Chapter 2 - You'll Pay For This!

14.8K 318 17
                                    

~~~Bully~~~

Bullsh*t talaga!

Dapat talaga 'di na ko pumasok ngayon!

Nangyari na nga 'yung kahihiyang naranasan ko kanina do'n sa wirdong babae na 'yon tas ngayon eh bored na bored na naka-upo lang ako sa upuan ko habang iniintay yung first subject teacher namin!

Hindi pa kasi dumadating 'yung walanghyang teacher na 'yan! Kami pa ang pinaghihintay eh kanina pa time!

Bwisit kasi si Dad!!!

He kept on nagging me na pumasok ako ngayon kasi nasisira daw ang image ng school namin dahil sa hindi ko pagpasok. Hindi raw porket kami ang may-ari ng school eh pwede ko nang gawin ang kahit anong gusto kong gawin.

Tss! Para lang naman sa business nya yon!

Kaya badtrip na badtrip ako kaninang umaga!

Sumabay pa 'yung Kimpee na 'yon.

At dumagdag pa 'yung babaeng nanghubo sa 'kin kanina!

Kapag talagang matyempuhan ko 'yung babaeng walang manners na 'yon, ipapahiya ko siya triple pa ng ginawa niya sa 'kin!

Walang pwedeng mangpahiya sa isang Gino Russell Primo!

I am the heir of Charlie Primo who's the owner of this school so no one should bend my rules here.

Ako ang prinsipe ng school na to o mas kilalang Bully Prince kaya kapag may nangahas na galitin ako o inisin man lang, I will marked them as a "Trash" then after that, they'll experience their worst nightmares.

Trash as in basura!

Kaya kapag nalist ka as Trash sa trash list, kahit sino pwede bumully sayo kaya yung iba, nagtatransfer out na.

Tss! Kahit magtransfer pa sila sa kung saang lupalop ng mundo, wala akong pakialam!

Hindi sila kawalan sa school na to!

Sila pa nga ang naghahabol dito dahil #1 ang school na to sa mga elite schools sa bansa.

Ako ang nagpauso ng Trash list na yon at ako lang ang pwedeng magmark non sa kung sinong gusto kong ibully kaya lahat ng estudyante rito, takot sa salitang Trash.

Napansin ko na marami ang nakatingin sa 'kin. Siguradong kaya sila ganyan, dahil 'yon sa pagkahubo ko kanina.

"Sige! Tingin pa! Tutusukin ko lahat ng mata n'yo kapag nahuli ko pa kayong nakatingin sa 'kin!" singhal ko sa kanila.

Napaiwas naman sila ng tingin at mga nanahimik na sa upuan nila.

"Good Morning class!" narinig kong bati ng Adviser namin na si Ms. Ledesma pagkapasok na pagkapasok pa lang nya sa room namin.

Kanya-kanya namang tayo ang mga kaklase ko at sabay-sabay na bumati rin ng Good Morning.

Hindi ako tumayo para batiin sya.

Hindi ako grade schooler.

Isa pa, pinapainit niya ang ulo ko sa paghihintay sa kanya!

Teacher na teacher, sya pa ang kailangang intayin ng mga estudyante nya?

Bago na ba ang patakaran sa school na to ngayon na ang teacher na ang may karapatang malate kesa sa mga students?

At lalong asar rin ako sa teacher na yan kase sya ang spy ng Dad ko.

Siya kasi ang inutusan ni Dad na magbantay sakin dito sa school at binigyan din sya nya ng permission na pagalitan at sawayin ako kaya kahit pagalitan nya ako, hindi sya pwedeng patalsikin sa pagiging teacher dito sa Primo High. Sya lang ang hindi ko makalaban sa school na to dahil siguradong kapag ginawa ko yun, isusumbong nya ko kay Dad.

Her Emotionless EyesWhere stories live. Discover now