Ah basta bahala na. Sa tingin ko mas tama to. Iiwas na lang ako. Unti unti na din naman akong nasasanay na iwasan siya eh. Busy din naman siya palagi kaya napaka dali na lang sa akin na iwasan siya.

Biglang bumukas yung ilaw nang saktong nasa harap na ako ng kwarto ko.

"Ngayon ka lang?" Tanong ni Callum. Kinagat ko ang labi ko bago lumingon sa pwesto niya.

"Ah o-oo." Sabi ko.

"Kumain ka na ba?"

"Oo tapos na."

"Kath-"

"Callum pwede bang bukas na lang tayo mag usap? Pagod na kasi ako eh, gusto ko na matulog.." Nakatungong sabi ko.

"S-sure."

Agad na pumasok ako sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako.

"Hays. Saan ako kumuha ng lakas ng loob sabihin yun?"

Kinabukasan ay ganun pa din. Pilit na iniiwasan ko pa din siya. Kapag nag sasalubong yung landas namin ay agad akong umiiwas o umaatras. Pati sa opisina ay ganun din. Di naman niya ako pinapatawag sa opisina niya kaya mas mabuti. Napag alaman kong tinanggal na niya sa kompanya niya si Lawrence kaya medyo naka hinga akong maluwag pero hindi ko alam kung paano niya iyon napatalsik ng basta basta.

Siya pa din naman ang pinaka nag mamay-ari ng kompanya kaya napaka dali na lang sa kanyang mag tanggal ng mga gaya ni Lawrence. Lunch na nang ayain ako ng isa sa mga kasamahan kong janitor na mag lunch sa canteen. Wala akong baon kaya sumama naman ako sa kanya sa canteen.

Matapos makaorder ng pagkain ay nag hanap kami ng bakanteng lamesa para makakain na. Nang makahanap ay agad kaming naupo duon sakto namang biglang umingay sa loob ng canteen. Puro bulong bulunganang maririnig mo. Hindi ko na iyon pinansin at  ipinag patuloy ang pagkain.

"Si sir ba yun?" Tumuro si Tesa yung kasamahan ko sa bukana ng canteen. Sinundan ko naman ang tinuro niya at nakita kong nandun si Callum nakatayo at may hawak hawak na tray. Halos mabulunan ako sa kinakain ko dahil sa pagka bigla.

Anong ginagawa niya dito?

Palinga linga ito na para bang may hinahanap. Nang huminto ang tingin niya sa direksyon ng kinauupuan namin ni Tesa ay agad akong nag iwas ng tingin at minadale ang pagkain.

"Kailangan ko na palang mag madali. May tataposin pa kasi akong linisin." Sabi ko. At minadali ko ang pagkain.

Nang makalapit sa pwesto namin si Callum ay paubos na din ang kinakain ko. Ngumiti sa kanya si Tesa.

"Sir kayo po pala." Bati nito.

Ngumiti si Callum at bumaling sa akin.

"Can I-" bago pa man nito matapos ang sasabihin niya ay tumayo na ako kaagad.

"Sige po sir. Dito na po kayo. Tapos na din naman po ako eh. Sige po sir may trabaho pa po kasi ako. Sige Tesa, mauna na ako." Sabi ko at nag mamadaling umalis sa lugar na yun.

Masyado yatang halatang iniiwasan ko siya. Napailing iling ako. Hayaan na nga. Ang mahalaga maiwasan ko siya sa paraang alam ko. Bumalik na ako sa quarter ko at hinintay na lang matapos ang oras ng lunch bago muling bumalik sa pag tatrabaho.

"Katharina, baka gusto mo namang ikwento sa akin yung skandalong ginawa mo nuong isang araw." Sabi ni Ms. Gemma nang makasalubong ko siya.

Ang tinutukoy niya ay yung nangyari sa opisina ni Lawrence. Napatungo ako. Ayoko na maalala pa iyon. Sa tuwing naalala ko iyon ay tila nang hihina ako at parang bumabalik sa akin ang pangyayaring yun.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now