Fated Lovers - Kaluawalhatian Chronicles - Book 1

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagustuhan ko 'yong plot. Naipakita rito kung gaano tayo kayaman sa literatura. Actually, 'yong ibang characters dito, ngayon ko lang na-encounter.

D. SETTING

Wala akong gaanong issue dito. Na-describe siyang mabuti.

E. CHARACTERIZATION

These are my impressions about the characters based on the six chapters that I'd read.

Henry/ Amanikable – Maganda 'yong characterization ni Henry. Likable yet strong. He has flaws yet perfect. Kumbaga, hero material siya sa isang romance story.

Fate/ Maganda – You need to work more para ma-convince ako sa character niya. Ilang taon ba siya nang ma-in love kay Miguel? Twelve or younger than that? At that age ba, alam na niya ang konsepto ng pag-ibig? Ang intindi ko, hindi typical na attraction lang, kung 'di malalim na pag-iibigan. I hope ma-establish sa kuwento kung bakit ganoon na lang ang pagmamahal ni Fate kay Miguel.

Nakulangan din ako sa consistency ng emotion. By that, I mean, consistency of emotion with regards to the situation she's in.

Example:

Sa chapter 2, nong makita ni Fate si Henry sa gitna ng kalsada (daming sasakyang tumatakbo), nakuha niya pang hangaan ang kakisigan nito? Last time na nagkita sila, tinangka niya itong patayin. Idagdag pa na hindi alam ni Henry na naging imortal siya. Then ang first reaction, natuliro siya dahil subconsciously ay attracted siya sa asawa? Kung nandoon ka sa ganoong sitwasyon, 'yon ba ang initial reaction mo?

Confusing din, lalo pa't binanggit na may feeling pa rin si Fate kay Miguel at may kinikimkim siyang galit sa asawa. I know na sa loob ng limang taong pagsasama nila ni Henry, maaaring nagkaroon din ng pitak si Henry sa puso ni Fate, pero hindi ko na-witness 'yong nangyari sa limang taong pagsasama nila bilang mag-asawa. Dahil d'yan, naging premature 'yong description ng emotion ni Fate sa eksenang 'yan. Iyong dapat sanang makiki-emphatize ako sa internal conflict ni Fate ay hindi ko naramdaman. Kabaligtaran ang nangyari, hindi ako naniwala sa kaniya.

No'ng nabunggo siya at nagkabali-bali 'yong buto niya, tama bang reaction 'yong napahiya lang siya? Hindi naman simpleng pagkatapilok o pagkadapa lang 'yong nangyari.

Eric/ Sitan – flamboyant and care-free 'yong attitude niya rito. Lihis ito sa general perception about demons. I'm not saying that this is wrong. Ang demons naman ay nagtatago sa iba't ibang anyo. But so far, 'yon ang tingin ko sa kanya. Hindi siya maangas.

F. DIALOGUE

1) Pay particular attention to your dialogue and action tags. Nasobrahan 'yong iba, nawawala 'yong concentration ko sa sinasabi ng mga tauhan. May mga time na kailangan kung basahin uli 'yong dialogue (without the tags) para lang makuha ko kung ano 'yong conversation nila

2) Differentiate an action tag from a dialogue tag. Kapag 'di mo alam 'yong pagkakaiba, mali 'yong punctuation na nagagamit at mali rin 'yong pagka-capitalize (o 'di pagka-capitalize) ng dialogue o actiong tags.

Example:

Example:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
2 in 1 Book CritiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon