OSC#1
"Waiting at the Coffee Shop"
Unang kita ko palang sayo...bumilis ang tibok ng puso ko.Nasabi ko pa nga sa sarili ko,"He's the one".
Nasa counter ka nun at umoorder habang pinapanood kita doon sa malayo.Then,biglang tumunog ang bell na nagsasabing may ibang pumasok na customer.Kaka-onti palang ang mga tao sa Coffee Shop.
Tiningnan ko kung sino iyon..at nakita ko sya...si Marie. Kilala ko sya...oo...kilalang kilala ko.Nilingon kita sa kung saan ka nakapuwesto.Kita ko sa iyong mukha kung gaano ka kasaya nung makita mo sya.Tinitigan mo lang sya ng makalapit na si Marie sa counter.
Tahimik lang akong nanonood sa inyo.Masaya kayong nagkamustahan at nagtawanan.Mga ilang minuto ay umalis na rin si Marie sa Coffee Shop.Lumapit ka sa table natin na may ngiti sa mukha.
Pinilit kong ngumiti para hindi mo mahalatang nagseselos ako.
At doon kinuwento mo ang kaninang nangyaring pagkikita nyo dito.Kinuwento mo sa akin na pareho kayo ng inorder,maganda sya at mabait.Kitang kita ko sa mata mo ang saya.Alam kong mahal na mahal mo sya at nakikita ko iyon sa mapupungay mong mga mata.
Lumipas pa ang mga araw.Halos tambayan na natin sa umaga at gabi ang Coffee shop...may mga kasama tayo.Mga kapwa office mates natin.Masayang nag-uusap ang mga office mates natin,nang naramdaman ko ang ulo mo sa balikat ko.Napatingin ako sayo nun at nakita Kong nakatulog ka na dahil siguro sa pagod.
Napangiti ako...
Nais ko mang magtagal tayo sa ganoong posisyon ay hindi pwede.Nakakahiya kasi sa mga OM natin.Masarap sa pakiramdam na nasa balikat kita at malapit ka sa akin.Pero ginising kita bigla kaya nagulat ka at tinawanan ka nila.
Kinabukasan sa coffee shop ulit..pagpasok ko palang sumalubong kayong dalawa sa akin.Nagkunwari akong masaya kayong kausap kahit sa loob loob kong nagseselos ako ng sobra.I apologize for that.Mahal kasi kita eh.Sinundan ko kayo ng tingin palabas,nakita kong nagyakapan kayo kaya umiwas ako ng tingin.
Nung isang gabi tapos na ang office hours natin.Nakita kitang nakaupo sa hagdan sa tapat ng building na pinagtatrabahuhan ni Marie.Mukhang hinihintay mo sya.Lumapit ako sayo at ibinigay ang coffee na hawak ko.Ngumiti ka at kinuha iyon.Sinabi kong,"Goodluck" saka ako umalis.Hindi pa man ako nakakalayo ay nilingon kita at nakatingin ka sa akin.Ngumiti ako sayo at nag-THUMBS UP.
Tinawanan mo ako nun.Pagtalikod ko ay hindi ko namalayang tumutulo na ang masaganang luha ko.Hindi na kita nilingon pa.Masakit na sobra.Pero wala akong karapatang magselos dahil KAIBIGAN mo lang ako at wala nang iba.
Years passed nabalitaan kong magpapakasal na kayo.You gave me an invitation for your wedding.Gabi-gabi kong tinitingnan ang wedding invitation nyong dalawa may background picture nyo na magkayakap.Wedding photoshoot nyo kung baga.Ilang beses kong pinag-isipan kung pupunta ako o hindi.Pero sinabi mong "Aasahan kitang pumunta sa kasal ko"
Syempre ang sama ko naman para hindi ka pagbigyan.Ang sama kong kaibigan kung hindi ako dadalo sa kasal ng kaibigan ko.Diba?kakayanin ko naman eh kahit masakit.
The day after the wedding.Nasa reception na ang lahat.Sobra sobra ang saya nyo na mag asawa na kayong dalawa.Naalala ko kanina kung gaano ka kasaya habang magkaharap kayo sa altar.Naiiyak ka pa nun nung naglalakad palang si Marie sa aisle.Napakaganda ni Marie sa suot nyang Wedding gown.Atbang gwapo mong tingnan sa suot mong tuxedo.
On that moment....inimagine kong ako si Marie.Ano bang pakiramdam ang ikasal sayo?Ano bang feeling na ikinakasal ka sa taong mahal mo?Ano kaya?Ano kaya kung TAYO ang ikinakasal?Ngunit lahat lang yon is just an imagination.
Lumapit ka sa akin at niyakap ako.Ngayon ito na siguro ang huling beses na mayayakap mo ako ng ganito.Niyakap din kita ng pabalik at di inalintana ang luhang pumatak sa aking mukha.Nagtaka ka kung bakit ako umiiyak.Pero dahil ayokong nalaman mo ang tunay kong nararamdaman sayo.Nagbiro ako..
"Sira...tears of joy lang yan!!Sa wakas kasal ka na!!!Im so happy for you bestfriend!!"
Tumawa ka at nagpasalamat.Nagpaalam ako sayo na uuwi na ako,ayaw mo pa nga akong umalis dahil hindi pa tapos ang reception.Ngunit wala kang nagawa dahil pinilit na kita.
After kong makaalis ay dumiretso ako sa kotse ko at doon ibinuhos ang lahat ng sakit na dinadala ng puso ko.Sobra sobra talaga kitang mahal.Na halos wala na akong natitirang pagmamahal pa sa sarili ko.
Lumipas pa ang ilang buwan.Wala na akong naririnig about sayo.Nag resign ka narin sa trabaho.Ang balita ko sa inyo ay nasa amerika na kayo at doon nagmigrate.
Ako?heto...paunti unti kitang kinalimutan doon pa rin ako sa place na pinagtatambayan natin noon.Habang pinagmamasdan ko ang buong palibot ng Coffee shop...naaalala ko ang mga nangyari noon,sa kung paano kita naunang nakita at huling minahal.
Narito ako sa table na kung saan inuupuan natin na magkakasama,nakangiti ako habang inaalala ang lahat ng happy memories with you .Here I am..
WAITING.....
....... AT THE COFFEE SHOP
=End=
YOU ARE READING
One Shot Compilation
RandomDifferent Love stories,sad,sacrifices,friendships and etc...
