Chapter 1: Boundaries Between Two Lives

137 50 17
                                    

Hadley's POV:
Another lonely day for me, and the worst part of this lonely day is our first day of school. Nagtransfer ako sa Unique Academy, and luckily at nagtransfer din doon ang mga kaibigan ko and mas thankful ako dahil nandoon ang best friend ko na si Delialah. At least may onting magandang nangyari sa araw na ito. 

"HHHHHHHAAAAAAADDDDDLLLLLEEEEEYYYYYY!!!!!!!!!!," sigaw ng isang boses na galing sa pintuan.

"Sino ba kasi yan?!" sigaw ko

"Di mo ba ako nakikilala? jusko sa magandang boses ko pa lang na ito eh makikilala mo na," sagot pabalik nito na natatawa.

Mukhang kilala ko nga to. Sino pa nga ba kundi ang napakaingay kong best friend. In the first place hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko to naging best friend, kasi.....ang basehan ko ay yung ugali at asta nito eh, kaso napakaingay!!, sabi ko sa sarili ko

"Di mo pa ba ako pagbubuksan ng pinto? ang sakit na ng paa ko kakatayo eh," reklamo nito

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako nang hindi lang si Delialah ang nakita ko....kundi ang buong grupo. Sila Sarah, Adalyn at Delialah. 

"Anong ginagawa nyo dito? Ang aga aga pa, ang ingay na naman" saad ko.

"Uhm...ang feeling mo girl! Hindi ikaw ang pinunta namin dito. Yung cute mong kapatid ang sadya namin!" sagot nito.

Siniko sya ni Delialah ng palihim at akala nila na hindi ko nakita.

"Tulog pa sya, pero gigisingin ko na rin sya maya maya, wag kang mag-alala," sagot ko sa walang ganang paraan.

"Ikaw naman girl!! napakacold mo ngayon...." hindi pa tapos magsalita si Sarah nang may sumabat

"Ano pa nga po bang bago ate Sarah?" sabat ni Jack

Napatingin silang tatlo sa may bandang taas ng hagdanan.

"JACK!!!!," sigaw nilang tatlo sabay takbo papataas ng hagdan para yakapin ito.

Si Jack ang bunso kong kapatid. Kahit ganyan yan kakulit, mahal na mahal ko yan. Paano ko ba naman hindi yan mamahalin eh iniwan na kami ni mama at si papa naman hindi nagpaparamdam mula sa states. Kahit magpadala ng pang tuition namin ay wala. Ako lahat ang gumagalaw. 

"Good morning ate," bati sakin ni Jack

"Walang good sa morning. Kumain ka na ng agahan, hinainan na kita. At pagkatapos mong kumain, maligo ka na. Nakahanda na lahat ng gagamitin mo at pagtapos ka na.....magbihis ka na ng uniform na nasa taas. Wag kang malalate sa first day of school. Yan lagi ang bilin ni mama." tuloy tuloy kong sabi kay Jack habang sya ay naglalakad papuntang hapag kainan.

Hindi na sumagot si Jack at biglang may nagsalita.....

"Hindi ka pa talaga nagbago Hadley. Napakastrict mo pa rin" sabi sakin ni Adalyn habang inaayos ko ang mga gamit ni Jack sa backpack. 

"Uhmm....Hadley? malalate na tayo sa school" paalala ni Sarah.

"Ah mauna na lang kayo, susunod na lang ako. Aasikasuhin ko pa kapatid ko, pero promise hindi ako malalate. Reserve nyo na lang ako ng upuan"

"Sure ka? If you insist....ok" sagot ni Adalyn

"Mauna na kayong dalawa Sarah ang Adalyn, sasabay na lang ako dito kay Hadley. At para hindi na to magcommute" sabi ni Delialah sa dalawa.

Nang makaalis silang dalawa ay maya maya naman ay umalis na kami ni Delialah kasama ang kapatid ko.

"Uhm...Delialah?"

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon