Chapter 31: Reunion

Comenzar desde el principio
                                    

"Sure...puwede naman akong tumambay muna," sabi ni Andy.

"Good, I'll see you tomorrow!" sabi ni Don Carlos bago naglakad pabalik ng bahay.

Nang wala na ang Don ay chineck ni Andy ang oras sa kanyang relo. Mag-aaalas tres na ng umaga. Sa reunion ng mga Villaromano ay nakaramdam siya ng pagkasabik sa sariling pamilya. Pero, hindi tulad ni Tony na kapiling ang asawa't mga anak, hiwalay si Andy sa asawa at may pagka-estranged sa kanyang nag-iisang anak na si Pauline. Dahilan na rin kung kaya't pumayag siyang mag-"stick around" bukas sa mansion.

This time, parang ayaw niyang maging mag-isa sa Pasko. Kinuha ni Andy ang kanyang cellphone at nagtext kay Pauline. Merry Christmas, anak. I love you. Inantay niya ang text back, nguni't hindi ito dumating. Malungkot na ibinulsa ng P.I. ang kanyang cellphone habang nakitang papabalik na sina Father Markus, Jules, at Hannah.

"Tara na, Mang Andy," aya ni Hannah. "Hatid namin kayo."

Tumango si Andy, at mahinang sinabi, "sure."

***

Kinabukasan ng tanghali ay nagbalik sa mansion sina Jules, Hannah at Father Markus para gawin ang Double Exorcism. Sa tulong ng mga kasambahay ay hinanda nila ang kuwarto sa basement kung saan iyon gaganapin. Inalis nila'ng kama at pinalitan ng dalawang metal chairs na magkatabi kung saan nila pauupuin sina Miguel at Lucas. Tinulrilyo nila ang mga upuan sa sahig para siguradong hindi gumalaw at ma-interrupt ang ritual. Sinet-up ni Jules ang video camera at mga emergency lights.

"Is everything okay?" tanong ni Don Carlos na bumaba sa basement para i-check sila.

"So far, so good," sabi ni Jules.

Maya-maya'y nagulat sina Jules at Hannah nang may dumating na hindi nila ini-expect.

"Mang Andy!" masayang bati ni Hannah.

"Surprise!" ngiti ni Andy, suot ang patented leather jacket niya.

"Na-miss n'yo kami?" tanong ni Jules.

By now ay nahulog na ang loob nina Jules at Hannah sa may edarang private investigator. Wala na rin ang bruskong dating ni Andy sa kanila. Sa JHS ay nakahanap naman si Andy ng pakiramdam niya'y habambuhay na mga kaibigan.

"Si Father?" tanong ng private investigator.

"Nagmemeditate ata somewhere," sagot ni Jules.

Inikutan ng tingin ni Andy ang kuwarto at nakita ang dalawang mga upuan. Na-imagine na niya ang mangyayari sa loob. Ang exorcism.

"Come, follow me," pagaya ni Don Carlos kay Andy na expected naman ang kanyang pagdating.

Sa living area pinaghintay ng Don si Andy habang umakyat ito sa second floor, at saglit lamang ay bumalik.

"Here's your check." Pag-abot ng Don, at isa pa. "And the 200k bonus as promised."

Napangiti si Andy nang mahawakan ang dalawang cheke na kanyang isinilid sa loob ng kanyang jacket.

"Anyway, alam kong busy ka, Mr. Madrid, at itong exorcism na ito, may not be your cup of tea," sabi ng Don.

"I'll stick around," sabi agad ni Andy.

Natuwa ang Don nang marinig iyon. Pakiramdam kasi niya'y mas safe sila kapag naririyan lang ang private investigator.

"Well, there's food sa kitchen," sabi ng Don at tinuro ang bahagi ng living room sa may kanto. "And the bar is yours."

Nang makita ni Andy ang bar na may mga alak—imported brands, kasama na ang kumpare niyang si Johnnie Walker Blue, ay naging mas madali pa ang desisyon niyang tumambay muna sa mansion.

"Pour yourself a drink," sabi ni Don Carlos, pagkatapos ay iniwan ang private investigator para bumalik sa basement.

Kumpleto ang bar. May maliit pa itong ref kung saan may mga ice cubes. Kumuha si Andy ng baso at tinagayan ang sarili ng whiskey. Pag-inom niya'y natanaw niya si Father Markus sa labas ng bintana.

Sa likod ng mansion ay naroon ang malaking swimming pool na napapaligiran ng magandang hardin, ng makukulay na mga halaman at bulaklak. May mga set ng lawn chairs sa paligid, isang gazebo, at barbecue area. Ilang linggo nang hindi pinababalik ng Don ang taga-maintain ng pool at hardinero kung kaya't lumago na ang bermuda grass at may mga tuyong dahon na'ng lumulutang sa tubig ng pool.

Sa ilalim ng isang palm tree, suot ang itim na sutana, ay nakaluhod sa isang tuhod si Father Markus na nagdarasal, humihingi ng blessing at gabay para sa gaganapin nilang exorcism. Bagama't armado sila ng rosaryo ni San Lorenzo Ruiz, ay alam niyang mararamdaman nila this time, ang full power ni Satanas.

Saint Michael the Archangel, defend us in battle; be our protection against the wickedness and snares of the devil. May God rebuke him, we humbly pray: and do thou, O Prince of the heavenly host, by the power of God, thrust into hell Satan and all of the other evil spirits who prowl about the world seeking the ruin of souls...

"Amen," sabi ng boses.

Pagdilat ni Father Markus ay nakita niyang kaharap niya si Andy, hawak ang dalawang baso ng whiskey on the rocks.

"Shot muna, Father," alok ni Andy habang tumayo ang pari at inabot ang baso. Sabay silang uminom.

"Mr. Madrid, mukhang natanggap mo na ang talent fee mo," sabi ni Father Markus.

"Of course, Father," ngiti ni Andy.

Saglit silang nagkatinginan at nagpalitan ng mga tango. Tulad kina Jules at Hannah, tila may nananaig nang tiwala sa pagitan ng dalawa. Na hindi na "Padre" ang tawag ni Andy kay Markus ay patunay nito. May respeto na.

"May kakaiba sa 'yo, Father," sabi ni Andy, at ang gusto niyang puntuhin ay ang insidente noong bago pa silang nagkakilala ng pari. Noong hawakan siya ni Markus at may naramdam siyang energy na dumaloy sa kanyang katawan.

"Lahat ng tao ay may pagkakaiba," sabi ni Father Markus. "Lalo na kung ano ang pinaniniwalaan nila at kung paano niya ito dinadala sa kanyang buhay."

Tumango si Andy. Alam niya ang hinihint ng pari. Siya na isang Agnostic. Agnosticism. Mula sa Greek word na Agnostos na ibig sabihin ay "unknown or unknowable." Na kung may Diyos o wala ay hindi ito mapo-prove. Pero sa mga nasaksihan niya sa nagdaang mga araw, sa mga taong nakasama niya partikular si Father Markus, nagkakaroon na si Andy ng panibagong pananaw ukol sa divine presence at sa supernatural.

"Ang dalawang kambal..." sabi ni Andy. "Naniniwala talaga kayo na possessed sila? Na hindi kaya isang mental sickness lang ito?"

"Hindi ka pa ba naniniwala sa mga nakita mo?" sabi ni Father Markus. "Baka ang tanong talaga ay, bago ka ba mapossess ay kailangan bang naniniwala ka muna sa Diyos at sa Dimonyo? Pinipili ba ng Dimonyo ang mga taong rehilyoso? Sa experience ko, oo. Naroroon siguro ang challenge kay Satanas."

"Kung ganon, hindi pala ako mapoposses," ngiti ni Andy.

"Ikaw?" tingin ni Father Markus. "Malabo."

Hinawakan ng pari sa balikat ang private investigator. "May kakaiba rin sa 'yo, Andy," aniya. "May tinatago kang hinanakit. Darating ang araw na malalampasan mo 'yan. May natatangi kang destiny."

Hindi nakasagot si Andy.

Maya-maya'y lumabas sina Jules at Hannah.

Malapitnang magumpisa ang exorcism.


NEXT: "Double Exorcism"

Ang Dalawang Anino ni SatanasDonde viven las historias. Descúbrelo ahora