Introduction

11.2K 477 28
                                    

Satan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Satan. Lucifer. Beelzebub. The Devil. The Beast. Prince of Darkness. King of Hell.

Ilan lang 'yan na mga pangalan na tawag natin sa dimonyo. Kung sa ibang bansa, siya ang diablo, djevel, duiwel, syaitan, udeveli, hudic, velnias, at marami pang pangalan na ang kahulugan lamang ay tumutukoy sa kasamaan--kampon ng kadiliman, pure evil, ang kalabang mortal ng Diyos. O sa pagkakataong ito, immortal. Pagka't ang mapanuksong dimonyo ay nasa lahat ng layaw ng mundo, handang akitin ang tao sa kasalanan.

Ano nga ba itong pasinasyon natin sa dimonyo? 

Simula pa noong unang panahon, si Satanas ay laman na ng literatura. Hindi lamang sa bibliya, ang dimonyo ay lumabas na sa mga libro nina Dante Alighieri, John Milton, Wolfgang von Goethe, Mikhail Bulgakov, Mark Twain, Stephen King at marami pang iba. Ang pasinasyon sa dimonyo ay hindi lamang sa libro kundi pati na din sa art, musika at pelikula. In other words, napaka-irrestistible ng dimonyo...at hindi natin siya kayang i-ignore.

Ang dimonyo ang pangunahing paksa ng "Ang Dalawang Anino ni Satanas." Ito ay istorya ng possession at esensya ng kasamaan na siguradong hahamon sa inyong pag-iisip. At dahil sequel ito ng "Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House," nagbabalik ang mga pangunahing mga karakter na sina Father Markus, Jules at Hannah. Sana'y magustuhan n'yo ang nobelang ito.

AUTHOR'S MESSAGE: Ito ang ikalawa sa serye ng JHS--ang team ng paranormal experts na nagumpisa sa nobelang "ANG BATANG IPINANGANAK SA HAUNTED HOUSE." Mas magandang mabasa n'yo muna ang librong iyon para lalo kayong magenjoy sa serye.

Copyright © 2017 All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon