. Kung sinuman ang makakakuha ng garter, yun ang magiging partner ko at sakin nya isusuot yung garter.

Kinilabutan ako ng maisip ko na isa sa mga lalaking to ang hahawak ng legs ko. Grabe, nakakatakot talaga.

I met Reeve's eye and he winked. Mas lalo pa tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo pa nung nakita yung parang determined na look sa mukha niya. Na para bang may binabalak...

"3...2...1!" sigaw ng mga guests.

Tinapon na yung garter. Mukhang sa may bandang kaliwa maglalanding—malayo kay Reeve. Wait lang, bakit ko nanaman naisip si Reeve? At bakit parang disappointed ako na hindi sya yung makakasalo?

Ang gulo talaga ng mundo.

Napanganga na lang ako nung tumakbo si Reeve. Hinawi niya yung mga guests na nakaharang sa kanya. May mga nadapa at may mga nagulat. Pero wala siyang pakialam. Tumakbo lang siya at nanulak. When he reached the end, he jumped.

Paglanding niya, hawak na niya yung puting puti na garter at sobrang laki ng ngiti niya. Parang ngiti ng isang tao na nanalo sa lotto.

Tumigil nanaman sa pagtibok yung puso ko at parang nagyelo yung dugo ko.

"Shit talaga."

Yun na lang ang nasabi ko. 

**************************************

Note: Yung song ay Your Call by Secondhand Serenade. Pero sa story na ito, song sya ng Rivendell. haha.

Isa pang note: Hindi yata totoo na kung sinuman ang makasalo ng bouquet, yun ang susunod na ikakasal. Two years ago, ako ang nakasalo ng bouquet sa kasal ng tito ko. Hanggang ngayon single pa din ako.

Living proof ako na hindi laging tama ang mga pamahiin. HAHAHA. <3

Sana nagustuhan nyo to! And please vote guys! Salamat! :D 

Distance Is Just A Number [Taglish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon