Chapter 4 - They Trapped Her

11.4K 236 6
                                    

Kinabukasan...

~~~Bully~~~

Pumasok ako ng room habang ngumunguya ng Chewing Gum.

Nakita ko na papaupo na si bangs sa upuan nya.

Kung noon, napipilitan lang ako na pumasok dahil sa pangungulit ni Dad, ngayon, sarili ko na tong desisyon kase nga gusto kong ako mismo ang magpahirap sa Winter na to para makabawi ako sa mga pamamahiya nya sakin kahapon.

Swerte nga nya, nag-effort pa akong magdala ng gagamitin ko para sa plano ko para sa kanya.

Pero may napansin akong nakadikit na papel sa likod nya.

May nakasulat na "Please kick my butt! It's FREE!"

Napangisi naman ako sa nabasa ko...

Yung mga kaklase ko naman, nagsisitawanan din.

Mukhang dinadahan-dahan sya ng mga nambubully sa kanya.

Yung lahat kase na mga namark kong trash ay kung kelan ko sila minark ay doon ang pinakagrabeng mararanasan nilang pambubully pero sa kanya, napakamild lang.

Pero ayos na rin. Mas magandang paunti-unti para damang dama nya talaga ang pagkamiserable dito tsaka ako ang gagawa ng mga major na pambubully sa kanya!

Pumunta na ko sa upuan ko at umupo.

Habang patuloy pa rin ako sa pagnguya ay ipinatong ko ang dalawang paa ko sa desk ko.

Cool na cool lang ako.

Tumingin rin ako sa kanya at nginisian ko sya habang ngumunguya pa rin.

Sya naman eh deretso lang ang tingin sa unahan.

Wala syang kaalam-alam na may nakadikit sa likod nya.

Nang magsimula na kameng magklase, nabwisit ako dahil Math agad ang una naming subject.

Kaya ayokong pumapasok eh!

Marunong naman ako sa math pero nakakairita lang talaga!

Puno na ng math problems ang board namin kaya nakakahilo yong tignan pero alam ko naman ang lahat ng sagot don.

Napatingin ako sa mga kaklase ko at bumuntong hininga silang lahat at nanlulumong kinuha yung mga notebook nila.

Napailing na lang ako.

Mabuti kung magiging pangulo kame ng United States kapag natutunan namin yan lahat!

Eh hindi eh.

Burahin ko na lang kaya yung mga nakasulat sa board para wala ng problemang sasagutan. (-_-)

Tipid pa sa chalk.

Tinawag naman ng Math teacher namin si bangs para sagutan yung problem sa board.

Ayus! Tamang timing tong teacher na to ah!

Tumayo naman sya at naglakad na papunta sa unahan.

Nang nagsasagot na sya sa board ay kinuha ko na agad yung container ng red paint sa bag ko.

Maliit na container lang naman yon at nagpabili talaga ako sa driver ko ng pinturang hindi masyadong nangangamoy para hindi nya ko mabisto sa gagawin ko sa kanya.

Tumayo ako at pasimpleng lumapit sa upuan nya.

Naagaw ko ang atensyon ng mga kaklase ko sa pagtayo ko pero hindi naman ako napansin ng teacher namin dahil kay bangs sya nakatingin.

Her Emotionless EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon