"Can you give me a second chance? Please?"
Sobrang gasgas na nang line na 'yan,ulit-ulit nalang. Sawang sawa na ako kakabasa ng ganyang mga story tapos sa huli bibigyan ng second chance, tapos magiging sila na habang buhay.
Napakadaling sabihin pero ang hirap gawin. Kung sa akin mangyayari ang ganyan wala ng second chance. Bakit nya sasaktan kung mahal nyo ang isa't isa at bakit siya gagawa ng ikapapahamak ng relasyon ninyong dalawa.
Yung taong pinagkatiwalaan mong hindi ka sasaktan at mamahalin ng lubos. Sila pa pala ang manloloko sayo ng hindi mo inaasahang panahon at pagkakataon.
Ewan ko sa kanila nagpapakatanga sila ng dahil sa pagibig. Eh wala namang mangyayari dito. Hindi rin naman nakakayaman at nakakain ito.
"Hoy!Ano? Tapos ka nang mag emote dyan?Jusme tulungan mo kaya akong mag-mop dito! Hirap na hirap nako dito tapos ikaw emote emote kalang dyan! Halika dito makita ka ng amo natin patay ka! Damay mo pa ako!" galit na sunod sunod na pangaral nya sakin.
"Ayan na kuhanin ko lang yung mop." nagmamadali kong sabi at kuha ng map sa lalagyanan.
Nang nakuha ko na yung mop kinuha ko na din yung timba na may lamang maduming tubig. Kaso natapilok ako dahil sa carpet na makapal. Dahil sa nangyari, nasubsob ako sa natapong maduming tubig at lumikha iyon ng malakas na tunog. Kaya dali akong tinulungan ng matalik kong kaibigan na si jessica na bestfriend ko din.
"Lintik anong nangyari..." hindi nya na natuloy ang sasabihin nya dahil nakita nya akong nakadapa pa sa sahig.
"Oh My!" nanggagalaiti nyang sigaw dahilan para mapunta lahat ng katulong sa harap ko.
" Ma'am sorry po hindi ko po sinasadya" sabi ko gamit ang malungkot na mukha.
"Anong hindi sinasadya! Linisin mo yan!" sigaw nya sa akin.
At umalis na siya hindi ko alam kung saan siya pumunta na.
"Ano na namang katangahan ang ginawa mo! Jusko naman Alex hirap na nga tayong maghanap ng trabaho dahil wala tayong natapos! Tapos ganyan pa!"gigil na gigil na sabi nya sakin.
"Hindi ko naman sinasadya eh."
"Alam kong hindi mo sinasadya yan, walang may gusto sa nangyari. Pero ingat ingat pano nalang pagpinaalis tayo dito saan tayo pupulutin." sabi nya habang tinutulungan ako sa paglilinis ng sahig.
"Iska saglit lang ah, may kukuhain lang ako sa kwarto."
"Oh sige ako na bahala dito..."
Hindi ko na siya hinintay matapos sa sasabihin nya. Dumiretso na ako sa kwarto namin ng makasalubong ko ang amo namin na hawak ang mga gamit namin.
"Ah ma'am ano pong gagawin nyo sa gamit mga namin ni Iska?" takang tanong ko.
"Lumayas na kayo sa pamamahay ko wala pa kayong tatlong araw ang dami dami nyo ng ginawang hindi ko nagustuhan!" nanggagalaiti nyang sabi sa akin.
"Ma'am parang awa nyo na po hindi na po mauulit pinapangako ko po kailangan ko po ang trabahong ito." maiyak iyak kong usal sa amo namin.
"Lumayas na kayo kung ayaw nyo na ipakaladkad ko pa kayo sa guard!!" naggigigil na sigaw na sa mukha ko.
"Ayan na nga aalis na. Ikaw naman hindi ka masyadong atat ha!" sabi ko sabay hablot sa mga gamit ko na nasa kamay nya.
Nang tingan ko si Jessica sa likod ko, nakita kong ang dilim ng tingin nya sakin. Parang papatayin nya nako kahit anong oras.'creepy nya'
"O ano hinihintay mo Jessica?Kuhanin mo kaya yung mga gamit mo!" sabi ng amo naming parang sinampal ng pulbos ng limang beses. Akala kinaganda nya, ang itim itim ng balat nya tapos ang mukha! Tsura lang. Mukhang pulbos na natapon sa putik. Di sakanya bagay.
"Saglit lang naman kaya. Hindi pwedeng iprocess muna yung mga nangyari?" sarkastikong sagot ng aking kaibigan.
Papaalis na sana kami ng may naalala akong napaka halagang bagay.Ang dahilan kung bakit kami nagtatrabaho.
"Saglit nga nasan nga pala yung sweldo namin!" sabi ko sa panget naming amo.ahahahaha
"Ano kamo?Sweldo?Eh halos tatlong araw lang kayong nagsilbi sakin tapos puro pa kunsumisyon ang binibigay nyo sakin!"
"E kung isumbong kaya kita sa DOLE dahil ayaw mong ibigay ang karapatan namin." sabi ko sa kanya na may mapanghamong tono.
"Joke lang di ka naman mabiro." sabi nya sakin sabay abot ng tig dalawang libo samin ni Jessica.
"Yan ganyan dapat.Salamaaat" sabi ko sa kanya na may pekeng ngiti.
"Jessica!Let's go!" sabi ko sabay martsa palabas ng mansyon nila.
